SWY: Chapter Ten

1.5K 27 0
                                    

"Seconds With You," Chapter 10

"Kabahan ka nga sa sinasabi mo Cloud, bakit naman ako magseselos doon?" sagot ko rito.

"Dapat lang hindi, we've made a promise Toffer... Remember?" sagot nito.

"Of course, pagka-graduate na pagka-graduate natin... Liligawan kita," sagot ko naman dito.

Tumango naman ito sabay ngumiti, napailing na lang ako rito.

"Akala mo talaga totoo eh, iyon pala kapag nauna kang na-fall ibig sabihin talo ka." Saad ng isip ko.

Bigla namang nagpatawag ng meeting ang club namin atsigurado akong wala pa si Terence. Nagpaalam na rin ako agad kay Cloud, dumiretso na agad ako sa meeting area. Nakita ko agad ang mga kasama ko kaya naupo na rin ako. Hindi ganoon katagal ang naging meeting namin, pinagusapan lang namin ang magaganap na acquintance party.

"May date na ba kayo sa araw na 'yan?" mapang-asar na tanong ng treasurer namin.

"Maiba nga tayo, nasan nga ba si Terence?" tanong ni Ms. Grace.

Bigla namang nagkatinginan ang iba kong kasama, tumikhim na muna ako bago sumagot.

"Nasa hospital po, sinamahan 'yong kaklase kong nahimatay kanina." Sagot ko rito.

"Ah, girlfriend niya ba?" tanong nito.

"Hindi po, sa pagkakaalam ko... Magkakakilala lang sila." Sagot ko rito.

"Okay, pakisabihan na lang siya sa naging meeting natin okay? Meeting adjourn." Saad ni Ms. Grace.

Nagpaalam na sa akin ang mga kasama ko kaya sumunod na rin ako sa kanila, parang ayaw ko pang umuwi... Bigla naman akong nakaisip ng ideya nang makadaan ako ng isang convenient store. Agad akong pumasok doon at namili ng mga bibilhin. Kumuha ako ng tinapay, lemon juice at tsaka kanin na may ulam na.

"Sana magustuhan niya 'to, pambawi ko na lang." Saad ko at dumiretso na sa counter.

Bigla kong napagtanto matapos mangyari 'yon kay Zaria na sobra akong naging malupit sa kan'ya, siguro panahon na para bumawi at makipagkaibigan sa kan'ya. Wala naman sigurong masama?

Sumakay na ako ng jeep at sinabing sa hospital ako bababa. Nang makarating na ako ay agad akong tumungo sa nurse station at tinanong kung nandoon pa ba si Zaria, hindi ko mapigilang mapangiti nang malamang nandoon pa rin siya at nakalipat na ng private room. Dumiretso na ako roon at agad na kumatok nang marating ang pintuan nito.

"Pasok," rinig kong saad ng boses matanda.

Nang mabuksan ay agad na sumalubong sa akin ang tanawin na sinusubuan ng pagkain ni Terence si Zaria, agad ko namang tinago sa likuran ko ang aking dala.

"Magandang hapon po," bati ko kina Aling Julie.

"Iho bumalik ka! 'Yan gising na si Zaria, pasok ka muna." Salubong sa akin ni Aling Julie.

"Salamat po, ako nga po pala si Christoffer you can call me Toffer po. Ako nga pala ang kaklase ni Zaria," pagpapakilala ko rito.

"Teka, ano 'yang dala mo?" tanong ni Aling Julie nang makita ang hawak kong supot.

"Ano po... Peace offering ko po sana kay Zaria, pero kumakain na po pala siya." Nahihiyang sagot ko rito.

"Naku, marami pa lang nagaalala sa Zaria ko. Okay lang 'yan iho, akin na at baka gusto pa kumain ni Zaria mamaya." Sagot sa akin ni Aling Julie.

Tumango na lang ako at lumapit kay Zaria, walang emosyon niya lang akong tinignan. Biglang nanuyo ang aking lalamunan nang makita kung paano niya ako tignan ng ganoon ka lamig.

"Napadaan ka?" tanong sa akin ni Terence.

"Gusto ko lang makasigurado na mabuti na ang lagay ni Zaria," sagot ko rito.

"I'm fine, puwede ka na umuwi." Malamig na sagot nito.

"Zaria nandito rin ako para humingi ng tawad," sincere na saad ko rito.

"Bakit, na-guilty ka ba agad dahil sa nangyari sa akin?" sarkastikong tanong nito.

"Zaria nagsisisi na ako, hayaan mo akong bumawi. Gusto ko lang talaga makipagbati sa 'yo at kung hahayaan mo, gusto ko rin sana makipagkaibigan." Sagot ko rito.

"Wow, parang hindi si Mr. President ang kaharap ko ngayon ah." Sarkastikong saad nito.

"Zaria I understand kung ayaw mo talaga maniwala sa akin, pero pangako... Babawi ako sa mga kasalanan ko sa 'yo." Pursigidong saad ko rito.

"Toffer papatawarin naman kita eh, tsaka hindi ko kailangan ng kaibigan." Tanggi nito sa alok ko.

"Pero Zari..." pagpupumilit ko.

"Toffer respetuhin mo na lang ang desisyon niya," sabat ni Terence.

"Puwede ba Terence? Hindi ikaw ang kinakausap ko," naiinis na sagot ko rito.

"Ano bang kaguluhan 'yan?" pagpapagitna ni Aling Julie.

"Gusto ko lang naman po makipagkaibigan kay Zaria pero ayaw niya po," parang batang sumbong ko kay Aling Julie.

"Anak bakit naman?" tanong ni Aling Julie kay Zaria.

"Inang isa po siya sa mga nam-bully sa akin, siya ang dahilan kaya lagi akong pinag-iinitan ng mga senior high!" galit na galit na saad ni Zaria.

"Totoo ba 'yon?" tanong sa akin ni Aling Julie.

"Hindi ko naman po sinasadya, kaya po sana bigyan niyo ako ng pagkakataon na bumawi." Nakayuko kong saad dito.

"Kung ako ang magdedesisyon ay bibigyan kita ng pagkakataon iho, hindi ko rin masisisi si Zaria kung ayaw pa niya. Ipakita mo lang sa kan'ya na nagsisisi ka talaga, baka mapatawad at matanggap niya pa ang pakikipagkaibigan mo." Suhestiyon sa akin ni Inang Julie.

"Sige po, pagsisikapan ko po. Zaria, sana magbago pa ang isip mo. Simula bukas kung papasok ka man, papatunayan kong nagsisisi na talaga ako sa kasalanan ko sa 'yo." Saad ko sabay ngumiti ng mapait.

Napatingin naman ako kay Terence na nagkibit-balikat lang. Akala niya siguro hindi ko kaya, tignan lang natin...

Gusto ko pa sana manatili pero hindi naman ako kinakausap nina Terence at Zaria kaya nagpaalam na lang akong aalis na.

"Makakalabas ka na ba bukas?" tanong ko kay Zaria.

"Hindi ko pa alam," sagot nito na hindi man lang ako tinignan.

"Handa akong maghintay, get well soon Zaria." Saad ko at tuluyan ng lumabas.

Mas gusto ko 'yong ganito, 'yong walang kaaway at walang mabigat sa dibdib. Mas lalo sigurong gagaan ang pakiramdam ko kapag napatawad na ako ni Zaria.

Sasabihin ko ba kay Cloud 'to? Sige na nga.

Agad ko namang di-nial sa cellphone ko ang numero ni Cloud, ilang ring pa lang ay sinagot niya na ito agad.

"Toffer, napatawag ka?" tanong nito.

"Cloud I guess you are right, siguro panahon na para makipagkaibigan kay Zaria at makipagbati." Diretsong saad ko rito.

"Wow! Sigurado ka na?" tanong nito.

"Yes, actually kakauwi ko lang galing hospital. Dinaanan ko siya para kamustahin, medyo nanghihina pa rin siya pero i'm sure na gagaling din siya." Masayang saad ko rito.

"Kaya pala parang ang saya mo, good for you then." Sagot naman nito.

"Yeah, sobra!"

"Okay, sige may gagawin pa ako. Ingat ka, bye."

Napakunot na lang ang aking noo nang bigla niyang i-off ang call, baka nga may ginagawa lang talaga.

Basta, bukas na bukas ay babawi ako kay Zaria.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon