Toffer's POV
Nalalapit na ang acquintance ng school kaya heto ako at nakatulala, iniisip kung ano ang magiging magandang program na gaganapin sa gabing 'yon.
"Lalim ng iniisip natin ah," nakangiting saad nu Cloud sabay nilapag ang bag sa upuan nito.
"Tungkol sa acquintance, wala pa rin kasing pumapasok na ideya sa isipan ko."
"Aga-aga namo-mroblema ka na, gusto mo tulungan na lang kita?" alok nito.
"Sure, sabihin mo naman sa akin kung may ideya ka." Sagot ko rito.
Kaming dalawa pa lang ni Cloud sa loob ng silid namin, maaga pa kaya wala pa 'yong iba. Kapag kasi ganito na marami akong iniisip, mas gugustuhin kong pumasok ng maaga para makapag-isip.
"May isang oras pa tayo para mag-isip, gusto mo ba doon na lang tayo sa rooftop?" Aya ni Cloud.
"Sure puwede rin," sang-ayon ko rito.
Nakangiti naman itong tumayo sabay sinukbit na naman ang bag nito.
"Tutulungan kita but in one condition," saad nito habang naglalakad na kami.
"Ano iyon?"
"Ako ang magiging date mo," buong tapang nitong saad habang nakangiti pa rin.
"As if I have a choice 'di ba? Syempre ikaw naman talaga," umiiling na sagot ko rito.
"Good, baka kas ayain ako ni Terence kaya inunahan na kita."
"Nagseselos ka 'no?" panghuhuli ko rito.
"Ha, selos saan?" pagmamaang-maangan nito.
"Kay Terence at Zaria," diretsong sagot ko.
"Hindi ah, tsaka alam ko naman na malabong mahulog si Terence kay Zaria. Knowing him? He's more attractive to sexy girls and not with the manang one." Sagot nito.
Hindi ko mapigilang namnamin ang sariwang hangin na dumadampi sa aking balat nang marating namin ang rooftop, kitang-kita doon ang kabuuan ng paaralan. Wala pa gaanong estudyante kaya hindi pa ganoon kagulo.
Abala na kami sa pagbibigayan ng mga ideya, gusto ko ang mga suhestiyon nito kaya hindi malabong i-endorse ko rin sa mga kasamahan ko ang ideya niya. Malapit na sana kaming matapos nang biglang mahagip ng mata namin si Terence at Zaria na magkasama. Napakunot ang aking noo habang pinagmamasdan sila, kung titignan sa malayo ay parang matagal na itong magkakilala.
"Malapit na magsimula ang klase, baba na tayo." Saad sa akin ni Cloud sabay pinagpag ang palda nito.
Tumango na lang ako at sumunod na rin sa kan'ya.
"Magkaibigan na pala sila?" biglang tanong ni Cloud.
"Maybe yes, maybe no?" hindi ko pa siguradong sagot dito.
"Mabuti na rin 'yon, para hindi na masangkot pa sa gulo si Zaria." Saad nito.
Nasa pasilyo na kami nang makasalubong namin si Terence na ngiting-ngiti.
"Hi Terence," bati ni Cloud dito.
"Kayo pala," sagot naman nito.
Nagtagpo ang aking kilay nang mapansing may bahid ng dugo ang polo nito.
"Nasugatan ka?" diretsong tanong ko rito.
"Bakit mo natanong?" takang tanong nito.
"May bahid kasi ng dugo 'yong uniporme mo,"
Bigla naman siyang napatingin sa tinutukoy ko sabay ngumiti ng pilit, "Wala lang 'to baka ketchup lang."
"Sigurado ka?" paninigurado ni Cloud.
BINABASA MO ANG
Seconds with You (Completed)
Teen FictionIf I could stop the clock from ticking, i would really do it. Seconds is not enough, I want you in my life forever.