January 17,2020 bago pa mag alas kuwatro ng umaga nasa airport na si Julie, as usual nauna siyang dumating bago ang flight nila at 5:30am.
Magkatabi ang upoan nina Barbie Julie at Kyline. Tulog na tulog si Kyline habang nag uusap ng pabulong sina Julie at Barbie.
"Anunaaa Chulie? Ewan ko ha, hanggang ngayon iba pa rin ang kislap ng mga mata at ngiti mo. May sekreto ka bang bedmate?"
"Gaga! Bedmate ka diyan! Nag ano na kayo ni Jak noh?!"
"Sobrang blooming mo kasi, alam mo yun para kang nadidiligan araw-araw. Hahaha Wala, walang chance alam mo naman sina parentals bantay dito, bantay doon pano mag dou?"
"Ugh! Barang words."
"Ay sorry naman sa virgin ears mo. But you look like one talaga. Okay, inlove ka ba now?"
"Inlove? Kanino naman? Hahaha"
"Gaga to!" sabay batok kay Julie.
"Aray naman! Hahaha"
"Tinatanong kita gaga, wag tanong din isagot mo sakin. Kaloka to."
"Galit kana ba niyan Barang? Hahaha"
"Isa nalang Chulie.. Sige na kasi, spill!"
"Sige na nga, promise me it's between the two of us lang ha. Tulog ba talaga si Kyky?"
"Mahimbing na mahimbing, tingnan mo nakanganga pa oh. Hahaha"
"Okay, promise me wag kang sumigaw...alam ko na kasi ang magiging reaction mo kaya uunahan na kita. Wag kang sumigaw baka ihagis tayo sa ire ng flight stewards. Hahaha"
"Kainis to, pabitin!"
"Okay... Hmmmn... I Had lunch with Elmo yesterday."
"What?!!!!" bago pa umalingawngaw ang boses ni Barbie natakpan na kaagad ni Julie ang unganga niya.
"Uhmmn ang ingay niyo mga ateng ha." sabi ni Kyline na nakapikit pa ang mga mata. Nagising ito sandali para mag iba ng pwesto, tumalikod ito sa kanilang dalawa.
"Barang naman, ang boses. Muntik na tayo dun."
"Eh gaga ka! Sino ba naman kasing hindi magugulat si Elmo Magalona ang ka lunch date mo kahapon, gaga ka ang landi mo!"
"Landi kaagad? Tanong muna kaya.. I had lunch with him kasama mama niya at mga producers ng UR. Ikaw makareact ka naman..but we had a lilttle chitchat naman. Ewan ko Barang."
"Oh my God! Inlove ka pa kay Magalona Chulie Eyn!"
"Ha? Sinong Magalona?" biglang nagising si Kyline.
Nagkatitigan naman ang dalawa.
"Matulog ka na lang Kyky, kung ano-ano na naririnig mo."
At dahil inaantok pa pinikit uli ang mata at nakatulog nang mahimbing. At nagpatuloy sa pagbubulongan ang mag bff.
"Ewan ko pero nagugulohan ako eh. Pero parang nga, parang mahal ko pa nga talaga. Ang labo, nainlove uli ako agad-agad sa kanya, first time pa lang uli na nagkita kami after 5 years."
"Gaga! Alam mo matalino ka naman pero medyo tanga ka banda sa pag-ibig..sa SSS kaya matalino ka? Hahaha kidding aside, alam mo feeling ko hindi nawala ang love mo sa kanya eh, feeling mo lang kasi yung inlove ka dun sa bungong demonyo... Kaya ayan matic na tumibok agad puso mo sa totoong nag mamay-ari ng puso mo? Akala mo naman kasi effort na effort halimaw na bungo sayo, nag pa linlang ka naman sa maling akala mo. Si Elmo talaga ang mahal mo, confirmed! Hanggang ngayon mahal mo pa nga."
