Nasa parking lot na ng Waterfront Hotel ang nirentahan na sasakyan ni Elmo. Nag-aalangan naman si Manong Rey kung gigisingin ba sila o hindi. Hanggang may kumatok sa bintana ng sasakyan.
"Elmo? Elmo?!" tawag ni George sa labas.
"Elmo, nandito na tayo. Nandyan na sa labas si sir George at ang kasama niya."
"Uhmmn. Salamat manong."
At binaba ang bintana sa side niya.
"George thank you, where's ate Sue?"
"Bumaba kaya muna kayo dyan."
Dahan-dahan ginising ni Elmo si Julie.
"Baby, wake up. We're here. Ate Sue is waiting. Kausapin muna natin."
"Hmmmnn" sumiksik pa ito sa liig ni Elmo.
"Love, ate Sue is waiting. Let's hurry. Wake up na love." sabay kiss sa pisngi ni Julie
"Hmmnn okay.. San sila?" inayos ni Elmo ang buhok niya. Inilayo naman ni Julie ang katawan niya kay Elmo.
Naunang bumaba si Elmo. At inalalayan naman nito pababa si Julie.
"Ate Sue good morning po." bati ni Elmo at Julie nang sabay kay Sue. Tiningnan lang sila ng handler ni Julie.
"Elmo, sandali lang ha kakausapin ko lang si Julie. Tumango lang si Elmo at kinausap din nito si George.
" Julie, alam mo ba kung ano tong gagawin mo? May i remind you, pwedeng mawala ang lahat na pinaghirapan mo all these years at masira ang pangalan mo."
"Ate Sue please i'm doing this for myself. It's high time na sarili ko naman pagbigyan ko. Lahat na binigay ko na sa trabaho at pamilya ko, ngayon ko lang pagbigyan ang sarili ko. Please naintindihan mo naman ako, di ba?"
" Pero Julie, paano ang mga commitments mo? Magtatanan na ba kayo at anong sasabihin ko sa mama at papa mo? Naisip mo ba yun? Ha?" sa sinabi ni Sue nilingon ni Julie si Elmo.
'Wala ng atrasan to Julie, don't dissappoint him. Ito na ang time na hinihintay mo para sa inyong dalawa. Fix your mind, it's now or never. You and Elmo, the love you have for him.' ngumiti si Elmo sa kanya.
"Ate, 3 days lang.. 3 days. I just want to be with him na walang anong iniisip, hayaan ang sarili ko na magmahal nang walang limitasyon na walang ibang tao na iniisip. Ngayon lang ako magpakaselfish ate, please... Kayo na po bahala gumawa ng alibi.. Sabihin niyo nalang na nagkasakit ako or what.. Please ate, please."
"At ano naman ang sasabihin ko sa Mama at Papa mo? Kina Barbie pag nagtanong? Julie naman."
"Ate please, ako na po ang bahala kina mama at papa. I'll tell them po."
"At paano yung Wish Awards?"
"I'll be back in time for Wish naman po, on 21st po pabalik na kami nun."
"Sure ka na babalik kayo? Tawagin mo nga si Elmo saglit kakausapin ko."
"Elmo! Love come here, ate wants to talk to you."
"Aw.. May pa love na ha. But kahit pinasakit mo ulo ko ngayon nakikita kong happy ka, at masaya ako sa nakikita ko. Nag mature na nga kayo pareho."
"Ate naman eh.. 25 na po kami. Haha"
Lumapit naman kaagad si Elmo at umakbay kay Julie.
"Elmo, ibalik mo ang alaga ko ha. Patay ako nito eh... Basta alagaan mo yan ha. May paglalagyan ka sa akin kapag umiyak ng isang drum na naman yan!"
"Isang drum talaga ate?! Promise po ate Sue ibabalik ko, nah... Babalik po kami. At mahal na mahal ko tong alaga nyo po. Aalagaan ko yan. Salamat ate Sue ha." tinanggal ang isang kamay na naka akbay kay Julie at niyakap si Sue.