SWY: Chapter 22
ImaginationNpaper"Paano 'pag dumating 'yong araw na ayaw niya na sa akin? Terence natatakot ako, 'yong pangako lang namin sa isa't isa ang pinanghahawakan ko." Umiiyak na saad nito.
"Cloud hindi sa lahat ng pagkakataon na kapag gusto natin ay makukuha natin. Kailangan natin tanggapin na may mga bagay na kahit gustong-gusto natin ay hinding-hindi mapapasa-atin." Sagot ko rito.
"Iyon ba 'yong ginawa mo noong panahon na ni-reject kita?" humihikbing saad nito.
"Oo, masakit man ay kailangan tiisin. Kahit araw-araw kitang nakikita, kahit masakit na nakikita kitang masayang kasama si Toffer tinanggap ko. Kasi nakikita kong masaya 'yong taong gusto ko eh. Kahit ako na lang 'yong masaktan, huwag lang siya." Naiiyak na rin na sagot ko rito.
Noon pa man gustong-gusto ko na talaga si Cloud, mabait naman kasi talaga ito eh. Doon ko lang napansin na nagiiba ang ugali nito sa tuwing nakakasama ni Toffer si Zaria.
"Terence I'm sorry," humahagulgol na naman nitong saad.
"You don't have to, wala akong pinagsisihan na ginusto kita kahit masakit. Pero mas nasasaktan akong nakikita kang nagkakagan'yan." Saad ko habang pinupunasan ang luha nito.
"Hindi ko maiwasang masaktan eh, ramdam ko kasi Terence... Alam ko na kahit hindi sabihin ni Toffer, alam ko may nararamdaman siya para kay Zaria."
"Cloud,"
"Ikaw... Sabihin mo sa akin, gusto mo rin ba siya?" diretsong tanong nito sa akin.
Hindi ako makasagot dito, nagkatitigan lang kami. Kitang-kita ko ang sakit sa mata niya, kailangan pa bang tanungin 'yon?
"I meet a lot of girls Cloud, I really care for Zaria. Pero 'yong nararamdaman ko sa 'yo? Walang nagbago, oo umiiwas ako lumalayo pero ni hindi ka maalis sa puso at isip ko." Diretsong sagot ko rito na mas kina-iyak niya.
"Sana ikaw na lang 'yong ginusto ko, sana hindi ako nasasaktan ngayon at sana hindi kita nasasaktan." Umiiyak na saad nito.
Napangiti ako ng mapakla rito, "Ang puso hindi natuturuan, siguro hindi pa natin panahon ngayon. Pero hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa na kapag tayo talaga, tayo talaga. Kaya huwa ka na malungkot, alam ko masakit pero dahan-dahan na mawawala 'yan kapag natuto mo ng tanggapin." Paliwanag ko rito.
"I won't make a promise to you na sana ako pa rin ang magustuhan mo at sana ikaw na lang ang magustuhan ko. Hahayaan ko ang panahon na dumating ang tamang oras para sa atin. Siguro ang kailangan ko gawin, tanggapin na hindi na ako ang gusto ni Toffer."
"Tama, you deserve more than this kaya let your heart heal. Bata pa namam tayo eh, mas kailangan natin mag-focus sa mas mga importanteng bagay." Saad ko sabay nginitian ito.
Tumango naman ito sabay pinunasan ang luha niya.
"Maiba nga pala tayo, pupunta ka ba sa Acquintance bukas?" tanong nito.
"I guess mag-ch-check lang kung naka-organize ba lahat and all, then uuwi na rin after. Wala rin naman si Zaria kaya hindi ako magtatagal," sagot ko naman dito.
"How about Toffer? Baka galit 'yon sa akin at hindi ako siputin." Tanong nito.
"Pupunta naman siguro 'yon, hayaan mo ako na mag-remind sa kan'ya." Sagot ko rito.
"Oo nga pala Terence, kamusta na si Zaria? Gusto ko talaga mag-sorry sa kan'ya, nadala lang ako ng emosyon ko." Pangangamusta nito kay Zaria.
"Wala pa akong balita eh, kahapon kasi pagalis namin wala pa rin siyang malay." Sagot ko naman.
"Terence bakit ganoon, bakit laging sinusugod sa hospital si Zaria?" tanong nito.
Napabuntong hininga ako sa tanong nito, "Wala ako sa posisyon para sabihin sa 'yo Cloud eh. Pero sana isali mo siya sa panalangin mo na sana, gumaling na siya." Sagot ko naman.
Tumango naman ito sabay niyakap ako, "Thank you Terence." Saad nito sabay kumawala at tuluyan ng umalis.
Bumalik na rin ako sa room namin, matapos ang klase ay agad akong nauna sa may gate. Nandoon si Manong driver kaya magiging madali lang ang lakad namin ni Toffer, doon ko na rin siya hinintay bago tuluyang pumasok. Agad na nilibot ng aking paningin ang mga lumalabas na estudyante, hindi kasi magkasabay sina Toffer at Cloud ngayon eh.
"Toffer!" tawag ko rito sabay tinaas ang kamay para makita niya, hindi niya 'yon nakita at narinig kaya muli ko itong tinawag. "Toffer!"
Napangiti naman ako nang makita na niya ako, lumapit agad ito sa akin. "May balita ka na ba?" diretsong tanong nito.
"Hindi nag-text si Inang eh, ikaw ba?" balik ko ng tanong dito.
"Wala rin eh, punta na tayo roon?" tanong nito.
"Huwag na muna, kailangan pa natin dumaan sa book store para mamili ng mga gagamitin." Saad ko rito.
"Sige, tara na?" aya nito kaya senenyasan ko na itong pumasok sa loob.
Nagpahatid kami sa malapit na book store at agad na pinili ang mga gamit na kakailanganin namin mamaya. Inutusam ko naman si Toffer na siya na ang bumili ng mga lobo na magagamit din namin at iba pang maaaring magamit. Mas nauna akong natapos sa kan'ya kaya nagpaalam na muna ako sa driver ko na bibili lang ng prutas sa loob ng supermarket, bumili na rin ako ng pagkain para sa dinner namin nila Toffer. Pagkatapos kong mamili ay nandoon na si Toffer sa loob ng sasakyan, may binili rin siyang mga helium balloons.
"Kanina ka pa?" tanong ko rito.
"Magkasunod lang tayo," sagot naman nito.
Tinanguan ko na lang ito at pinahawak sa kan'ya ang ibang pagkain na dala ko.
"Manong tara na," saad ko sa driver ko.
Nagmaneho naman na agad ito patungo sa hospital.
"Puwede mong kainin 'yong pagkain Toffer kung nagugutom ka," saad ko nang marinig na tumunog ang tiyan nito.
"Nakakatakam kasi 'tong burger," natatawa nitong saad at agad na nilantakan 'yon.
"Sige lang, pakabusog." Sagot ko rito.
"Paano kaya natin 'to ipapasok 'no?" tanong ni Toffer habang ngumunguya.
"Magpaalam tayo ng maayos," sagot ko naman.
"Sana gising na si Zaria 'no? Miss ko na boses noon kahit hindi niya ako gaano kinakausap." Saad nito sa kawalan.
"Ako nga rin eh, pero maiba nga tayo. May gusto ka ba kay Zaria?" diretsong tanong ko rito.
"Kapag nangyari 'yon, may magagalit." Sagot nito sabay mapait na ngumiti.
"Tapos ganoon na lang?" umiiling na tanong ko rito.
"Ang hirap kasi Terence, hindi ko akalain na mauuwi sa ganito. Wala naman talaga akong pake sa kan'ya sa simula pa eh, pero lagi naman siyang pumapasok sa isipan ko. Lagi ko nga pinapaalalahanan ang sarili ko na dapat si Cloud 'yong gusto ko." Sagot nito sabay uminom ng soft drinks.
"Alam kong alam mong gusto ko si Cloud 'di ba? Pero hindi ko 'to gagawin para maging selfish, bro kung ako sa 'yo gagawin ko na lahat mapakita lang kay Zaria na gusto ko siya." Payo ko rito.
"Bro okay na tayo, alam ko naman na gusto mo rin si Zaria eh." Seryosong saad nito sa akin.
Bigla naman akong natawa sa sinabi nito, "Bro nagkakamali ka. Wala akong gusto sa kan'ya, nagaalala lang talaga ako sa kan'ya." Sagot ko rito.
Naputol naman ang usapan namin nang biglang tumunog ang cellphone ko at rumehistro ang pangalan ni Inang, dali-dali ko itong sinagot. Napakunot naman ang aking noo nang marinig na umiiyak ito kaya agad akong napatingin kay Toffer.
"Inang bakit po?" nagaalalang tanong ko rito.
"Iho asan kayo? Iho si Zaria..."
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Novela JuvenilIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.