SWY: Chapter 23
ImaginationNpaperDali-dali kaming bumaba sa sasakyan nang marating ang hospital, sinabi ko kay Toffer na huwag na muna isipin 'yong dala namin. Kailangan namin makarating sa ICU as soon as possible, sobra na akong kinakabahan lalo na at biglang nawala si Inang sa kabilang linya.
"Inang!"
Nasa hallway pa lang ako ay paulit-ulit ko itong tinatawag, makikita rin kay Toffer na labis na ang pagaalala nito. Mas lalo akong kinabahan nang makita si Inang, Amang at Kuya Zeke sa labas ng ICU.
"Si Zaria po?" nauna ng tanong ni Toffer.
Bigla namang napahagulgol si Inang, "Bigla siyang nawalan ng heartbeat kanina at hanggang ngayon ni-re-revive pa rin siya ng doctor at mga nurse." Sagot naman nito sabay nilingon ang loob ng ICU.
Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko nang makitang wala pa ring pagbabago ang heartbeat nito, nakalinya pa rin ito.
"Hindi! Hindi puwede!" hindi mapakaling saad ni Toffer.
"Toffer!" tawag ko rito pero hindi ito lumingon, dali-dali itong pumasok sa loob ng ICU at nagpalit ng hospital gown.
Nagkakagulo noong pumasok ito, pilit siyang pinapalabas ng mga nurse pero nagmatigas ito. Ngayon ko lang nakita ang pagaalala niyang ganoon, pati ang mga mata nitong puno ng takot.
Mas kinaiyak ni Inang nang makita si Toffer sa loob na lumuhod sa harap ng Doctor, hindi ko marinig ang usapan nila pero alam ko pinipilit niya ang mga doctor na huwag sukuan si Zaria.
"Zaria," mahinang saad ko habang pinagmamasdan ang namumutla nitong mukha sa malayuan.
"Zeke ano na? Mamamatay na 'yong kapatid mo wala pa rin ba ang Mommy at Daddy mo?" umiiyak na saad ni Inang kay Kuya Zeke.
"Inang naman, huwag ka naman po magsalita ng gan'yan. Ayaw po kasi nila sagutin ang tawag ko, hindi ko sila ma-contact." Naiiyak na rin na sagot ni Kuya Zeke.
"Kailan nila plano sumagot? Kapag wala na si Zaria? Zeke naman, sabihin mo na kailangan na nila umuwi. Alam ko gustong-gusto na ni Zaria na makita sila." Pamimilit ni Inang kay Kuya Zeke.
"Inang ginagawan ko naman ng paraan eh, hayaan mo at tatawagan ko 'yong iba kong kakilala na malapit sa bahay nila Mommy." Sagot naman nito habang pilit na pinapakalma si Inang.
Mayamaya pa ay natigil sila nang marinig na umiiyak si Toffer, rinig na rinig ang paghikbi nito kaya dahan-dahan kong nilingon ang kinaroroonan ni Zaria. Labis na kaba ang aking naramdaman nang makitang wala ng nag-re-revive sa kan'ya, kasabay ni Toffer na lumabas ang Doctor.
"Ma'am, Sir... I want to say sorry, ginawa naman namin lahat pero ayaw na talaga magising ng pasyente,ang hirap niya po kasing i-revive dahil maaapektuhan ang internal niya sa tuwing ginagawa 'yon." Paliwanag ng Doctor.
Napahilamos ako sa sarili kong palad, "Doc huwag naman gan'yan. Baka kaya pa, Doc huwag niyo naman sukuan 'yong Zaria ko." Pagmamakaawa ni Inang. Hawak-hawak na nito ang dibdib kakaiyak, si Amang naman ay nanatiling tahimik pero umaagos ang luha nito.
"No, hindi basta-basta sumusuko ang kapatid ko! Kailangan ko siya makausap," saad ni Kuya Zeke, pinipilit niyang maging malakas bero tuluyang nabasag ang boses nito. Walang sabi siyang pumasok sa loob ng ICU kaya sumunod ako roon.
"Zaria! Zaria naman huwag naman ganito oh, hindi pa nga nakakabawi si Kuya. Gumising ka na diyan oh, sis magpapa-chemo ka pa. Zaria! Zaria!" Umiiyak na saad ni Kuya Zeke habang pilit na ginigising si Zaria. Niyakap niya rin ito ng mahigpit.
Hindi ko alam pero tuluyan ng bumagsak ang luha ko, napakagat ako sa sarili kong labi nang makita ang pamumutla ng labi nito.
"Doc! Nurse! Please nagmamakaawa ako, i-revive niyo pa siya." Pagmamakaawa ni Kuya Zeke sa mga ito.
"Pero Sir-"
"Magababyad ako ng malaki! Babayaran ko kahit magkano pa 'yan, buhayin niyo lang ang kapatid ko." Desperado ng saad ni Kuya Zeke.
"Kuya," awat ko na rito.
"Hindi! Hindi ko susukuan ang kapatid ko, alam ko kaya niya pa. Gigising pa siya!" pagpupumilit nito.
Dahil na rin siguro sa awa ay pinagbigyan nila si Kuya Zeke, nanatili lang kami sa gilid habang sila naman ay ni-re-revive ulit si Zaria. Taimtim akong nananalangin doon na sana bigyan pa siya ng pagkakataon.
"Sir, sa labas na po muna kayo." Saad sa amin ng nurse.
"Dito lang ako," pagmamatigas ni Kuya Zeke.
Lumingon naman sa akin ang nurse kaya tinanguan ko na lang ito, lumabas na ako at mas lalong bumigat ang aking puso nang makita sila Inang at Amang na umiiyak.
"Anong nangyari?" tanong sa akin ni Inang.
"Nagpumilit po si Kuya Zeke na baka kaya pa kaya ni-revive nila ulit." Sagot ko naman.
Si Toffer naman ay hindi inalis ang tingin kay Zaria, hinahaplos niya ang salamin na para bang sa isip niya ay abot niya si Zaria.
"Toffer we need to be strong, si Kuya nga hindi niya susukuan si Zaria tayo pa kaya? Magtiwala tayo sa kan'ya," pagpapagaan ko sa loob nito kahit alam ko sa sarili ko na ang bigat din ng pakiramdam ko.
Kahit hindi pa kami ganoon katagal na magkaibigan ni Zaria, pakiramdam ko ay ang tagal na ng pinagsamahan namin.
"Bakit ganoon? Kung kailan na-realize ko na ang totoo, ang liit naman ng panahong binigay sa amin." Saad ni Toffer habang tumutulo ang luha.
"Inang! Amang! Terence tignan niyo!" gulat na gulat na tawag ni Toffer sa amin, agad naman naming nilingon ang tinuro nito.
Hindi ko mapigilang mapangiti at magpasalamat sa panginoon, isa itong himala.
"Diyos ko salamat!" saad ni Inang habang hindi mapigilang mapangiti.
"Anak ko," saad ni Amang na tuwang-tuwa rin.
Nakahinga ako ng malalim, sana magtuloy-tuloy na. Mas lalo akong napangiti nang makita ang reaksiyon ni Kuya Zeke na tuwang-tuwa, niyakap nito si Zaria na wala pa ring malay sabay hinalikam ang noon.
Mayamaya pa ay lumabas na ang team ng Doctor pero nagpaiwan ang Doctor sa amin, lumabas na rin si Kuya Zeke para marinig ang sasabihin ng Doctor.
"It's a miracle, alam kong imposible ng mabuhay pa ang pasyente kanina dahil wala na akong makapang pulso nito pero she made it. Pangalawang buhay niya na 'to, pasensya na kung nagdesisyon na agad ako kanina dahil wala na kasi talaga. Mabuti na lang at nagpumilit ang kapatid nito na kaya pa. Masaya rin ako para sa inyo at sa pasyente, sana tuluyan na siyang gumaling." Saad ng Doctor sabay nginitian kami.
"Thank you sk much Doc, I owe you a lot. Hindi ko na alam ang gagawin kapag nawala 'yong kapatid ko." Saad ni Kuya Zeke.
"Sa ngayon, hintayin na lang natin siya magising. Dapat talaga siyang bantayan dahil maselan ang lagay nito, kaya as long as kaya niyo bantayan gawin niyo and report to th nurse station kapag may napansin kayo. Iyon lang, have a good night." Saad nito at Nagpaalam na.
Halos hindi mapawi sa labi namin ang aming mga ngiti, knowing that Zaria's heartbeat is back.
"Zeke, tawagan mo ulit ang parents mo." Saad ni Inang kay Kuya Zeke.
"Sige Inang tapos mayamaya ay bibili na ako ng makakain natin. Kailangan niyo magpahinga ni Amang." Sagot naman nito.
"Huwag muna kami ang isipin mo anak, si Zaria muna. Okay lang naman kami, tsaka hindi rin kami mapalagay sa bahay dahil na rin sa nangyari." Saad ni Inang dito.
"Sige po, pero doon lang po kayo sa kuwarto na pina-reserved ko kay Zaria ha? Kailangan niyo rin magpahinga." Saad naman ni Kuya Zeke sa mga ito.
Tumango naman si Inang dito tanda ng pagsang-ayon. Mayamaya ay lumapit sa akin si Toffer, medyo namumugto ang mata nito.
"Itutuloy pa ba natin ang plano natin?" tanong nito sa akin.
"Hindi ko alam, baka kasi... Hindi rin siya magising." Malungkot na sagot ko rito.
Marahas niya naman akong hinila sabay pinaharap sa kan'ya, "Gigising siya alam ko, kaya kung ayaw mo ako na lang." Saad nito sabay tumalikod. Nakita naman kami nila inang na parang nagtatalo kaya nagtataka ang mga reaksiyon nito.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Fiksi RemajaIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.