SWY: Chapter Twenty

1.2K 23 1
                                    

SWY: C.20
ImaginationNpaper

Zeke's POV

Para akong binuhusan ng yelo matapos marinig ang sinabi ng Doktor, hindi ko akalain na dadating sa point na 'to. Kailangan mag-chemo ni Zaria pero malalagay rin siya sa panganib dahil sa mga posibleng makuha niya habang sumasailalim sa chemotheraphy.

"Bakit nagka-blood clot?" mahinang saad ko.

Lumapit naman sa akin si Terence, "Kuya parang may ideya ako kung saan nagsimula ang blood clot ni Zaria." Saad nito.

"Ano?" tanong ko rito.

"May pagkakataon po kasi na pinagtulungan si Zaria ng mga senior high. Mabuti na lang at nakita ko at na awat, doon nga po kami una nagkakilala eh." Sagot naman nito.

"Kawawa naman 'yong kapatid ko, hindi niya deserve ang sakit na 'to. Ang dami namang pariwara diyan eh, bakit 'yong kapatid ko pa?" naiiyak na saad ko.

"Tiwala lang tayo Kuya, alam kong hindi susuko si Zaria." Pagpapagaan nito sa loob ko.

"Oo naman, hinding-hindi ko tatalikuran ang kapatid ko. Siguro kailangan na din umuwi nila Mommy, ayaw ko man magisip ng masama pero alam natin na kailangan din sila ni Zaria." Sagot ko rito.

"Basta Kuya, lagi lang kaming nandito ni Toffer para kay Zaria. Kung ano man ang kailangan niyo, huwag po kayo lumapit sa amin." Saad nito.

"Salamat Terence, akala ko magiging sagabal kayo sa buhay ni Zaria pero kayo pa pala ang tutulong sa kan'ya." Sagot ko naman.

"Terence, Toffer umuwi na muna kayo kami na ang bahala kay Zaria. May pasok pa kayo bukas, babalitaan namin kayo." Tawag ni Inang sa atensiyon ni Terence at Toffer.

"Sige po Inang, para makapagpahinga na rin po kayo. Dadaan na lang po kami rito bukas," sagot naman ni Toffer.

"Pero kung marami man kayong gagawin okay lang, maiintindihan naman ni Zaria." Sagot ni Inang.

"Okay lang Inang, basta para po kay Zaria." Sagot naman ni Terence.

"Ingat kayong dalawa," bilin ko sa kanila.

"Mauna na po kami Inang, Amang at Kuya." Paalam ng mga ito.

Tumango na lang ako rito at kinausap muna sila Inang.

"Inang aasikasuhin ko lang po 'yong room na lilipatan ni Zaria, tawagan niyo po ako kung  nandoon na siya ha? Bibili lang ako ng makakain natin sa labas." Paalam ko sa kanila.

"Sige iho, salamat." Sagot naman ni Inang.

Private room ang kinuha ko para kay Zaria, baka kasi mahawa siya kung may kasama siyang iba na may sakit sa silid.

"Hala, 'yong gamot nga pala ni Inang at Amang." Saad ko nang maalalang may maintenance sila Inang, kailangan nilang umuwi mamaya. Kaya ko naman bantayan si Zaria, hindi puwedeng hindi nila mainom ang mga gamot nila.

May malapit na kainan sa hospital kaya doon na lang ang napili ko, mga masusutansyang pagkain ang binili ko para rin makakain si Zaria pagkagising niya. Paulit-ulit na bumabalik sa isipan ko ang sinabi ng Doctor kanina, alam kong hindi ako makakatulog nito kakaisip kung paano matulungan si Zaria.

"Sir heto na po,"

Agad naman akong bumalik sa aking sarili nang marinig ang boses noong babae.

"Thank you," saad ko at bumalik na sa hospital. Pero naisip ko ring bumili ng kape nang makadaan ako ng isang coffee shop.

Mayamaya pa ay tumunog ang aking cellphone, medyo natagalan ako sa pagsagot dahil marami akong dala pero nasagot ko rin.

"Inang, nakalipat na po kayo?" diretsong tanong ko nang makitang pangalan iyon ni inang.

"Oo anak, pero si Zaria nasa ICU pa rin. Bale pinapunta muna kami ng mga nurse dito sa room niya para raw makapagpahinga. Bawal daw kami magtagal doon sa loob ng ICU anak." Sagot ni Inang.

"Sige po Inang, hayaan mo at pabalik naman na ako." Sagot ko at binaba na ang tawag.

Dumiretso ako sa room na pinaayos ko kanina, nandoon na si Inang at Amang.

"Nandiyan ka na pala iho," saad ni Inang nang makita ako.

"Inang, Amang kain na kayo. Umuwi na po  kayo pagkatapos nito ah? Alam ko hindi niyo dala ang gamot," saad ko sa kanila habang inaayos ang pagkain sa mesa na nandoon.

"Pero iho, babantayan namin si Zaria." Saad ni Amang.

"Alam ko po na nagaalala kayo sa kan'ya pero mas magaalala si Zaria kapag nakita niya kayo rito at nagpupuyat. Ako na bahala sa kan'ya Inang, siguro panahon na para ako naman magalaga sa kapatid ko." Saad ko rito.

"Tama ka nga naman iho, basta tawagan mo lang kami kapag may kailangan ka. Magluluto ako ng pagkain para bukas, alam kong gutom si Zaria kapag nagising na siya." Saad ni Inang sabay mapait na ngumiti.

Kung may nasasaktan man ng sobra ngayon alam kong si Inang 'yon, halos anak na rin ang turing nila kay Zaria simula nang iwan namin sa kanila ito.

"Sige Inang, kain na po tayo." Saad ko nang maayos na ang pagkain.

Mabuti na lang at malapit lang sa ICU ang silid na nakuha ko, para malapit lang kay Zaria. Matapos kumain ay hinatid ko na sila Inang sa labas at pinasakay, gusto ko makasigurado na ligtas silang makakauwi. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan nang tuluyan ng makaalis sila Inang. Bumalik ako sa ICU at tinignan mula sa labas si Zaria, may mga tubong nakakabit sa kan'ya at makina para    ma-monitor ang heartbeat nito.

"Sis, gising na... Gagawin pa natin 'yong mga plano natin 'di ba? Paano na lang ang hiking natin? Swimming sa paborito mong beach at party sa debut mo? Gising ka na, ayaw kong nakikita kang ganito." Saad ko sabay sa pagtulo ng luha ko.

Nagsuot na muna ako ng hospital gown at mask bago tuluyang pumasok. Mas lalong bumigat ang aking pakiramdam nang makita ang kalagayan nito, natatakpan kasi lagi ang katawan niya ng mahahabang damit kaya hindi ganoon nakikita ang mga pasa niya at ang lubusan niyang pagpayat. Kahit nakapikit ito, ramdam ang lungkot sa mukha niya.

"Zaria magpagaling ka ha?" saad ko habang hinahaplos ang kamay nito.

"Marami akong pasalubong Sis, hindi ko pa nabibigay lahat. Mga paborito mong chocolate nabili ko pero hindi pa puwede sa 'yo eh. Magpagaling ka na, sige uubusin ko 'yon." Saad ko habang hinahaplos ang buhok nito.

"Tatawagan ko na sila Mommy at Daddy, sana lang talaga umuw sila bago mahuli ang lahat." Saad ko sabay inayos ang buhok nito.

Alam kong mahalaga sa kan'ya ang buhok niya, pero wala na kaming ibang choice kapag nagsimula na siyang mag-chemo...

"Lumaban ka, dahil patuloy kaming lalaban at maghihintay sa pag galing mo." Bulong ko rito.

Hindi ko mapigilang mapahikbi nang makitang tumulo ang luha nito, pinagmasdan ko ang mukha nito at mas lalo akong nasaktan nang makitang sobrang putla na nito.

"Bakit ba kasi ikaw pa ang nagkasakit ng ganito?"

Sana ako na lang, sana hindi na lang ikaw.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon