Seconds with You C.11
Terence's POV
Halos hindi ko iwan si Zaria sa hospital nang araw na 'yon, noong nakita ko pa lang siyang nag-jo-jogging ay kinabahan na ako at nakaramdam ng hindi mabuti. Halos hindi ako mapalagay noong makita ko siyang nahimatay, mabuti na lang talaga at natulungan siya agad. Hindi raw muna siya puwede papasukin kaya nagpaalam na rin ako sa kan'yang hindi na magtatagal, bibisitahin ko na lang siguro siya kapag uwian na. Nagpasalamat din sa akin si Inang Julie at Amang Selmo sa pagtulong at pagalaga kay Zaria. Sinigurado ko muna na tulog na ito at okay na bago tuluyang umalis.
Nagpahatid na ako sa driver ko sa bahay, medyo nagugutom na rin ako kaya pagdating na pagdating ko ay kumain na rin ako. Pero hindi talaga mawala sa isip ko ang nangyari kay Zaria... Nagaalala ako, baka dumating talaga 'yong araw na papatigilin siya ng mga magulang niya...
"Terence?"
Agad naman akong lumingon sa tumawag sa akin.
"Mommy, gising ka pa?" nakangiti kong saad dito.
"Oo tsaka tinignan ko lang kung nakaywi ka na, bakit late ka ng nakauwi anak?" mahinahon nitong tanong sabay tumabi sa akin.
"Naalala mo si Zaria My? Kanina kasi nahimatay siya, wala siyang kaibigan sa school kaya ako na ang dumamay sa kan'ya. Dinala po siya sa hospital kaya late na po akong nakauwi," paliwanag ko rito.
"Yeah, how is she?" tanong ni Mommy.
"Medyo okay na My, pero hindi pa nga lang siya puwede pumasok bukas." Sagot ko rito.
"Bibisitahin mo ba bukas? Send my regards to her, magpahatid ka lang sa driver natin okay?" bilin nito sa akin.
"Yes po," sagot ko at tinapos na ang aking kinakain.
"Sige na anak, mauna na ako sa taas ha? May duty pa ako bukas, ingat ka lagi." Paalam nito sabay hinalikan ang aking noo at niyakap ako.
Hindi ko rin mapigilang malungkot, wala na kasi kami gaanong time ni Mommy na mag-bond dahil sobrang abala na ito sa trabaho niya at ako naman sa school at sa mga duty ko sa council.
Dahil na rin sa pagod ay agad din akong nakatulog, nagising na lang ako kinabukasan nang gisingin ako ng isa sa mga katulong namin.
Nagpaluto ako ng sopas sa kan'ya at nagpahanda ng mga prutas na dadalhin kay Zaria. Idadaan ko 'yon bago tuluyang pumasok, naligo na ako at naghanda. As usual, wala na si Mommy at sigurado akong maaga na naman 'yong pumasok.
"Iho nandito na 'yong pinahanda mo," saad sa akin ni Yaya.
"Sige po, maraming salamat!" pagpapasalamat ko rito.
Matapos kumain ay kinuha ko na ang paper bag na may pagkain at nagpahatid na muna sa hospital.
"Bahala ng ma-late, basta mahatid ko lang 'to." Saad ko habang nasa biyahe.
"Mahalaga siya sa 'yo 'no?" saad ng driver ko sa akin.
"Opo, naaawa po kasi ako sa kan'ya." Sagot ko naman.
Tumango na lang ito at pinarada na ang sasakyan.
"Babalik din po ako agad, ihahatid ko lang 'to kay Zaria." Paalam ko sa kan'ya.
Lakad at takbo ang ginawa ko para mabilis na makarating sa silid ni Zaria, nagtanong ako sa nurse station at confirmed na nandoon pa rin sila Zaria. Kumatok muna ako bago pinihit ang door knob.
"Magandang umaga!" bati ko kay Aling Julie na nagkakape at kay Zaria na umiinom ng gatas.
"Terence! Bakit ka nandito?" takang tanong ni Zaria.
"Dinaan ko lang 'to Zari, para sa 'yo ito. Prutas at sopas, para mabusog ka." Nakangiti kong saad sabay nilapag sa mesa niya ang pagkain.
"Hala nagabala ka pa, maraming salamat Terence. Tsaka baka mahuli ka na," nagaalala nitong saad.
"Walang ano man, makakalabas ka na ba ngayon?" tanong ko rito.
"Oo baka mamayang hapon, huwag ka na lang dumaan dito baka wala na ako mamaya." Sagot naman nito.
"Sige, pakabusog ka tapos get well soon okay?" bilin ko sabay ginulo ang buhok nito.
Tumango naman ito sabay ngumiti, hindi ko mapigilang malungkot nang mapansing namumutla pa rin si Zaria. Kaya pala halos balot na balot ito ng make up, tinatago nito ang kan'yang pamumutla.
"Ihatid na kita sa labas anak," alok sa akin ni Inang Julie. Kumaway na lang ako kay Zaria sabay nginitian ito.
"Maraming salamat Terence ha?" saad sa akin ni Inang Julie.
Napansin ko ang malungkot nitong mata.
"Inang may problema po ba?" tanong ko rito.
"Kasi iho, uuwi ang Kuya ni Zaria... Baka patigilin na siya sa pag-aaral, hindi ko pa nasasabi sa kan'ya." Saad sa akin ni Inang.
Hindi ko mapigilang magalala rin at malungkot, kakasimula pa lang ng klase at kakabuo pa lang ng pagkakaibigan namin ni Zaria.
"Inang baka may maitulong ako, gagawa po ako ng paraan para makumbinsi ang Kuya ni Zaria. Dodoblehin ko po ang pagbabantay kay Zaria." Alok ko rito.
"Bakit gan'yan ka na lang kung magalala kay Zaria?" tanong ni Inang Julie.
"Kasi po alam ko po na mahalaga sa kan'ya ang pag-aaral, Inang huwag naman sana natin 'yon ipagkait sa kan'ya." Pursigido kong saad dito.
"Sige iho, tignan natin kung may magagawa tayo." Saad nito.
Hinawakan ko ang palad nito sabay seryosong tumitig sa kan'ya, "Tulungan natin si Zaria inang."
Tumango na lang ito sabay ngumiti, nagpaalam na rin ako sa kan'ya dahil baka mahuli na ako sa klase. Pero bibisita ako mamaya sa bahay nila, kailangan ko makausap si Zaria.
Lutang na lutang ang isip ko habang iniisip ang sinabi ni Inang, halos hindi ko nga namalayan na nakarating na pala kami sa paaralan.
"Susunduin na lang kita mamaya Sir," saad sa akin ng driver.
"Sige po," sagot ko at naglakad na papasok.
"Terence!"
Agad naman akong natigilan nang makita si Toffer, may dala itong maliit na paper bag.
"Bakit?" tanong ko rito.
"Hindi ba papasok si Zaria?" tanong nito.
"Hindi, advice ng doctor na magpahinga na muna siya ngayon." Sagot ko at tatalikod na sana nang hilahin niya ang braso ko.
"Kamusta na siya? Kailan siya lalabas?" sunod-sunod na tanong nito.
"Bakit bigla kang naging interesado kay Zaria? Puwede ba Toffer, huwag mo na lang ipilit ang plano mo. Baka dahil na naman sa 'yo mapahamak ulit siya."
Hindi na ako nakapagtimpi at sinabi na ito sa kan'ya, kita sa mukha nito ang inis nang marinig ang sinabi ko.
"Sino ka ba para utusan akong layuan si Zaria? Ikaw na nga ang nagsabi na kailangan niya ng kaibigan kaya heto ako, gusto ko bumawi sa kan'ya Terence." Sagot nito sa akin.
"Bawi? Baka nga dagdag ka pa sa stress niya eh," sagot ko sabay iling.
Napangisi ako nang mapansing nagtitimpi ito ng galit, ayaw mapahiya kaya hindi ako magawang sugurin.
"Sige na, pumasok ka na rin." Saad ko rito at tinalikuran na ito.
Siguro panahon na rin para tanungin si Zaria kung ano nga ba ang sakit niya...
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.