Unfolding Fate In Japan

2.3K 26 4
                                    

Julie Anne was inlove with Japan, the first time she got to Japan when she was invited by Mc Cosmetics. And she promised to herself that she will go back and bring her family too.

Finally Julie was free from any commitments from work so her wish to have a short vacation with her family in Japan was granted. They went to Japan as early as December 19, 2019.

She took this chance na makapag pahinga at e enjoy ang winter sa lugar, it's her first snow experience ganun din ang pamilya niya. Dahil nakapunta na siya dito, may idea na siya kung saang pasyalan dadalhin ang pamilya.

Masayang-masaya siya sa sobrang dami ng blessings na natanggap niya sa taong ito, at kabi-kabila ding awards ang nakuha niya sa iba't-ibang award events. She couldn't ask for more sa sobra-sobrang blessings na natanggap niya.

And they safely landed in the land of rising sun at 4:00pm. Sobrang excited ng mga kapatid niya, at masayang-masaya siyang makita ang mga ngiti ng bawat-isa sa pamilya niya. Sinundo sila ng coaster ng hotel kung saan sila tutuloy for the whole week.

Everyone was ecstatic to experience the land of the rising sun, kaya pagpasok ng kani-kanilang kwarto at nagsibihis na kaagad.

Matapos ang isang oras naglalakad na sa labas ng hotel si Julie at ang pamilya niya na balot na balot dahil sa lamig ng klima doon.

Samantala natapos na din ang lahat ng mga commitments niya ngayong araw. Excited na din siya bukas para sa flight nya papunta sa kanyang favorite place, ang Japan. Sa lahat ng lugar na napuntahan niya aside from L.A and San Francisco sobrang nagustohan niya ang Japan kaya ng niyaya siya ng kuya Frank niya na doon magbakasyon ngayong pasko pumayag na kaagad siya.

Habang nagpapahinga sa condo niya naisipan niyang mag check ng ig niya. At bigla siyang napangita sa nakita.

'She's also in Japan. This is gonna be fun! Oh good Lord, please give me this chance to see and talk to her personally, it's been 7 years. I think kaya ko nang makaharap siya uli.'

At naalala niya ang nangyari tatlong araw na ang nakaraan, he's in Bacolod City sa isang event doon for two days. Tinawagan siya ni Ms. Cathy Go to remind him about sa Christmas party ng Universal records. Kaya tinawagan niya kaagad ang mommy na ikuha siya ng ticket earlier than 7pm flight at buti nalng nakakuha naman ito ng 5pm flight. Gusto niyang umattend ng Christmas party ng UR dahil he's trying his luck na this time magkita sila, na a-attend din ang dalaga sa nasabing party. He's ecstatic to see her again kaya hindi mawala-wala ang ngiti niya paglanding pa lang ng eroplano sa airport.

Maaga siyang pumunta sa venue ng Christmas party, determinado na siya ngayong gabi lalapitan niya ang dalaga at kakausapin. Sa 7 years marami ng nabago at marami na ring nangyari, pero sa loob ng pitong taon sinubaybayan pa rin naman niya ang mga nangyayari sa kanyang ex loveteam. At alam niyang matagal na rin itong hiwalay sa first boyfriend nito, happy and proud din siya sa mga achievements nito at sobrang proud siya para sa ka ex loveteam sa kakatapos nitong concert, na kahit sa youtube niya lang nakita talagang lubos siyang napahanga nito, ibang-iba na si Julie Anne San Jose ang layo na ng narating nito.

Sa nakalipas na 7 taon, may dalawa na siyang nakarelasyon matapos ang naudlot sanang pag kakaunawaan nila dahil sa hindi pagkakaintindihan at maling mga impormasyon na nasagap ng isa't-isa. Inaamin niyang naduwag siyang magtanong kung ano talaga ang totoo dahil sobrang nasaktan na siya sa mga naririnig niya kaya lumayo nalng siya dito ng tuluyan. Pero kahit may nakarelasyon man siyang iba, hindi nawaglit minsan sa puso at isipan niya ang dalaga.

Iilan pa lang ang tao sa venue, sinadya niyang pumunta ng mas maaga para hi di siya maipit sa traffic. Alam niya napaka puntual ng dalaga kaya ayaw niyang ma late at para marelax ang isip at katawan, ayaw niyang magpanic pag makita niya na ang dalaga.

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon