Halos paliparin ni Elmo ang sasakyan para makarating kaagad sa condo niya. Finally he feels so light, wala nang mabigat sa dibdib na dinadala and he was grateful kay Ryanne, minahal naman talaga niya dalaga kaso mas mahal niya talaga si Julie and it's now or never, he wants to be with Julie.
Natulog ng buong araw si Elmo, gumising ito hapon na para kumain at natulog uli. Kinagabihan tinawagan niya si Julie ngunit hindi ito sinasagot ng dalaga. Kaya tinawagan noya si Barbie.
"Hello Barbs! Kamusta ka?"
"Hello? Elmo? Ikaw ba to? Hayop ka anong kailangan mo?!"
"Ouch Barbs naman. Sorry. Are you with Julie?"
"Bakit? Ano na naman kagagohan iniisip mong hayop ka?! Wala akong pakialam kahit anak ka pa ni Francis M! Gusto kitang bugbugin dahil sa ginawa mo kay Julie!"
"I know. I'm sorry Barbs. Can i ask another chance? One last chance Barbs, please. Please naman oh. I'm really sorry."
"Oh well good luck sayo, baka huli kana Magalona. Magkasama sila ngayon naghapunan sa-- " naisip ni Barbie ang binabatong intrega ngayon kay Julie, tungkol kay Kim Last.
"Shit!" ang huling narinig ni Barbie kay Elmo. At humalakhak siya ng malakas, napalingon na lang sina Julie at Kyline, na kasama din niyang mag didinner.
'Bahala ka, mamatay sa selos ngayon!'
"Bie, sino yun? Tawang bruha ah. Hahaha Ky, ano tinawagan mo na si kim? San ba tayo?"
"Zomato na lang tayo. Gutom na ako eh." sabi naman ni Barbie.
"Ky kina Barbie na ako sasama ha, dun kana lang kay Kim para makapag usap naman kayo. Umay na umay na ako sa pagmumukha niyong dalawa! Hahaha"
"Iba ka talaga Ky! Imagine isang Julie Anne San Jose ang chaperone, milyon-milyon kaya ang talent fee niyan, ginawa mo lang chaperone? Hahaha pero hintayin niyo mamaya may uusok ang ilong."
"Ha? Bakit may uusok ang ilong?" tanong ni Julie.
"Basta chill lang kayo. Mamaya abangan na lang natin! Hahaha"
At umalis na silang magka convoy, kasama din sina Gladys, bianca at iba pang kasamahan sa SPS.
Sa condo naman ni Elmo hindi siya mapakali kung ano-ano nang eksena ang iniimagine niya habang magkasama sina Julie at Kim.
'Bullshit! I can't lose you Julie Anne! You promised to wait for me. Gago ka eh, gusto mong maghintay sayo, habang ikaw may ibang babae? Isipin mo naman ang damdamin ni Julie, hindi puro ikaw lang. Ikaw nagpahintay tapos ikaw ang hindi nakapaghintay, nakipagrelasyin ka sa iba, ano ini expect mo? Sa ganda at talino ni Julie pag aaksayahan ka talaga ng panahon? Nasayo na pinakawalan mo pa! Damn Elmo!'
Binato ang cellphone niya sa kama.
Hindi naman maintindihan ni Julie ang sarili, sobrang kinakabahan siya na hindi niya alam, pinagpapawisan na ang malamig niyang kamay.
Tumawag siya sa mama niya na kasama niya ang mga kaibigan na naghapunan. Pagkatapos niyang makausap ang ina, nakita niyang may missed calls galing kay Elmo, pinagkibit balikat niya na lang ito.
Tinawagan uli ni Elmo si Julie ngunit busy na naman ito. Kinuha ni Elmo ang susi ng SUV niya at dali-daling bumaba ng parking lot.
Bago pumasok ng sasakyan tinawagan niya uli si Julie at sa pagkakataong ito sinagot ni Julie. Napagitnaan naman nila Kim at Barbie si Julie, Pagsagot ni Julie ng tawag ni Elmo may pinag uusapan sila ni Kim kaya rinig na rinig ni Elmo ang boses ng lalaki na kausap ni Julie.
