SWY: Chapter 24
ImaginationNpaperToffer's POV
Kung hindi niya ako sasamahan, edi mag-isa ko 'tong gagawin. Nagtanong ako sa nurse station kung saan puwede magpaalam na gagamitin namin ang rooftop, una ay nagdadalawang isip pa sila kung sasabihin nila pero kalaunan ay sinabi rin nila. Nagpumilit kasi ako tsaka kinumbinsi na para ito sa kaibigan naming may sakit na naka-confine pa sa ICU.
"Iho imposible ang sinasabi mo, mga janitor lang talaga ang allowed na pumasok sa rooftop, tsaka delikado kapag dinala niyo 'yong pasyente doon." Saad sa akin ng isa sa mga management ng hospital.
"Pero gusto po talaga namin matulungan ang kaibigan namin." Pagpupumilit ko pa rin.
"I am sorry iho, mahirap kasi talaga 'yang gusto mo. Kung gusto mo sa silid niya na lang, we will allow na magpasok ka ng mag balloons o ng kung ano man basta huwag lang mga sound system na makakaabala ng ibang tao." Saad nito.
"Final na po ba talaga 'yan?" malungkot na tanong ko.
Tumango naman ito, "Pasensya na talaga." Saad nito.
"Sige po, sa silid niya na lang siguro. Salamat na rin po," saad ko at nagpaalam na.
Sumalubong naman agad sa akin si Terence, "Anong sabi?" tanong nito.
"Hindi raw talaga puwede," sagot ko naman.
"Nasabi ko na kina Inang ang plano, wala ba tayong ibang option?" tanong nito.
"Sabi nila okay lang daw na sa silid ni Zaria, pero mas maganda sana talaga kung sa rooftop eh." Malungkot na saad ko rito.
"Hayaan mo na lang, pagandahin na lang natin 'yong room tsaka puwede naman tayo pumunta roon sa may mini-park eh. Dadalhin natin si Zaria roon, tapos sabay nating tatlo tignan ang buwat at mga bituin." Suhestiyon nito.
"Sige, ganoon na lang. Ipasok na natin 'yong mga dala natin?" aya ko sa kan'ya.
"Tara, umalis pa si Kuya Zeke eh. Namili raw ng dinner natin," saad nito.
Tumango na lang ako rito at sabay ng naglakad sa kan'ya. Hindi ko mapigilang mapabuntong hininga, miss na miss ko na kasi talaga si Zaria eh...
"Bro, hayaan mo na. Mas mabuti nga 'yong ganito eh. Para kahit hindi pa magising si Zaria ay makikita niya pa rin 'yong hinanda natin para sa kan'ya." Pagpapagaan nito sa kalooban ko.
"Tama ka nga naman, ewan ko ba... Ngayon lang talaga ako nakaramdam ng ganito. Iyon bang parang ang lungkot-lungkot na kahit anong isip mo ng masasayang bagay ay hindi ka natatablahan." Saad ko habang hawak ang hellium na balloon at iba pang gamit.
"Be positive Toffer, hindi iyan ang kilala kong Toffer. Ang Toffer na kilala ko ay positibo sa lahat ng bagay, hindi basta-basta sumusuko." Saad nito.
"Oo Terence, hindi ko talaga akalain na dadating tayo sa ganitong sitwasyon 'no? Na ikaw 'yong magpapalakas sa loob ko na huwag sumuko. Parang dati lang nagbabangayan tayo, pero dahil kay Zaria nagkakasundo tayo." Saad ko sabay kaakusapin muna ang guard pero tinanguan niya lang kami.
Baka kinausap na siya noong nakausap ko kanina.
"Siguro ginawang daan ni God si Zaria, na magbati tayo at bumalik 'yong friendhsip na meron tayo dati." Sang-ayon nito.
May mga napapatingin sa amin pero hindi na namin 'yon pinansin, medyo marami kaming dala kaya nagkatinginan kami kung sino ang magbubukas ng pinto. Mabuti na lang at may nurse na dumaan at nakita ang kalagayan namin kaya siya na ang nagbukas ng pinto.
"Salamat," sabay naming saad ni Terence.
"Walang ano man," sagot naman nito.
"Ang ganda naman ng mga 'yan," saad ni Inang nang tuluyan na kaming makapasok.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Novela JuvenilIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.