SWY: C.15
Toffer's POV
Ilang araw na akong pabalikbalik sa bahay nila Zaria pero ayaw naman ako papasukin ng Kuya niya. Gumawa ako ng mga notes para makahabol siya, nagaalala kasi ako dahil simula noong ma-hospital siya ay hindi na siya muli pang pumasok. Sinasabi naman ni Inang na okay si Zaria pero hindi talaga maalis sa parte ko ang magalala para sa kan'ya. Pambawi ko na rin sa kan'ya 'yong mga notes na ginagawa ko.
"Tulala ka na naman," saad sa akin ni Cloud.
"May iniisip lang," sagot ko naman dito.
"Si Zaria pa rin ba?" hula nito.
"Cloud hindi ako pinapatahimik ng konsensiya ko kaya hindi ako mapapanatag hanggat hindi siya pumapasok at hindi ko malaman na okay lang ba siya." Sagot ko naman dito.
"Toffer malapit na 'yong acquintance, iyon na lang muna ang isipin mo. Napapabayaan mo na 'yon dahil kakaisip mo kay Zaria."
"Oo nga pala, makakasali kaya siya?" saad ko sa kawalan.
"Toffer! Naiinis na ako kaka-Zaria mo ha," saad nito na may pagbabanta.
Susubukan ko ulit mamaya, nagaalala ako dahil pati ang mga guro namin ay walang ideya kung bakit hindi siya pumapasok even Terence.
"Where are you going?" tanong sa akin ni Cloud.
"Meeting room," maikling sagot ko rito.
"Can I come?" tanong nito.
"Alam mo naman simula pa na exclusive for officers lang ang meeting 'di ba?" sagot ko rito.
"Hindi mo na maman ako mahahatid? Toffer nagseselos na talaga ako sa Zaria na 'yan! Halos araw-araw mo siyang dinadaanan pero ako ni hindi mo mahatid? Akala mo ba hindi ko alam? Toffer tapatin mo nga ako, may gusto ka ba sa kan'ya?" Nanginginig sa galit na tanong nito.
Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago ito sagutin.
"Cloud please just calm down, piangtitinginan na tayo oh. Wala akong nararamdaman para kay Zaria okay? I am just really worried." Pagpapakalma ko rito.
"Just make sure Toffer, ayaw ko pa naman ng may kahati sa gusto ko." Mariin nitong sagot bago tuluyang umalis.
Napailing na lang ako, bakit bigla na lang naging ganoon si Cloud hindi naman 'yon ganoon dati eh. Wala siyang pakialam kung may umaaligid sa akin na mga babae dahil alam niya naman na wala akong time sa kanila.
Dumaan na muna ako sa meeting room, sa makalawa na pala talaga ang acquintance. Nandoon din si Terence at pansin din sa kan'ya ang pagiging balisa, siguro nagaalala rin ito para kay Zaria.
"May balita ka na ba sa kan'ya?" tanong nito sa akin matapos ang meeting.
"Wala pa rin eh, ni hindi ko na nga nakikita." Sagot ko naman dito.
"Ako rin, sana lang talaga ay okay siya." Sagot naman nito.
"Terence may sakit ba si Zaria?" diretsong tanong ko rito.
"Sakit? H-Hindi ko alam, basta noong araw na 'yon hindi talaga siya okay." Sagot naman nito.
"Sige, idadaan ko pa 'yong mga notes para kay Zaria baka this time ay tanggapin na nila Inang at makabalita na ako tungkol sa kan'ya." Paalam ko rito.
"Sige, kapag pinapasok ka ikamusta mo na rin ako ha?" bilin nito kaya tumango na lang ako.
Buniyahe na ako patungo sa kanila, lumabas si Inang nang makitang nandoon ako. Minsan nga naiisip ko nakukulitan na 'to sa akin, ayaw pa rin kasi nitong tanggapin ang mga dala ko kaya nanlumo ako.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.