Never-ending 1.3

651 17 0
                                    

Sa kasalukuyan, ilang linggo na rin na pabalik-balik ang binata sa bahay ng mga San Jose.

Habang hinihintay na bumaba ang nobya, kausap ni Elmo ang ama ng dalaga.

"Buti na lang talaga nawala na si covid noh, kung hindi hanggang ngayon, hanggang cyber date nalang kayong dalawa. Hahaha"

"Oo nga tito eh. At thank you po pala, pumayag kayong maging kami uli ni Julie."

"Oo naman, ang bata niyo pa kasi noon kaya bigyan natin ng chance, tingnan natin kung hanggang san kayo ngayong 26 na kayo. Sana nag matured na kayo. Seryoso na ba kayo Elmo? Lalo na ikaw, ikaw ang lalaki? Ano bang plano mo?"

Pinagpawisan naman agad si Elmo dahil sa tanong ng ama ng dalaga.

Bigla niyang naalala ang unang pagkakataon ng muling pagkikita nila ng ama ng kasintahan matapos ang ilang taon din na hindi sila nagkamustahan man lang.

Last September 8, 2020 nang araw din na iyon naging official silang magkasintahan, sa birthday ng Mama ni Julie.

Two weeks before ng birthday niya noong April nagsimula siyang magparamdam uli sa dalaga, hanggang inaaraw-araw niya na itong binibwisit kung si Julie pa, hanggang niligawan niya na ito.

At nang dineclare na sa buong mundo na free na ng covid-19 ang sanlibutan September 8, 2020... wala siyang ibang pinuntahan kundi ang bahay agad nila ni Julie, pagkatapos niyang magpagupit sa salon ng mahaba niyang buhok.
Kinailangan niya pang gumamit ng waze para makarating ito sa bahay ng mga San Jose. Gusto niyang sorpresahin ang dalaga kaya hindi siya nagtanong ng exact location ng bagong bahay nila. Ang common friend nila ni Julie na si Barbie Forteza ang tinawagan niya, dahil kahit naka waze na wala siyang tiwala dito kaya tinawagan niya ang bestfriend ni Julie. Hindi naman naging madali ang pagkuha niya ng address ng dalaga sa bestfriend nito, ininterrogate pa siya nito at nakailang pakiusap pa siya bago binigay sa kanya ang address ng tahanan ng dalaga.

Pagdating naman sa guardhouse ng village, hinold muna siya dahil wala ang pangalan niya sa guest list ng mga San Jose. Tumawag pa muna ang head guard sa bahay ng mga San Jose at buti na lang ang ama ni Julie ang nakausap ng guard kaya hindi na nasira ang pag sorpresa niya sa dalaga. Kinausap siya muna ng ama ni Julie kung siya nga ba si Elmo Magalona. Dahil hindi ito makapaniwala na si Elmo ang bisita ng anak niya. At nang nakausap niya ang binata napatunayan na si Elmo nga kaya binigyan niya ito ng permiso, binigyan niya ng instruction ang guard na sa clubhouse ito papuntahin instead na sa bahay nila. Wala naman kamalay-malay si Elmo na sa clubhouse ng village pala ang daan na tinatahak niya.

Gusto muna siyang solohin ng ama ni Julie  dahil wala naman kinukuwento ang anak niya. Pero lahat sila sa bahay nahalata ang ibang kasiglahan at kasiyahan ng panganay nila at parang natutulog na ng maayos ang anak dahil bago mag alas nuwebe gising na ito, di tulad ng nakaraan na halos mag alas dose na ng tanghali tulog pa ito.

Pagpark ng ama ni Julie sa clubhouse, kakababa lang ni Elmo sa audi niya.

'Ganda talaga ng taste ng batang to sa kotse, kahit sa babae, binalikan talaga ang anak ko ha.' napangiti naman siya sa naisip.

Nagtataka naman si Elmo bakit sa clubhouse ng village siya pinapunta? Dahil sa ama ni Julie galing ang instruction, hinintay niya na lang ito.

Hawak-hawak ang susi niya habang nakahangad sa building ng clubhouse nang may tumapik sa balikat niya, kinabahan siya bigla at paglingon niya ang nakangiting ama ni Julie ang nakita niya. Dahil kahit papano naging close siya dito, di niya napigilan ang sarili na yakapin ang ama ni Julie. Ganun din ang ginawa ng ama ni Julie.

"Welcome back son."

Halos dalawang oras silang nagkape at nag usap, sinisigurado na ngayon ng ama ni Julie na kung magkabalikan man ang dalawa, sa simbahan na ang tuloy ng mga ito. Ayaw na niyang makita ang anak na umiiyak, at maling tao nanaman ang iniiyakan kaya kung kailangan na makialam na siya gagawin niya, 26 na si Julie at matatanda na rin silang asawa, kailangan niyang siguraduhin na sa mabuting lalaki mapunta ang panganay niya.

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon