SWY: Chapter 29
ImaginationNpaperWhy?
Kaming lahat ay natigilan nang sabay-sabay na lumabas ang dugo sa bibig, mata at ilong ni Zaria. Para akong hindi makahinga sa sobrang kaba, naninikip ang aking dibdib habang pinagmamasdan si Zaria na nanghihina at unti-unti ng nawawalan ng malay. Mabuti na lang at nasa first floor lang ang emergency room, may mga nurse agad na sumalubong sa amin at pinahiga sa stretcher si Zaria. Sinusubukan na nila itong i-revive, nilagyan siya ng oxygen at tuluyan ng pinasok sa emergency room. Napalingon ako nang marinig ang malakas na pagiyak ng mama nito.
"Bakit iyong anak ko pa? Bakit siya pa, ang bata-bata niya pa." Paulit-ulit na saad nito habang yakap-yakap siya ng Papa ni Zaria.
Si amang naman ay hawak-hawak ang dibdib, umiiyak din ito at pinapakalma siya ni Inang. Si Terence naman ay nasa isang tabi, nakatulala lang ito habang patuloy na umaagos ang luha. Si Kuya Zeke naman ay nakaharap lang sa may pintuan, namatsahan siya ng dugo na galing kay Zaria pero hindi niya iyon pinansin. Punong-puno ng pagaalala ang bawat isa, all my life ngayon lang ako nakaramdam ng sobrang takot at sobrang sakit. Ayaw ko mawala si Zaria...
"Kung hindi lalaban si Zaria, kami iyong nga maiiwan niya. Hindi namin maipapangako sa kan'ya na hindi kami malulungkot, mahal namin siya at mahalaga siya sa amin. Kaya sana lumaban siya..."
Mayamaya pa ay biglang nahirapang huminga si Amang, dali-dali naman akong pumunta sa nurse station para may makatulong kay Amang. Dumating ang nurse na may dalang wheelchair at mga aparatu na gagamitin.
"Amang, Inang doon na muna kayo sa silid ni Zaria. Hindi mabuti sa inyo na manatili rito," saad sa kanila ni Zeke.
"Pero anak nagaalala kami kay Zaria," saad ni amang kahit namimilipit sa sakit.
"Mas lalong bibigat ang pakiramdam mo amang kapag dito kaya namalagi, huwag po kayo magalala. Malakas si Zaria, lalaban siya." Paninigurado ni Zeke.
Hindi na rin nagmatigas si Amang at pumayag na itong ihatid sa silid ni Zaria, sinamahan naman siya ni Inang para may makaalalay sa kan'ya.
Ilang minuto na ang nakakalipas at wala pang lumalabas na Doctor, kaya habag naghihintay ako ay nagaalay din ako ng taimtim na dasal na sana huwag niya muna kunin si Zaria.
"Alam niyo ba Ma, Pa kung bakit lagi tayong pinipilit ni Zaria na umuwi na?" biglang pagbubukas ni Kuya Zeke ng usapan sa mga magulang niya.
"Kasi anak miss niya na tayo, kasi gusto niya tayo makasama." Sagot ng Mommy nito.
"Ma bukod doon mas may malala pang dahilan, ang tagal tinago ni Zaria sa atin ang katotohanan. Ma matagal na niyang tinigil ang pagpapagamot kasi alam niya wala ng pag-asa, kahit i-check niyo iyong bank account niya. Nandoon lahat ang pinapadala natin para sana sa pagpapagamot niya, Ma hindi ko 'to malalaman kung hindi ako umuwi at hindi sinabi ni Inang. Gusto niya kasi na kumbinsihin ko si Zaria na magpagamot ulit, pero ayaw niya na Ma." Umiiyak na paliwanag ni Kuya Zeke, napapikit ako ng mariin sa sinabi nito. Mas lalo namang naiyak ang Mommy at Daddy niya sa kanilang narinig.
"Si Zaria kahit saan mo ilagay napaka-selfless niya," saad ng Mommy nila.
"Iyong iba niya namang pera Ma, ginagamit niya para pambili ng vitamins at gamot nila Inang. Ma ang selfish natin Ma, iyon lang siguro iyong hiling ni Zaria bago siya mawala iyon sanang tayo iyong kasama niya sa mga araw na iyon." Humihikbing saad ni Kuya Zeke.
Nang mapalingon din ako kay Terence ay nakita ko rin na umiiyak ito, matagal na kasi talagang gusto ni Zaria na makasama ang pamilya niya.
"Na-gu-guilty ako, dapat pala nakinig na lang tayo sa kan'ya. Kawawa naman 'yong kapatid mo,"
"Shh, mabait si Zaria. Alam natin lahat na kaya niya tayong intindihin, tsaka naniniwala ako lalaban pa si Zaria." Saad ng Daddy nila.
"Mahal na mahal po kayo ni Zaria, sigurado ako na malulungkot iyon kapag nalaman niyang sinisisi niyo ang sarili niyo sa nangyari sa kan'ya." Sabat ni Terence.
Kung tutuusin kasi, mas kilala niya talaga ai Zaria kesa sa akin. Gusto ko mainis sa mundo! Kasi kung kailangan natututunan ko ng magustuhan si Zaria ay hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataon dahil sa sakit niya. Gusto ko bumawi nang bumawi sa mga nagawa ko pero hindi ko mabigay ng todo dahil kung hindi ito nahihimatay ay na-coma naman. Siguro hindi pa nga talaga ngayon ang panahon namin, pero sana kapag dumating iyong panahon na na-re-incarnate kami ay sana makilala ko siya at sana mas mataas pa ang panahon na ibibigay sa amin.
Isa siyang lesson sa buhay ko na hindi ko makakalimutan, na kahit ang liit lang ng panahong binigay sa amin ay nabigyan ako ng pagkakataon na makilala siya at maging kaibigan sa madaling sandali. Hinding-hindi ko ipagpapalit sa kahit ano man ang pagkakataon na 'yon.
"Ma'am! Sir! Gising na po iyong pasyente, gusto niya raw po kayo makausap." Nagmamadaling saad ng Doctor kaya dali-dali kaming pumasok sa emergency room.
Naabutan namin si Zaria na habol-habol ang hininga nito kahit pa may oxygen na nakakabit sa kan'ya. Dali-dali akong lumapit sa kan'ya at hinawakan ang kamay nito, hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulgol, hinang-hina na kasi ito at para bang pinipilit niya na lang dumilat. Nasa kabila namang kamay naman nakahawak ang pamilya niya, umiiyak din ang mga ito habang nakatitig kay Zaria. Binawi niya muna ang kama niya at dahan-dahan na tinanggal ang oxygen sa may bibig niya, may mga bahid pa rin ng dugo ang pisngi niya pero hindi na namin'yon, pinansin. Ang mas mahalaga ay tumigil na ang pagdurugo.
"M-Mama, Papa, Kuya sorry... H-Hindi ko na talaga kaya, hinang-hina na po ako. Gustuhin ko man po lumaban pero hindi ko na kaya." Mahinang saad nito.
Napakagat ako sa pangibaba kong labi upang mapigilan ang aking sarili sa pagiyak ng malakas, ang sakit sa pakiramdam na wala akong magawa para tulungan siya ngayon sa nararamdaman niya.
"Anak you don't have to say sorry, kami nga dapat ang humingi ng tawad sa 'yo eh. Patawarin mo kami anak kung hindi man lang namin napagbigyan ang kagustuhan mong makasama kami." Umiiyak na saad ng Mommy nito.
"Anak mahal na mahal ka namin, maiintindihan..." pinipigilan nang Daddy nito na mapahagulgol kaya napuputol ang sasabihin nito. "Maiintindihan namin ana kung magpapahinga ka na, kung hindi mo na talaga kaya okay lang." Umiiyak na saad ng Daddy nito.
Mas lalo akong naiiyak habang pinagmamasdan si Kuya Zeke na pinipilit na maging matapang sa harap ni Zaria, kitang-kita na gustong-gusto niyang sumigaw sa sobrang sakit.
"Kuya?" tawag ni Zaria rito.
Lumapit naman ito kay Zaria sabay nginitian, "Huwag mo isipin si Kuya, nasasaktan lang ako kasi hindi ko akalain na dadating tayo sa point na 'to. Zaria ayaw ko pa sana bitawan ka pero alam ko na pagod ka na at nahihirapan ka na kaya maiintindihan ka rin ni Kuya," saad nito na napapahikbi.
"Patawarin niyo ako kung mahina ako, lagi niyo lang tatandaan na mahal na mahal ko kayo. Please, huwag niyo iwan sila Inang at Amang dahil matanda na sila. Kailangan din nila ng magaalalaga sa kanila." Kahit sa na nahihirapan ay iba pa rin ang iniisip nito.
"Oo anak kami na ang bahala sa kanila," paninigurado ng Ama nito.
"Terence, Toffer..."
Iyon pa lang ang nasasambit niya ay napahagulgol na ito sa pagiyak kaya pareho kami ni Terence na para na ring mga bata na umiiyak.
"Salamat sa inyong dalawa ha? Kahit papaano naging masaya ako sa pagbalik ko sa skwela, sana huwag na kayo mag-away ulit ha? Sige kayo, mumultuhin ko kayo. Pakisabi rin kay Cloud huwag niya sisihin ang sarili niya."
Hindi ko magawang makapagsalita dahil iyak lang ako nang iyak kaya tanging tango lang ang aking nasasagot sa mga bilin nito.
"Masaya ako at nakilala kita Zaria, maraming salamat sa lahat." Saad ni Terence dito.
"Ako rin, masakit man pero kailangan tanggapin. See you sa susunod na buhay ha? Zaria hintayin mo ako roon, gagawa pa tayo ng panibagong storya. Paalam, mahal naming kaibigan." Saad ko sabay hinalikan ang palad nito.
Tanging ngiti lang ang tugon nito, kasabay ng pagngiting 'yon ay ang pagtunog ng monitor na nasa gilid namin.
Napahagulgol na lang kaming lahat nang maging purong linya na lang ito.
Wala na, wala na talaga...
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.