SWY: Chapter Eighteen

1.1K 23 0
                                    

SWY Chapter 18
ImaginationNpaper

Cloud's POV

Wala naman sana akong problema kay Zaria eh, simula pa nga lang concern na ako sa kan'ya but not until how Toffer and Terence react on her. Halos nasa kan'ya na ang atensiyon ng dalawang 'yon, eh dati lang parehong nasa akin 'yon. Okay lang naman sana kung si Terence lang eh, pero napapansin kong pati na rin si Toffer. Noong isang linggo siyang hindi pumapasok, isang linggo ko rin hindi makausap ng maayos si Toffer. Lagi itong abala sa pagsusulat para raw kay Zaria, minsan naman nakatulala. Si Terence pabalik-balik din na sumisilip dito, tinitignan kung pumasok ba si Zaria.

Mas lalo akong nainis nang marinig ko ang usapan ng iba naming schoolmates, bali-balita ang namumuong closeness nilang tatlo. Aba't selfish ang lola niyo! Gusto talaga dalawa mabingwit? Gusto yata sumikat, dahil ang dalawang known pa talaga ng school ang nilalapitan. Hindi lang ako nagsasalita pero ubos na ubos na ang pasensya ko sa kan'ya ngayong araw. Kung alagaan kasi siya nina Toffer at Terence ay para bang prinsesa. Lalo na noong pananghalian, akala mo talaga walang kamay eh.

"Banyo lang ako," paalam nito sa amin.

"Sama na ako," sabay na saad nina Toffer at Terence.

Natawa naman ito sa sinabi ng dalawa, puwes hindi nakakatawa... Nakakainis! Pakiramdam ko talaga may tinatago ang mga 'to eh. Sa pagkakaalam ko ay halos hindi magbati sina Terence at Toffer pero ngayon? Malapit pa sa malapit! Umalis na nga si Zaria, napangiti naman ako nang may sumagi sa isipan ko.

"Baka ngayon na ang oras para makausap siya," saad ng isip ko.

"I'll be back," saad ko sabay tumayo at dumiretso na sa banyo.

May mangilan-ngilan pang nananalamin kaya hinintay ko muna na kami na lang dalawa maiwan. Agad kong ni-lock ang pinto nang masiguradong kami na lang dalawa. Gulat na gulat naman ito nang makitang nandoon ako.

"Zaria magtapat ka nga, kayo na ba ni Terence?" diretsong tanong ko rito.

"Saan mo naman nakuha 'yan? Hindi ah, magkaibigan lang kami." Sagot nito sabay naghugas ng kamay.

"How about Toffer, may gusto ka ba sa kan'ya?"

Agad naman itong natigilan sabay tumingin sa akin.

"Seriously? Wala akong panahon sa mga gan'yan Cloud kaya mali ka ng mga iniisip." Diretsong sagot nito.

"Eh bakit ganoon na lang? Bakit bigla kayong naging close?

"Ang nonsense naman nito, aalis na ako dahil may quizz pa tayo mamaya." Saad ni Zaria at tatalikod na sana nang hilahin ko ang  ang braso nito sabay mahigpit na hinawakan.

"Aray! Nasasaktan ako," saad nito sa akin.

Nilapit ko ang mukha ko rito sabay mataman itong tinitigan, "Hindi lang ito ang aabutin mo kapag may nalaman pa akong nilalandi mo si Toffer. Tandaan mo Zaria, we've made a promise already at hindi ko hahayaan na ikaw lang ang sumira noon." Mariin na saad ko rito.

"Nababaliw ka na ba? Wala akong sisirain tsaka bitawan mo na ako nasasaktan ako!" saad nito sabay pilit na binabawi ang braso nito.

Nang matanggal niya 'yon ay dali-dali siyang lumabas kaya sinundan ko ito, lumebel ako sa kan'ya at tinisod ito.

"Aray!" sigaw nito nang dumiretso ito sa sahig. Nakasubsob ang mukha sa daanan, mas lalo akong nasayahan nang makitang maraming nakatingin sa kan'ya.

"Zaria!"

Agad naman akong napalingon nang marinig na sigaw nina Toffer at Terence, dali-dali nilang nilapitan si Zaria at dahan-dahan na pinatayo.

"Hala!"

Bigla naman akong kinabahan sa naging rekasiyon ni Toffer kaya sinilip ko ang mukha ni Zaria. Napaawang ang aking bibig nang makitang dumudugo ang ilong nito.

"Cloud anong ginawa mo?" galit na galit na tanong ni Toffer.

Bigla akong kinabahan nang mapansing parang nawawalan ng lakas si Zaria. Mabuti na lang at nakaalalay sa kan'ya si Terence.

"May panyo ka ba? Toffer panyo!" nagmamadaling saad ni Terence.

Dali-dali namang inabot ni Toffer ang panyo niya kay Terence.

"Calm down, everything will be fine." Paulit-ulit na saad ni Terence kay Zaria.

What's happening?

"Dalhin na natin sa Clinic!" nagaalalang saad ni Toffer.

"Sige tara!" sagot naman nito sabay kinarga si Zaria.

Hindi ko alam ang gagawin, kitang-kita sa mukha nila ang labis na pagaalala.

Ano bang nagawa ko?

Sumunod naman ako sa kanila kahit ayaw pa mag-sink in sa untak ko ang nangyari. Hindi naman yata siya tumama sa sahig eh, pero bakit ganoon? Biglang dumugo ang ilong niya. Pagkarating ko roon ay wala ng malay si Zaria.

"Cloud ano ba kasing ginawa mo?" tanong ni Terence nang makita ako.

"Wala," sagot ko rito.

"Sinungaling! Nakita ko ang ginawa mo Cloud, pinatid mo si Zaria kaya siya natisod. Bakit mo ginawa 'yon?"

Napasapo ako sa aking noo, ngayon ko lang  nakita si Terence na nagalit ng ganito.

"Bakit ba kasi siya nahimatay? Nakita ko naman na hindi siya na untog o tumama sa sahig eh. Tabi nga! Baka nagpapanggap lang 'to," saad ko sabay tinabig si Terence at lumapit kay Zaria.

"Hoy Zaria gumising ka nga riyan! Ang weak mo naman, nagpapaggap ka lang eh. Gumising ka!" saad ko sabay niyuyog ito.

Nagulat naman ako nang malakas na hinawakan ni Toffer ang braso ko at bahagyang tinulak.

"Ano ba Cloud? Kita mong wala na ngang malay eh, ano bang nangyayari sa 'yo?" naiinis na rin na saad ni Toffer.

"Bakit ba gan'yan kayo magalala sa kan'ya? Ako 'yong kaibigan niyo rito oh! Anong pinakain niya sa inyo at naging gan'yan kayo?" bulyaw ko sa kanilang dalawa.

"Walang kang alam okay? Kaya please lang, huwag mong saktan si Zaria!" sagot sa akin ni Toffer.

"Really Toffer? Nagkakagan'yan ka dahil sa babaeng 'yan? Nakalimutan mo na ba 'yong-"

Hindi ko na natapos 'yong sasabihin ko nang bigla akong talikuran ni Toffer, tumabi ito sa gilid ni Zaria sabay hinawakan ang kamay. Biglang nanikip ang aking dibdib sa ginawa nito, harap-harapan niya talaga akong sinasaktan.

Mas pinili ko na lang na lumabas sa clinic na 'yon kasabay ng pagsara ng pinto ay ang pagtulo ng luha ko.

"Cloud,"

Agad ko namang pinunasan ang aking luha nang makitang lumabas din si Terence.

"Ano? Bubulyawan mo na naman ako tungkol-"

Hindi ko na natapos ang aking sasabihin nang bigla niya akong yakapin, napatulala na lang ako sa ginawa nito.

"Saktan mo na ako, kung ano man ang galit na meron ka para kay Zaria sa akin mo na ibunton. Suntukin mo ako, sampalin gawin mo na." Bulong nito sa akin.

Sunod-sunod na tumulo ang aking luha sa sinabi nito...

Sa isang iglap pakiramdam ko nawalan ako ng sandalan at kaibigan...

Seconds with You (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon