SWY: Chapter 28
ImaginationNpaperNapaawang ang aking bibig nang marinig ang sinabi ni Toffer, "gusto niya ako?"
"Nagbibiro ka ba?" hindi makapaniwalang tanong ko rito.
"Gusto kita, matagal na pala pero bago ko lang na-realize kasi natatakot akong masaktan si Cloud kaya siguro ganoon." Sagot naman nito sa akin.
Hindi ko alam pero bigla akong naluha sa sagot nito, "Sorry Toffer... Alam ko one of this days ay masasaktan kita, kaya ngayon pa lang humihingi na ako ng sorry. Salamat, hindi ko akalain na dadating tayo sa point na 'to. Iyong tipong magtatapat ka sa akin, tapos heto ako wala man lang makita at hindi alam ang gagawin. Toffer, I appreciate it. Pero natatawa ako, anong nagustuhan mo sa kagaya kong araw na lang ang bibilangin?"
Napapikit naman ako nang bigla niya akong yakapin ng mahigpit, napakagat ako sa pangibaba kong labi nang marinig ang paghikbi nito, "Kaya nga ako nandito 'di ba? I will cheer you up no matter what, ganoon ako ka pursigido na tulungan ka. I know you'll make it, kailangan mo magpagaling kasi liligawan pa kita."
Mas lalo akong napahikbi sa sinabi nito, "I can't promise Toffer pero hanggat kaya ko ay lalaban ako." Sagot ko rito.
"Lagi mo lang tatandaan na nandito lang ako, kami na aalalay sa 'yo. Hindi mahalaga sa aking kung pareho tayo ng nararamdaman kask kung hindi man? Gagawa at gagawa ako ng paraan sa tamang oras, panahon at lugar na patunayan sa 'yo na totoo ito." Saad nito sabay hinalikan ang aking noo. Matapos namin sumayaw at magusap ay pinaupo nila ako sa wheelchair.
"Saan tayo?" tanong ko sa kanila nang maramdamang tinutulak nila ito."
"Nagplano kaming mag-star gazing pagkatapos ang sayawan. Sayang at 'di mo makikita, pero hayaan mo dahil naka-film ito lahat. Kapag bumalik na 'yong paningin mo, makikita mo na 'to." Saad ni Toffer.
"Kuya, wala pa ba sila Mommy?" tanong ko rito.
"You'll see once na makalabas tayo Zaria," sagot nito sabay hinaplos ang buhok ko.
Pinipilit ko talagang maging masaya pero mabigat ang damdamin ko, hanggang ngayon ay wala pa rin akong nakikita at nakakapanibago. Naramdaman kong pumasok kami sa elevator, pababa iyon. Mayamaya pa ay lumabas na kami, buong ingat akong inalalayan nina Terence at Toffer. Mayamaya pa ay biglang tumahimik kaya napalinga ako at kumakapa kung may nakahawak pa ba sa inuupuan ko."Kuya?"
"Toffer?"
"Terence?"
"Inang?"
"Amang?"
Napakunot ang aking noo nang hindi sila sumagot.
"Ku-"
"Zaria," agad akong natigilan nang marinig ulit ang boses na 'yon nang hindi ko naririnig sa personal. Napapikit ako sa magkahalong emosiyon, masaya na malungkot. Ang tagal kong namuhay sa imahinasiyon na sana isang araw umuwi sila para makita at mayakap ko sila.
"Anak?"
"Ma asan ka?" naiiyak na tanong ko rito.
"Huwag ka nga magbiro ng gan'yan anak, heto ako sa harap mo oh nakatayo." Sagot nito, napayuko ako nang mapagtantong nakaharap ako sa kanan.
"Mama totoo ba 'to, nandiyan ka na? Papa nandiyan ka na rin? Ang saya ko," humahagulgol na saad ko. Mas lalo akong naiyak nang maramdaman ang mga yakap nila, hinawakan ko ang braso ni Mommy at Daddy na nakapulupot sa akin.
"Oo anak, totoo kaming nandito." Saad nito na para bang binipigilang humikbi.
"Zeke anong nangyari?" tanong ni Mommy kay Kuya.
"Mom, Dad hindi na po nakakakita si Zaria. Simula noong magising siya sa pagkaka-coma niya, bigla na lang naging ganoon. Sabi ng Dcotor, baka raw dahil sa dosage ng mga gamot niya. Hindi ko na nasabi kanina," paliwanag ni Kuya.
Napakagat ako sa aking labi nang lumapat ang palad ni Mommy sa mukha ko sabay hinaplos ang talukap ng aking mata.
"Hindi!" humahagulgol na saad nito.
Dahan-dahan kong tinaas ang aking kamay at inalalayan naman ako ni Mommy na mahawakan ang pisngi niya, "Mama gusto kita makita, Mama ang tagal ko 'tong dinasal na sana isang araw umuwi kayo. Mama gusto ko kayo makita ni Papa," humahagulgol na saad ko. Kasabay nito ay ang pagbuhos na rin ng luha ni Mommy.
"Anak patawarin mo kami, patawad kasi mas inuna namin ang trabaho. Anak para rin naman 'yon sa 'yo eh, anak ang sakit sa akin na nakikita ka sa ganitong kalagayan." Umiiyak na saad ni Mommy habang pinaghahalikan ang aking palad.
"Ang laki ng pinayat mo nak, iyong sigla sa mukha mo wala na rin. Anak kung puwede lang sana na salinan kita ng dugo, gagawin ko bumalik lang 'yong dating sigla at kulay mo." Saad ni Papa habang hinaplos ang aking buhok.
"Wala po kayong kasalanan, masaya nga po ako kasi dumatinng kayo eh. Iyon nga lang, hindi ko kayo makita. Ang ganda sanag baon sa alaala na makita kayo bago ako tuluyang mawala."
Mas nanikip ang aking dibdib nang marinig si Papa na umiiyak, "Mama, Papa patawarin niyo ako kung umiiyak kayo ngayon dahil sa akin. Patawarin niyo ako kung naging pabigat ako sa inyo."
Napapikit ako nang bigla akong yakapin ni Papa, "Don't say that anak, never ka naging pabigat sa amin. Ginagawa namin lahat dahil mahal ka namin, 'yan ang tatandaan mo." Saad ni Daddy habang hinahaplos ang aking buhok.
"Oo nga po pala, gusto ko magpasalamat sa inyong lahat sa lahat ng effort na ginawa niyo sa akin. Kung bibigyan lang sana ko ng pagakaktaon ng mabuhay ng mahaba, gagawa at gagawa ako ng paraan para makabawi sa inyo." Umiiyak na saad ko.
"Kahit hindi ka na bumawi anak, kahit lumaban ka na lang masaya na kami roon." Saad ni Mama.Mayamaya pa ay naramdaman kong parang may likidong lumalabas mula sa ilong at bibig ko.
"Ma anong nangyayari?" nagaalalalang tanong ko.
"Diyos ko!" nagaalalang sigaw ni Mama.
"Zeke! Kargahin mo 'yong kapatid mo, dalhin natin sa emergency!" natatarantang siga ni Mommy.
"Zaria don't close your eyes, stop crying muna baby. Ayaw kita pakabahin pero you need to calm down, may mga dugong lumalabas sa ilong at bibig mo tapos 'yong luha mo nagiging dugo na."
Bigla akong natigilan sa sinabi nito, the last thing I remember. Kinarga na ako ni Kuya at nagmamadaling ipasok sa loob ng hospital. Nagaalala ma'y hindi ko mapigilang mapangiti.
"At least kahit mamatay ako, masaya akong mamamatay kasi finally umuwi na sila Mama at Papa para sa akin." Saad ng isip ko bago tuluyang mapapikit.
"Don't close your eyes,"
"Don't close your eyes anak,"
Pero hindi ko talaga mapigilan pa at tuluyan ng nagdilim ang aking paningin...
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.