High Blood Pressure

1.9K 27 0
                                    

It was rainy afternoon at naisipan ni Julie na ituloy nalang ang pakipagkita sa kaibigan nya. Free sya for the past 3 days but her free sched di naman nagmatch sa schedule ng taong dahilan ng pagmumukmok nya, sinabayan pa ng pag ulan. Kahit madalas naman silang mag usap at mag face time iba pa rin yung nakikita at nalalambing nya yung taong yun. But she understand, sobrang busy ng mahal nya lately with tapings, promotion sa single nya, photoshoots etc... But she was happy for him at unti-unti na rin bumabalik ang sigla ng career nito. Ilang araw na rin nangungulit ang kaibigan nya na magkita sila kaya imbes na magmukmok makikipagkita nalang sya dito. Bumangon sya at diretso sa banyo. After 45 minutes natapos din sya maligo, magbihis etc.. Bago bumaba tinawagan nya ang kaibigan kung saan sila magkikita.

Pagkababa nya, ang mga kapatid na sina JM at Jac ang naabotan nya na nanunuod ng tv sa living room nila.

"Hey JM, Asan si Mama?"

"Di ko napansin ate eh.. Wla ba dun sa room nila? "

"Wla.. Dumadaan ako dun bago bumaba dito.. Umalis sila?"

"Parang di naman ate.. Jac, nakita mo si Mama? "

"She's with manang in the kitchen yata."

"Thanks baby girl."

Pumunta sya ng kitchen.

"Ma? Ma? San ka ba?

"Oh anak, nakabihis ka yata? San punta mo, wala naman akong naalalang may appointment tayo ngayon? "

"Just want to meet a friend Ma, pwede? And can i drive? Please Ma. Na miss ko ng magdrive. Ngayon lang Ma please. "

"A friend? Sinong friend?"

"Si - " di natapos ni Julie ang sasabihin.

"Baka boyfriend? Nahiya ka pa? Ang anak ko dalaga na talaga, naka 2 boyfriend na!"

"Ma! Friend nga kasi... Gusto makipagbonding ni Marika Ma."

"Ah si Marika.. Anak umuulan.. And delikado magdrive umuulan."

"Yun na nga Ma. Never tried to drive na umuulan. And it's not that far naman."

"Ask your Papa kung papayag sya at tawagan mo boyfriend. Baka kami pa sisihin ng papa mo na hinayaan kang magdrive na umuulan."

"Si Mama talaga. Hahaha"

"Tatawa-tawa ka dyan, alam mo namang mas protective pa yun kesa kay papa mo. Which is a good thing for me huh. Kasi minsan tigas talaga ulo mo. Tulad ngayon. Hay naku Julie Anne."

"Ma, 25 na po anak nyo." At kinindatan nya Mama nya.

"Alam ko, baka masurprise nalang kami ng papa mo na may apo na kami soon. "

"Hala si Mama! Walang ganun Ma! Tagal pa nun. Hahaha"

"Sige na puntahan mo na papa mo. Di kana mag dinner dito?"

"Di na siguro Ma. Sige Ma puntahan ko muna si papa." matapis humalik sa ina umalis na si Julie para hanapin papa nya at natagpo an nya itong nasa garahe kausap ang driver nila.

"Pa, may pupuntahan po ako."

"San punta mo? May bagyo aalis ka?"

"Bagyo talaga pa? Meet ko lang si Marika."

"Hindi ba pwedeng sa ibang araw nalang kayo magkita? Maya't-maya umuulan ah."

"Pa ulan lang yan, minsan lang ako magka freetime makipagbonding sa friends. Sige na pa, and pwede pa ako nalang magdrive? Malapit lang naman po, promise. Dyan lang naman sa Encima Roofdeck kami magkikita."

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon