SWY: C.17
ImaginationNpaperZaria's POV
Hindi ko mapigilang mapangiti sa tuwing may pumapasok na guro at nagbibigay ng mga lectures. Hindi kasi ako makapaniwala na heto na ulit ako, nakabalik na pag-aaral.
"Aray," saad ko nang masagi ni Delia ang aking braso na nakapatong sa desk.
"Hala sorry! Hindi ko sinasadya," paghingi nito ng tawad.
"Okay lang," saad ko sabay napakagat sa aking labi. Medyo napalakas kasi 'yon kaya medyo masakit.
Nang dumako ang aking paningin sa kinauupuan ni Toffer nakatingin ito sa akin na puno ng pagaalala. Nginitian ko lang ito sabay nag thumbs up, nagpapahiwatig na okay lang ako. Tumango naman ito at muling nakinig sa lecture.
"Yes!" sigawan ng mga kaklase ko nang mag-bell na for lunch.
Kan'ya-kan'ya ng tayuan kaya heto ako at inaayos na rin ang aking mga gamit. Napalingon naman ako nang makitang may nakatayo sa gilid ko.
"Oh Toffer?" takang tanong ko rito.
"May kasabay ka na bang mag-lunch? Kasi kung wala pa sumabay ka na sa amin ni Cloud." Aya nito sa akin.
"Seriously CJ?" sabat naman ni Cloud.
"Why not?" pilit ni Toffer.
"Ano, sabay naman kamo ni Terence kaya okay lang. Tsaka hayun na pala siya oh!" saad ko sabay dungaw sa pintuan.
Ngumiti naman ako rito nang makita itong kumaway, nakasukbit na rin ang bag nito sa kan'yang balikat.
"Better, mas masaya kapag marami. Sumabay na kayo sa amin," saad naman nu Toffer.
"Okay lang ba kay Cloud?" tanong ko nang makitang nakabusangot ito.
"Wala na akong choice, nakapag-decide na kayo eh. Go na!" saad nito sabay nauna ng maglakad.
"Hayaan mo na," mahinang saad ni Toffer.
Tumango naman ako at sumunod na rin sa kanila.
"Ako na magdadala," saad ni Terence at inabot ang aking bag.
"Ako na, okay lang." Tanggi ko rito.
"Asus! Ngayon ka pa talaga nahiya eh ako naman nagdala niyan kanina." Natatawa nitong saad.
"Fine! Oo nga pala, sabay daw tayo sa kanilang kumain." Saad ko sabay ngumuso kina Toffer.
"Okay lang din," saad naman nito.
Hindi nakalagpas sa akin ang mga matang nakatingin sa amin, nagtataka siguro kung bakit magkakasama kami.
"Sila na ba ni Terence? Ang suwerte naman niya," rinig kong saad noong mga babae na nadaanan namin.
"Huwag mo na isipin 'yon," saad ni Terence nang mapansing napayuko ako.
Pinilit ko namang ngumiti rito at biglang namilog ang aking mata nang muntik na akong matumba dahil sa lalaking nagmamadali kaya nabangga ako.
"Whoa!" sigaw ko nang akala kong matutumba ako sa daanan.
Mabuti na lang at mabilis si Terence at agad akong nasalo at naalalayan na makatayo.
"Bulag ka ba? Ha! Kitang may tao, babanggain pa!" galit na saad ni Terence at susugurin na sana 'yong lalaki.
"Pasensya na nagmamadali talaga ako," paghingi nito ng tawad.
"Sus!" nanggigigil na saad ni Terence at sasapakin sana ang lalaki pero agad ko itong inawat.
"Terence! Okay lang ako oh, hindi ako nasaktan." Saad ko rito.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.