SWY: Chapter Nine

1.4K 31 0
                                    

SWY: Chapter Nine

Toffer's POV

Hindi ko alam kung bakit nagkaganoon si Zaria, mas lalo akong kinabahan noong tawagan ko ang guardian nito at sobrang pagaalala nang malaman ang nangyari sa kan'ya. Pinadiretso na nila ang guardian nito sa hospital na pagdadalhan kay Zaria, hindi ko alam pero nakiusap ako sa mga guro na magdadala sa kan'ya sa hospital na sasama rin ako. Habang nasa loob kami ng ambulansya, hawak-hawak ni Terence ang kamay nito na sobra ring nagaalala.

"Terence, ano bang nangyayari?" tanong ko rito.

"Hindi kasi talaga mabuti ang lagay ni Zaria simula pa kanina, baka nilalagnat o ano ba... Basta naabutan ko sila ni Inang na nagpapanic dahil dumudugo ang ilong ni Zaria, pinilit ko pa nga siya na huwag na pumasok pero nagpumilit pa ito." Paliwanag niya.

"Ganoon ba? Kung alam ko lang sana, baka tinulungan ko pa siyang magpaalam na hindi na lang muna sumama sa activity." Nagsisising saad ko nang maalala na nagpaalam ito kanina.

Mabilis lang ang naging takbo ng ambulansya at nakarating kami agad sa hospital, kasama namin ang aming adviser at si Mr. Joaquin. Agad nilang pinason si Zaria sa emergency room kaya naiwan kaming apat sa labas.

"Hindi mo man lang ba sinuri ang lagay ni Zaria kung okay ba siya at kaya niya ba ang activity?" tanong ng adviser namin kay Mr. Joaquin.

"Kung alam ko lang talaga sana na nagsasabi pala siya ng totoo edi sana pinayagan ko siyang huwag muna sumali." Nagsisising sagot nito.

"Nagpaalam naman pala tapos hindi mo pinayagan? Kung mapano ang batang 'yan Joaquin tayo ang mananagot." Nagaalalang saad ni Ma'am.

"Terence maiba nga tayo, nakapunta ka na sa bahay nila Zaria?" curios na tanong ko rito.

"Bakit mo naman natanong?" balik nito ng tanong sa akin.

"Wala, pansin ko kasi na parang malapit na kayo sa isa't isa." Sagot ko rito.

"Kasi kailangan niya ng kaibigan," diretsong sagot nito.

"Kaibigan? Hindi niya naman ata kailangan 'yon eh, matapang naman siya tsaka kaya niya ang sarili niya." Sagot ko rito.

"Akala mo lang 'yon," makahulugang sagot nito.

Nagkibit-balikat na lang ako rito sabay umupo na muna sa isang tabi.

"Inang! Amang!"

Agad naman akong napalingon nang marinig na may tinawag si Terence.

Umiiyak ang babae at halatang nagaalala rin ang kasama nitong lalaki. May katandaan na ang mga ito, sila ba ang mga magulang ni Zaria?

"Terence anong nangyari, nasan si Zaria?" salubong na tanong ng babae kay Terence.

"Nasa emergency room pa Inang, sorry po kung hindi ko siya nabantayan kanina. Wala po kasi siyang nabanggit na may activity pala sila ngayon." Paghingi ng tawad ni Terence dito.

Ganoon ba talaga sila ka-close at parang kilalang-kilala na siya sa side ni Zaria?

"Ma'am, Sir! Si Inang Julie at Amang Selmo po, guardian ni Zaria." Pakilala ni Terence sa guardian ni Zaria sa dviser namin.

"Sir, Ma'am magandang umaga po. Pasensya na po talaga sa nangyari," paghingi ng pasensya ni Sir Joaquin dito.

"Ano bang nangyari?" tanong ni Aling Julie.

"Hindi ko po kasi talaga alam na hindi mabuti ang kalagayan ni Zaria ngayon kaya pinasali ko siya sa surprise activity. Pasensya na po talaga," saad ni Sir Joaquin.

"Hindi na talaga ito nakakabuti sa kan'ya, baka kailangan na natin magdesisyon Selmo." Saad nito sa kasama niya.

"Kumalma ka muna Julie, sa bahay na natin paguusapan ang kalagayan ni Zaria. Sa ngayon, kailangan natin masigurado na okay siya." Pagpapakalma ni Mang Selmo rito.

"May sakit po ba si Zaria?" tanong ng Adviser namin sa kanila.

Nagkatinginan naman ang dalawa, huminga muna ng malalim si Aling Julie tsaka sumagot.

"Oo pero hindi naman ganoon ka lala, puwede na kayo umalis kami na lang ni Selmo ang bahala rito. Salamat sa pagdala sa kan'ya rito ha? Huwag kayo magalala, kami na ang bahala." Saad ni Aling Julie.

"Pero kailangan po-"

"Okay lang po talaga, kami na ang bahala rito." Pagpupumilit ni Mang Selmo.

"Sir, Ma'am magpapaiwan na lang po ako. Ako na po ang mag-rereport sa inyo mamaya kung kamusta na siya." Bulontaryo ni Terence.

"Ako rin po," sabat ko.

Napakunot naman ang noo ni Terence nang marinig ako.

"Iho huwag na, kahit si Terence na lang." Saad naman ni Aling Julie.

"Pero kaibigan din po ako ni Zaria," pagpupumilit ko.

"Sigurado ka?" pabalang na tanong ni Terence.

Naiinis ko itong tinignan, bakit masyado yata itong pabida?

"Si Terence lang ang maiiwan Toffer, sasama ka sa amin. Sige po Aling Julie, maraming salamat po. Huwag po kayo magalala, kami na bahala sa billing kapag nakalabas na si Zaria." Paninigurado ng adviser namin.

"Salamat din po," tumatangong sagot ni Aling Julie.

"Toffer, tara na!" tawag sa akin ni Sir Joaquin.

Tinapunan ko muna ng tingin si Terence sabay nagpaalam na kina Aling Julie, oo nga pala si Cloud...

Pumara na si Si Joaquin at sinabi ang address ng aming paaralan. Silang dalawa ang nasa back seat habang ako naman ay nasa front seat.

Hindi naman ganoon ka layo at nakarating din kami agad, usap-usapan na ang nangyari tungkol kay Zaria. Rinig na rinig ko sila halos habang naguusap.

"Mauna ka na sa silid Toffer, susunod ako." Saad sa akin ng Adviser namin.

"Sige po," sang-ayon ko rito.

Nakayuko lang ako habang naglalakad, hindi ko mapigilang maalala ang walang malay na si Zaria kanina.

"Toffer! Kamusta si Zaria?" salubong sa akin ni Cloud.

"Hindi ko alam, wala pa rin siyang malay nang pag-alis namin." Malamig na sagot ko rito.

"Toffer okay ka lang?" tanong ni Cloud nang mapansin ang panlalamig ko.

"Naiinis lang ako kay Terence, masyado kasing pabida." Diretsong sagot ko rito.

"Why, what happened?"

"Nag-insist siyang siya na lang ang maiwan sa hospital, mapapel masyado. Ako dapat nandoon eh dahil ako ang president," naiinis na sagot ko rito.

"Baka dahil magkaibigan sila kaya siya ang nandoon? Hayaan mo na lang, ang mahalaga ay maging okay siya." Pagpapakalma sa akin ni Cloud.

"Tapos alam mo ba? Malapit siya sa pamilya ni Zaria, parang ang tagal na nila magkakilala kung tignan." Sagot ko sabay pabagsak na umupo.

Nagtataka namang tinignan ako ni Cloud, pinaharap niya ako sa kan'ya sabay tanong ng diretso...

"Nagseselos ka ba?"

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon