SWY: Chapter Twenty Five

1.2K 22 0
                                    

SWY: Chapter 25
ImaginationNpaper

Maaga akong nagising kinabukasan dahil kailangan pa namin maghanda para sa event mamayang gabi, pagkarating ko sa school ay nadoon na ang iba pang officer ng council. Pero hindi ko pa nakikita si Terence, baka may ginagawa pa siguro. Dumaan naman ako kanina sa malapit ma flower shop at nagpa-reserved ng bulaklak para kay Zaria. Wala akong sinayang na oras, nagsimula na ako sa mga gawain namin.

"Toffer, wala ka kahapon. May rehearsal sa cotillion, hindi ka na lang ba sasali?" tanong sa akin noong isa naming kasama.

"Magpapaturo na lang ako sa 'yo mamaya, okay lang ba?" tanong ko rito.

"Sige ba, malungkot nga si Cloud kahapon eh kasi wala ka. Mabuti na lang may isang wala rin ang partner niya kaya sila na lang kahapon." Saad nito.

Napapikit ako nang marinig ang sinabi nito, ayaw ko naman talaga saktan si Cloud eh. Ayaw ko lang talaga na umasa siyang may pag-asa kami o magkakatuluyan kami kasi sobrang labo talaga.

Mayamaya ay dumating na si Terence, tumulong na rin ito sa amin. Nang wala na siyang ginagawa ay lumapit ito sa akin.

"Hindi pa rin siya nagigising," malungkot na saad nito.

"May oras pa naman eh, baka mamaya magising na siya. Tinawagan mo sila Inang?" tanong ko.

"Dumaan ako saglit kanina kaya medyo natagalan ako, sabi nga ni Kuya Zeke dadating daw parents nila mamaya." Saad nito.

Tumango naman ako rito at tinapos na ang aking ginagawa para maturuan na nila ako sa sayaw. Hindi naman ganoon kahirap kaya nakukuha ko naman agad, kailangan ko 'yon masaulo para na rin makabawi kay Cloud. Importante rin naman siya sa akin, naging matalik na magkaibigan kami kaya nagaalala pa rin ako sa kan'ya.

"Toffer magpahinga ka na, ako na bahala rito. Tandaan mo, pupunta ka pa rito mamaya tapos 'yong plano natin." Nagaalalang saad ni Terence.

"Sigurado ka?" nahihiya namang sagot ko.

"Oo naman, para makapaghanda ka pa." Sagot nito sabay ngiti.

Tumango na lang ako rito at nagpaalam na rin sa iba kong kasama na kailangan ko na umalis. Hindi mahagilap ng mata ko si Cloud, sa palagay ko ay naghahanda na rin ito para mamaya. Hindi ko pa rin mapigilang malungkot, sayang at hindi makakasali si Zaria. Dumiretso ako sa kusina pagkarating ko sa bahay, uminom ako ng tubig tsaka nananghalian na rin.

"Ma?" takang tanong ko nang sumilip ito sa kusina.

"Alam mo Iho, ilang araw ko na napapansin ang pagiging matamlay mo. May problema ba?" nagaalalang tanong ni Mama sabay umupo sa tabi ko.

"Ma kasi 'yong kaibigan ko naka-coma pa rin. Ma nagaalala ako na baka hindi siya magising, ang dami ko kasing kasalanan sa kan'ya ma at hindi pa ako nakakabawi." Malungkot na saad ko rito.

"Coma? Ano bang nangyari anak?" takang tanong ni Mama.

"Kasi Ma may sakit po pala siya, tinago niya sa amin. Transferee po siya, kahit ikaw Ma kahit makaharap mo siya ay magtataka ka kung bakit ganoon siya manamit, basta ang weird ng mga galaw niya Ma. Unang araw ng pasukan Ma, nagkasagutan kami kasi ang kapal ng make up niya tapos sobrang angas pa. Ang daming nangyari Ma, na-bully siya dahil sa akin. Ma nasaktan ko siya, sinisisi ko ang sarili ko dahil ako ang dahilan kaya siya na-coma." Hindi ko na napigilang maluha, ilang araw ko na kasi talagang dala-dala ang bigat na 'yon sa puso ko.

"Anak, bakit ikaw? Teka, huwag mo sabihin sa akin na pinagbuhatan mo siya ng kamay?"

"Ma no, hindi ko 'yon magagawa. Kasi ma na-bully siya 'di ba? May nanabunot sa kan'ya, bawal po pala siyang mabangga o masaktan dahil sa sakit niya. Ma pamilyar ka ba sa hemophilia? Ma 'yon iyong sakit niya, kung alam ko lang sana talaga... Hindi ko 'yon ginawa sa kan'ya, tapos nalaman namin na may leukemia pa siya. Ma sobrang complicated ng lagay niya, hindi ko alam kung paano ko siya tutulungan o paano ako makakabawi." Humihikbing saad ko rito.

Niyakap ako ni Mama ng mahigpit sabay hinahaplos ang aking buhok, "Nagbibinata na 'yong anak ko. Dati lang wala 'tong pakialam sa paligid niya, pero ngayon... Anak naaawa ako sa kaibigan mo, hindi ko rin alam kung paano pero ang mapapayo ko lang kailangan niya ng moral support. Mas kailangan niya 'yon anak, iparamdam niyo sa kan'ya na marami kayong naghihintay sa pag-galing niya. Kapag nagising na siya bumawi ka, ipakita mong nagsisi ka sa mga nagawa mo noon." Saad sa akin ni Mama.

"Ma pasensya na talaga, hindi ko na po kasi talaga alam ang gagawin." Saad ko sabay punas ng luha ko.

"Okay lang anak, sino ba naman ang tutulong sa 'yo hindi 'ba? Mama is always here, kahit pa malaki ka na nandito pa rin ako." Sagot naman nito.

"Siya po 'yong dahilan Ma kaya late na akong nakakauwi, dinadaanan ko po kasi siya noong hindi pa siya naka-coma tapos noong nasa hospital siya ay dinadalaw ko 'to pagkatapos ng klase." Saad ko rito.

"Walang problema 'yan sa akin anak, masaya nga ako at nakikita ko na isang mabuting anak pala ang napalaki ko. Pero maiba tayo nak, may babae kagabi sa labas. Sabi niya kaklase mo raw, pinapasok ko kasi maraming lamok sa labas pero nagpumilit na doon na lang daw siya. Nagkausap na ba kayo?" pag-iiba nito sa usapan.

"Ma si Cloud 'yon, 'di mo na maalala?" natatawang tanong ko rito.

"Hala oo nga pala nak! Nakalimutan ko talaga, ang dami ko kasing iniisip kagabi tsaka alam mo naman tumatanda na ang Mama mo." Natatawa na ring saad nito.

"Oo ma, nakausap ko na 'yon. Tsaka nangungulit lang 'yon Ma, siya kasi partner ko ngayon." Sagot ko naman.

"Anak may hindi ka pa sinasabi, narinig ko kayo kagabi anak. Bakit mo siya pinagtatabuyan?" seryosong tanong nito.

"Hindi ko po sinadyang sungitan siya kagabi Ma, nadala lang ako sa halo-halong emosiyon na nararamdaman ko." Sagot ko naman.

"Anak hindi iyon maghihintay ng ilang oras doon kung wala ka lang sa kan'ya," saad ni Mama.

Tapos naalala ko 'yong mga gabing lagi kong hinihintay na lumabas si Zaria, kahit alam kong imposible ay naghihintay pa rin ako. Kaya ba ganoon na lang din ako mag-effort kay Zaria?

"Anak," tawag ni Mama sa akin.

"Ma kasi po si Cloud, ma sabi niya gusto niya ako." Diretsong saad ko rito.

"Oh ganoon naman pala, pero bakit parang 'di ka masaya?" takang tanong nito.

"Ma... Hindi ko po siya gusto," saad ko sabay yuko.

"Alam niya ba?" tanong nito.

"Sinabi ko naman Ma, pero nagpupumilit pa rin ito." Sagot ko naman.

"Anak ipaintindi mo, sabihin mo at ipaliwanag mo ang totoo." Saad sa akin ni Mama.

Napabuntong hininga naman ako sa sinabi nito, "Sige Ma, gagawin ko po 'yan." Sagot ko rito.

Matapos namin magusap ni Mama ay medyo gumaan ang pakiramdam ko, nagpahinga lang ako saglit tsaka naghanda na para sa party. Mabuti na lang at 24 hours ang flower shop na napuntahan ko, puwede ko pang makuha ang bouquet pagkatapos ko sa school. Nagpaalam na ako kina Mama at Papa na aalis na at baka matagalan ako mamaya, okay lang naman sa kanila kaya mas kampante akong matutuloy mamaya.

"Zaria, wake up." Bulong ko sa hangin.

Umiilaw na ang iba't ibang kulay ng lights nang nasa labas na ako ng school, tumutugtog na rin ang mga speaker na nandoon. Hindi ko mapigilang mapangiti habang nakakasalubong ko ang ibang schoolmate ko, ang guwapo at ganda nila sa mga suot nila. Naka-formal attire din ako ngayon kulay puti at itim ang combination ng suot ko. Maraming bumabati sa akin at nginingitian ko lang ang mga ito, may mga nagpapa-picture din kaya medyo natagalan akong makarating sa room namin.

Hindi ko mapigilang makaramdam ng awa nang makita si Cloud na nasa isang tabi, naka-formal dress din ito na bumagay sa kan'ya. Ang ganda ng suot at make up niya pero wala man lang ngiti sa labi nito.

"Cloud nandiyan na si Toffer!"

Agad naman itong napatingin sa pintuan sabay sinalubong ako ng yakap.

"Akala ko hindi ka pupunta," malungkot na saad nito.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon