SWY: Chapter 26
ImaginationNpaperCloud's POV
Kanina pa paulit-ulit sa paglagay ng make up sa akin si Ate Torie, halos hindi kasi tumigil sa pagtulo ang aking luha na para bang gripo. Hindi ko pa kasi talaga alam kung paano tanggapin na ayaw na sa akin ni Toffer.
"Cloud nasisira 'yong make up mo, ano bang problema?" nagaalalang tanong ni Ate sa akin.
"Ate may gusto kasi akong lalaki, ate okay naman kami noon eh. He used be my night in shining armor, ang dami nga naiinggit sa amin kasi bestfriends goal daw kami. Pero bigla siyang nagbago, everything was changed simula noong dumating ang babaeng 'yon." Umiiyak na saad ko rito.
"Cloud you're still young, kung ano man 'yang nararamdaman mo ngayon? Puppy love lang 'yan, huwag ka masyado magpa-apekto dahil marami ka pang makikilalang lalaki. Kung nagbago man siya, hayaan mo na. Maybe he's not really for you kasi kung may nararamdaman man talaga siya sa 'yo? Walang magbabago sa kung ano mang meron kayo kahit ilang babae pa 'yang makasalamuha niya." Saad naman nito.
"Masakit lang Ate, hindi ko talaga mapigilang masaktan sa tuwing naiisip ko na 'yong mga bagay na ginagawa niya da akin noon ay ginagawa niya na sa iba."
Hindi ko na napigilan ang sarili ko, tuluyan na akong napahagulgol at tuluyan ng nasira ang aking make up.
"Tahan na, gusto mo bang humarap sa kan'ya mamaya na namumugto ang mata?" pagpapatahan sa akin ni Ate.
Umiling naman ako sabay pinunasan ang aking luha, "Iyon naman pala eh, tahan na. Para gumaan ang pakiramdam mo sabihin mo sa kan'ya lahat." Payo nito sa akin.
"Sa totoo lang ate, sinabi ko na nasabi ko na pero ayaw niya na talaga sa akin." Malungkot na saad ko rito.
"Awe, tahan na Cloud. He don't deserved your tears kaya tahan na, you're still too young for this kaya alam ko malalampasan mo rin 'to." Pagpapagaan nito sa loob.
Kumuha naman ito ng tubig at pinainom sa akin, "Salamat Ate."
Ngumiti lang ito sabay pinunasan ang luha ko, "Naiintindihan kita kasi dumaan din ako sa edad na 'yan eh, promise kapag lumipas ang taon kapag naalala mo ang pangyayaring 'to matatawa ka na lang."
"Sana lang talaga Ate," sagot ko naman.
Nang kumalma na ako ay inayos niya ulit ang mukha ko, isa rin kasi sa ikinalulungot ko ay baka hindi dumating si Toffer mamaya. Hindi niya pa nga niya alam 'yong sayaw baka pumalpak pa kami mamaya. Matapos akong ayusan ni ate ay tinulungan naman niya akong magpalit ng susuotin ko, simple lang 'yon na dress para kumportable lang din ako. Hinatid naman ako ni Daddy sa school nang matapos na ako, maraming nagpa-picture sa akin pero isa lang ang hinahanap ng mata ko... Si Toffer. Inayos ko pa 'yong sarili ko at todo ngiti bago pumasok sa classroom namin umaasa na nandoon na si Toffer pero wala pala, napawi ang aking ngiti at napaupo na lang sa isang tabi. Hindo ko mapigilang mainggit sa mga kaklase kong todo kuha na ng picture sa mga partner nila.
"Kahit wala ng picture, basta dumating lang siya." Saad ko habang napapatingin sa pintuan sa tuwing may pumapasok.
Napabuntong hininga na lang ako nang makita ang oras, ilang minuto na lang magsisimula na ang party. Namilog namam ang aking mata nang makitang nakatayo na si Toffer sa may pintuan, sa sobrang excitement ay nayakap ko ito
Naluluha na naman ako sa sasaya pero pinigilan kong tumulo 'yon. Hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang suot nito, para siyang kpop sa suot niya."Bagay na bagay sa 'yo ang suot mo," saad ko rito.
"Sa 'yo rin, lumitaw talaga 'yong ganda mo." Sagot naman nito na nagpangiti sa akin.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.