Dahil sa inis ay iniwan ko na muna sils Inang, Amang at Terence sa sala. Nanlalagkit ako kaya naligo na lang ako, nakita naman na rin nila Inang ang mga pasa at galos ko ay wala ng rason para itago ito. Nagbihis na lang ako ng pantulog, wala akong pakialam kung nasa baba pa si Terence, mas presko suotin ang pajama. Muntik ko pang makalimutan, sleeveless sana ang susuotin ko nang maalala na nasa baba pa nga pala si Terence kaya agad akong nagpalit ng maluwang na t-shirt. Bigla akong natigilan nang makita ko ang aking repleksiyon sa salamin.
"Ang payat ko na pala talaga," mahinang saad ko.
Hindi ko mapigilang malungkot nang maalala si Kuya, ayaw pa naman noon na sobrang payat na ako.
"Zaria, Iha bumaba ka na at nakahanda na ang hapag."
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang marinig si Inang.
"Sige po, susunod na ako." Sagot ko naman dito.
Napangiti ako ng mapakla nang maramdamang may bahid ng luha ang aking pisngi.
"Sana lang talaga pagbalik nila ay mahawakan at mayakap ko pa sila..."
Inayos ko lang muna ang aking nakalugay na buhok at dumiretso na sa baba, napakunot ang aking noo nang makitang nandoon pa rin si Terence.
"Bakit nandito ka pa?" tanong ko rito.
Tumingin naman ito sa akin na para ba akong sinusuri.
"Hoy!" saway ko rito nang nakatulala pa rin ito.
"Mas lalo kang gumanda na wala kang make up," saad nito habang nakatitig pa rin sa akin.
"Ganda? Wala ako noon! Kumain ka na lang, kapal ng mukha mong pumunta rito." Diretsong saad ko sa kan'ya.
"Zaria," saway sa akin ni Inang.
"Okay lang po Inang," nakangiti nitong saad.
"Inang? Aba't!"
"Hayaan mo na Zaria, nagkasundo kasi kami na simula ngayon ay siya na ang magiging bantay mo habang nasa paaralan ka." Saad sa akin ni Inang.
"Pero po, Inang kaya ko naman po 'yong sarili ko."
"Zaria huwag matigas ang ulo, siya ang magbabantay sa 'yo o isusumbong ko sa Mommy at Daddy mo na na-bully ka?"
"Okay, wala na rin naman na akong choice eh." Sang-ayon ko na lang dito.
"Alam ko na 'yong totoo," saad ni Terence na ikinagulat ko.
Agad ko namang tinignan si Inang at Amang.
"Ayaw ko pong magalit sa inyo Inang at Amang pero bakit niyo ako pinangungunahan?" matamlay na saad ko rito.
"Zaria wala kami ng Amang mo roon, paano kapag may umapi ulit sa 'yo? Nangako maman si Terence na wala siyang pagsasabihang iba, may tiwala rin kami sa kan'ya iha." Pagpapaintindi sa akin ni Inang.
Matamlay akong umupo sa upuan at nagsimula na lang kumain.
"Ayaw ko sana na may makaalam, ayaw kong kaawaan ako." saad ng aking isip.
Halos tahimik lang ako habang kumakain kami, sila Inang at Terence lang ang naguusap.
"Paano po ba 'yan, gabi na at kailangan ko na po mauna. Salamat po ulit Inang at Amang, hinding-hindi ko po kayo bibiguin." Paalam ni Terence pagkatapos naming kumain.
"Walang ano man iho, welcome ka sa bahay namin anytime. Zaria, pahatid naman siya sa labas oh." saad ni Inang.
Tinanguan ko na lang ito at nauna ng lumabas, agad naman akong nakaramdam na sumunod na rin ito.
"Zaria galit ka ba?" tanong sa akin ni Terence.
Hindi ako umimik at dire-diretso lang naglakad. Hinawakan nito ang aking braso kaya natigilan ako sa paglalakad.
"Sorry, gusto ko lang talaga makatulong sa 'yo." malungkot na saad nito.
Dahan-dahan ko itong nilingon at nakaramdam ng awa nang makitang nakayuko ito at malungkot.
"Sa totoo lang Terence ayaw ko talaga ng kaibigan, ramdam mo naman 'yon 'di ba? Bakit mo ba pinagpipilitan ang sarili mo sa akin?" diretsong tanong ko rito.
"Wala, I am just so amazed with your attitude lalo na noong nalaman ko rin ang rason kung bakit ilag na ilag ka sa mga tao. Believe me Zaria, mapagkakatiwalaan ako." Kumbinsi nito sa akin.
"Ikaw ang bahala Terence, basta ako kaya ko ang sarili ko."
"I will prove to you na worth it ang magiging friendship natin," saad nito.
Nagkibit-balikat na lang ako rito.
"Susunduin kita bukas ha? Good night Zari," paalam nito at tuluyan ng lumabas sa gate namin.
"Thank you," mahinang saad ko pero rinig niya naman.
Ngumiti lang ito sabay kumaway.
"Ano kaya ang magiging resulta nito?" saad ko sabay tumingala sa langit.
Lihim akong napangiti nang makita ko ang paborito naming bituin ni Kuya, kumikislap ito at sobrang ningning.
"Pasabi naman kay Kuya Zeke, miss na miss ko na siya." Nakangiti kong saad habang nakatingala sa kalangitan.
"Anak pasok na," tawag sa akin ni Inang.
"Opo," sagot ko rito.
Gusto ko sana tawagan sila Mommy para kamustahin, pero baka magtaka lang sila kapag nakita nila ang mga galos ko.
"Good night, miss ko na kayo." Ito na lang ang sinend ko sa kanila.
Ilang minuto rin ang hinintay ko, gusto ko sana makatanggap ng reply galing sa kanila pero parang malabo. Inaantok na ako kaya pinili ko na lang matulog.
Maaga akong nagising kinabukasan, agad naman akong naligo at nagbihis ng uniporme.
"Sana naman walang masamang mangyari sa araw na 'to," saad ko habang inaayos ang aking make up.
Siguro nga tama rin si Toffer, kaya marami akong nakukuhang atensiyon dahil sa kapal ng make up ko. Medyo light lang 'yong ginawa ko para magmukhang natural lang.
"Ang ganda talaga ng Zaria namin, kumain ka na at baka mamaya dumating na si Terence." Saad ni Inang nang makababa na ako.
"Terence?" takang tanong ko rito.
"Susunduin ka niya ngayon anak, nakalimutan mo na ba?"
Napakagat ako sa aking ibabang labi, "Oo nga pala." Sagot ko rito.
"Inang hindi niyo ba ako sasaluhan?" tanong ko sa kan'ya.
Si Amang panigurado nasa hardin na naman 'yon at inaalagaan ang mga pananim.
"Nagkape na kami ng Amang mo kanina Zaria, kumain ka lang diyan at magpakabusog." Saad sa akin ni Inang sabay hinalikan ang aking noo.
Isusubo ko na sana ang laman ng aking kutsara nang maramdaman kong may parang likido na umaagos mula sa aking ilong, hindi ko 'yon naagapan at tuluyang tumulo aa table napkin namin.
"Inang! Inang!" Nagaalalang tawag ko rito.
"Zaria! Tumingala ka, teka at kukuha ako ng pamunas." Saad sa akin ni Inang.
Agad naman akong tumingala habang hawak-hawak ang aking ilong. May mga dugo na namang lumalabas galing dito.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Novela JuvenilIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.