SWY: Chapter 30
ImaginationNpaperKasabay ng pagpikit ng mga mata ni Zaria ay ang pagbuhos ng aming mga emosiyon.
"Zaria!" umiiyak na tawag namin sa kan'ya.
Lumapit ang Mommy niya sa kan'ya at nanginginig ang kamay na hinaplos ang mukha ni Zaria, "Anak huwag naman ganito oh. Anak ang sakit pala, anak gumising ka please. Baby, magiging malungkot si Mommy." Umiiyak na saad nito habang yakap-yakap ang wala ng buhay na si Zaria.
"Pasensya na nak, nasasaktan lang talaga ako. Ang hirap tanggapin pero alam ko pagkatapos nito, ikaw na ang magiging angel namin. Huwag mo kami pababayaan ha? Anak mahal na mahal ka namin, masakit man pero maiintindihan ko na bumitaw ka na. I love you anak ko," humahagulgol na saad nito sabay pinaghahalikan ang noo at pisngi nito.
"Zaria anak, sana mapatawad mo si Daddy. Mamimiss ka namin anak, malulungkot na din ang kuya Zeke mo pero sabi nga ng Mommy mo maiintindihan ka namin. Mahal na mahal ka namin Zaria," saad ng Daddy nito sabay hinalikan ang noo ni Zaria.
Ako naman ay nakatulala lang habang pinagmamasdan ang wala ng buhay na si Zaria, nilapitan ko ito sabay hinaplos ang kamay tsaka pisngi nito. "Hindi ko na makikita iyong mga ngiti mo, hindi ko na maririnig ang tawa mo. Pati ang pag-aawat mo kapa nagbabangayan kami ni Terence, ang sakit lang talaga. Na wala tayong enough na time, gusto ko talagang magalit pero wala na akong magagawa eh. Alam ko rin na ito ang gusto mo, makakapagpahinga ka na. Hintayin mo kami sa langit ha? Magkakaroon tayo ng reunion doon. Zaria, sa 'yo lang ako nakaramdam ng ganitong sakit. Hindi ko kakalimutan na nakilala kita, lagi kang may special na parte sa puso ko." Saad ng isip ko sabay hinalikan ang kamay nito.
Mas pinili ko na lang na lumabas na muna, hindi ko na kas talaga kaya. Ang bigat-bigat na sa dibdib ko kaya mas pinili kong maglakad papunta sa maliit na chapel na nandoon sa hospital, para kasi akong mababaliw sa sakit na nararamdaman ko ngayon.
"Bakit siya pa? Bakit ang mga taong marami pa ang nagmamahal ang kinukuha mo? Maraming pariwara diyan at salot sa lipunan pero bakit sila pa? Gusto ko magalit sa 'yo pero alam ko na kapag ikaw ang nagdesisyon ay para rin sa ikabubuti namin. Kaya kahit masakit tatanggapin ko, ilang buwan lang kami nagkasama pero pakiramdam ko segundo lang 'yon. Ganoon pala talaga 'no? Kapag ang taong gusto mo ang nakakasama mo, pakiramdam mo ang dali-dali lang ng panahon. Ang hirap! Mag-a-adjust na naman ako kasi nasanay na akong nandiyan si Zaria, pero dadating ang panahon matatanggap ko rin lahat. Tulungan mo 'ko ah? Hindi ko 'to kaya na ako lang. I will trust you everything." Umiiyak na panalangin ko habang nakaharap sa altar.
"Toffer?"
"Cloud?" takang sagot ko.
Namamaga rin ang mata nito na para bang galing sa pag-iyak.
"I didn't know, kung alam ko lang sana edi sana naging mabuti ako sa kan'ya. Toffer ako ba ang dahilan ng pagkawala niya? Toffer ako kasi iyong dahilan kaya siya na-hospital eh, Toffer hindi ako mapakali. Iniisip ko pa lang na ako ang dahilan, Toffer hindi ko iyon sinasadya." Umiiyak na saad nito.
Napangiti ako ng mapakla, "Alam mo ba? Bago tuluyang nawala si Zaria, binilinan niya kami. Sabihin daw namin sa 'yo na huwag mo sisihin ang sarili mo kasi hindi mo kasalanan. May sakit talaga siya, lumala nga lang kaya nagkaganoo." Sagot ko naman.
Napahagulgol ito ng iyak sabay napaupo sa sahig, "Ang sakit-sakit din sa akin na nakita ko siyang ganoon, kanina pa ako rito. Sinundan kita Toffer tapos nakita ko lahat, hindi ko akalain na ganoon na pala ka lala. Kung alam ko lang sana, sobra akong nagsisisi." Humahagulgol na saad nito.
Tumayo ako sabay nilapitan ito at niyakap, "Tahan na, wala na tayong magagawa. Ang mahalaga, makakapagpahinga na siya." Pagpapatahan ko rito.
"I feel guilty, kaya pala ginagawa mo lahat para makakuha ng notes kay Zaria kasi ganito na pala. Kaya pala ganoon kayo magalala ni Terence sa kan'ya kasi kailangan niya pala talaga ng karamay. Toffer patawarin mo rin ako kung pinagpipilitan ko iyong sarili ko sa 'yo. Sa nakikita ko ngayon, alam ko na hindi mo lang siya gusto. Mahal mo siya, hindi ka iiyak ng ganoon kung wala lang siya sa 'yo. Naiintindihan ko na, kaya simula sa araw na 'to, hindi ko na ipipilit ang sarili ko sa 'yo. Alam ko kasi na hindi ko rin mapapalitan si Zaria sa puso mo eh, masaya na akong malaman na at least kahit sa huli pinili mo siya. Nagpakatotoo ka sa nararamdaman mo, Toffer nandito lang ako ha? I am still your friend, alam ko hindi madali pero sana kayanin mo." Saad nito habang nakatitig sa akin.
"Salamat Cloud, wala namang magbabago eh. Ako rin naman nandito lang para sa 'yo, walang magbabago sa pagkakaibigan natin." Sagot ko rito.
Tumango naman ito at tinulungan ko na siyang makatayo, palabas na kami ng chapel nang makita namin sa labas ng emergency room si Terence na nakatayo at nakatulala. Nang mapansin niyang nandoon kami ay tumingin ito sa amin sabay ngumiti ng mapakla, walang sabi-sabing nilapitan siya ni Cloud at niyakap ng mahigpit. Napapikit naman ito ng mariin sabay tinugon ang yakap nito.
Alam ko walang nagbago sa nararamdaman ni Terence kay Cloud, sadyang pinipigilan niya lang iyon kasi akala niya nahuhulog na rin ako kay Cloud. Ngayon, hindi ko pa masasabi pero alam ko may matutuloy na pagtitinginan sa naudlot na kahapon. Walang natulog nang gabing iyon, tumulong na rin ako sa pag-aasikaso ng mga gagawin para sa burol ni Zaria. Tinawagan ko na rin si Mommy na hindi muna ako makakauwi, nasabi ko na rin sa kan'ya ang nangyari at nangako itong dadalaw kapag nalipat na ang labi ni Zaria sa bahay nila. Nakatulog sila Inang kaya hanggang ngayon ay hindi pa nila alam, hindi rin alam nila Kuya Zeke kung sino ang magsasabi kina Inang dahil siguradong maninikip ang dibdib nila kapag nalaman na ang totoo. Pinili rin ni Cloud na manatili para makiramay kaya mas pinili naming sa labas ng silid muna maupo dahil natutulog pa sila Inang.
Mayamaya pa ay dumating na sila Kuya Zeke at nang papasok na sila sa loob ay gising na pala sila Inang, "Iho kamusta si Zaria?" dinig kong tanong ni Inang.
Napalingon naman ako sa kanila at nakitang nagkatinginan sila Kuya Zeke at ang mga magulang nito.
"Iho?" tawag ni Amang dito.
"Inang, Amang kalmahin niyo ang sarili niyo sa sasabihin ko." Paglalakas loob na saad ni Kuya Zeke.
"Iho kinakabahan ako, ano bang nangyayari?" tanong ni Inang sabay tumingin sa Mommy ni Kuya Zeke.
Napahawak naman sa dibdib si Inang nag makitang napahagulgol ito, "Zeke!" naiiyak nang saad ni Inang.
"W-Wala na po si Zaria," nauutal na saad ni Kuya Zeke.
Gulat na gulat naman si Inang at Amang, natigilan ang mga ito. "Hindi iyan totoo! Zeke sabihin mo hindi iyan totoo," umiiyak na saad ni Inang.
"Zaria," umiiyak na rin na saad ni Amang.
"Hindi na po siya lumaban, pagod na pahod na raw po siya at gusto niys na magpahinga. Inang masakit pero kailangan natin tanggapin," humihikbing saad ni Kuya Zeke.
"Nasan siya?" tanong ni Amang.
"Nasa morgue na po," sagot ni Kuya Zeke.
Napakagat na lang ako sa labi ko nang makitang halos magwala si Inang sa sakit, "Zaria! Zaria anak ko," paulit-ulit na saad nito.
"Amang?"
"Amang!"
Hindi ko na hinintay pa ang utos ni Kuya Zeke at kumaripas na ako ng takbo papunta sa nurse station.
Kung mas may nasasaktan man ngayon, sila Inang at Amang iyon...
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.