SWY: Chapter Three

2.2K 35 0
                                    

"Class dismiss, see you tomorrow!"

Agad naman kaming nagtayuan nang marinig namin ang anunsyo ng aming guro.

"Bakit kaya hindi siya pumasok?" biglang saad ni Cloud.

"Sinong tinutukoy mo?" takang tanong ko rito.

"Si Zaria, nagaalala kasi ako sa kan'ya. Nakita ko siya kanina sa may banyo, ang dungis-dungis niya. Parang natapunan din siya ng juice at pagkain sa damit niya." Sagot naman nito.

"Oh, kaya pala." Sagot ko nang mapagtanto kung bakit suot-suot niya ang damit ni Cloud.

"Nagkita kayo?" takang tanong nito.

"Actually nahila ko siya kanina kasi akala ko ikaw siya, nagulat nga ako noong bigla siyang tumakbo palayo eh." Sagot ko na lang dito.

"I hope she's okay, umiiyak siya kanina Toffer." Malungkot na saad nito.

"Hayaan mo na, tsaka huwag ka masyado magtiwala agad Cloud. Hindi pa natin siya ganoon kakilala." Bilin ko rito.

"Fine, pero sana next time huwag ka na magsungit sa kan'ya."

"I cannot promise Cloud, but I will do my best." Sagot ko rito.

"Okay, I need to go now. Update me kapag nakauwi ka na ha? I know you have a lot of meetings today kaya take care!" paalam nito sa akin sabay nakipagbeso-beso.

"Take care too," sagot ko sabay kumaway na.

Ano kaya nangyari sa babaeng 'yon? Kaya pala namumutla kanina dahil nabura 'yong make up niya, well mas maganda siya kapag walang make up. Mas maamo tignan ang mukha niya kanina kesa noong nakasuot siya ng makapal na make up.

"Teka nga! Bakit ko ba iniisip ang babaeng 'yon? Makapunta na nga sa office." Umiiling na saad ko at naglakad na papunta sa office.

Papasok na sana ako sa loob nang may nakakuha ng aking atensiyon. Napakunot ang aking noo nang makilala ang dalawang babae na naguusap, sila 'yong nasa cafeteria kanina.

"Hindi ko pa rin mapigilang matawa sa tuwing naiisip ko 'yong nangyari kanina," tumatawang saad nito.

"Iyong junior high ba? I guess the name of that girl is Zaria. Narinig ko lang noong tumakbo na siya palabas ng cafeteria, someone called her in that name." Sagot naman noong isang babae.

Zaria, how come they know her? Oo nga pala, the incident earlier. Kaya ba natatawa sila?

"Halata kasing nagpapapansin kay Pres eh, good for her. Para rin naman kasi siyang trash can eh, kaya bagay sa kan'ya ang natapon na juice at pagkain sa damit at mukha niya." Saad nito sabay tumawa ng malakas.

Lalapitan ko pa sana sila nang biglang may tumawag sa akin, "Mr. Dela Torre?"

Isang malalim na buntong hininga na lang ang aking pinakawalan, hindi porket nasa senior high na sila ay may karapatan na silang i-bully ang mga junior high.

"Good afternoon Ms. Grace," bati ko sa Gurong nag-ha-handle ng club namin.

"Bakit parang nakakunot ang noo mo, may problema ba?" tanong nito nang mapansin ang pangungunot ng aking noo.

"Ah wala po, nandiyan na po ba 'yong iba?" pag-iiba ko na lang ng usapan.

"Oo, akala ko nga hindi ka makakarating eh. Pasok ka na," nakangiti namang saad ni Ms. Grace.

"Sige po, pasensya na kung medyo nahuli ako." Sagot ko naman dito.

"Hello Mr. President," sabay-sabay nilang bati nang tuluyan na akong makapasok.

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon