Halos buong linggo walang ibang topic sa twitter at laging nasa news sa tv ang nangyaring reunion ng Julielmo. Mas pinag usapan ang concert ni Elmo, mas marami na ang naniniwala na si Julie ang special guest pero sa bawat interview niya, wala siyang kinukumpirma... Pati rin si Julie, palaging ina ambush na ng interview, at consistent ang sagot nito, "i'm very happy for him. Sana...hopefully we can work for a collab, andami na rin ng naghihintay. So sana pumayag, ako anytime, game ako... So Elmo, anunaa? Hahaha"
Fifteen days na pabalik, balik ng MOA si Elmo para sa rehearsal niya... Minsan sinasamahan siya ni Julie pag wala itong trabaho at minsan bigla na lang ito sumusulpot para dalawin siya at dalhan siya ng pagkain at ng mga kasama niya na nag e ensayo. At apat na araw din silang magkasama straight na nagrehearse sa MOA ng production nila.December 18, 2020 the long wait is over...
Supposed to be her schedule was free today for Elmo's concert but she has no choice dahil sa nalalapit na ang holiday season puno ang schedule ng international clothing brand na e endorse niya, kaya nasa photoshoot siya buong araw...Hindi naman mapakali si Elmo... Hindi niya alam ang nararamdan, mix emotions ... kabado, saya at takot na baka hindi niya maibigay ang ini expect ng audience sa kanya mamaya. At anong oras na wala pa rin ang kasintahan dahil nga nasa photoshoot ito. Alas otso ng gabi mag start ang concert niya, 6:30 na ng gabi wala pa rin ang kasintahan. Tinatawagan niya, pero hindi ito sumasagot, tinext niya si Rhoy, at sinabi nitong on going pa ang shoot. Naglakad-lakad siya sa loob ng kwarto niya sa Hyatt Regency Manila City of Dreams.
Bago mag alas siyete natapos din ang photoshoot ni Julie. Pag check niya ng cellphone niya umabot ng 110 missed calls at 50 plus ang text galing din sa kasintahan, nag aalala siya baka kung ano nangyari dito bakit ganun kadami, alam naman nitong nasa photoshoot siya.
"Hello Elmo? Love, are you okay?"
"Love! God i miss you." ramdam niya kung gaano ka tense ang kasintahan.
"Love i'm just eight hours na nawala sa paningin mo. Please calm down. We'll try to be there bago mag start."
"Please love, i need you here please."
"Of course love, special guest ako eh. Hahaha try to relax okay. Nasa hotel ka pa ba?"
"Yeah... But in thirty minutes we'll go in MOA na, mom and everyone is here. Pancho was looking for you nga pala love... Langyang bata, aagawan pa yata ako?"
"Hahaha gwapong bata. Love try to check sa fridge, get some wine, it will help you relax... Just take two or three shots, to calm you.. Okay? Please calm down.. I'll see you in few minutes. I love you."
"Please i really need you to be here with me. Please. I'm not going to start it if you're not around... I need you."
Napahugot ng malalim na hininga si Julie.
'Bakit ngayon pa sobrang traffic?! Lord, Elmo needs me right now, ngayon lang please.. I need to be in MOA before eight at passed seven na. God!'
" Love, please everything will be okay, chill."
"Okay love.. I'll wait for you ha, see you. E pray over daw muna nila ako. Hahaha. I love you."
"I'm the proudest girlfriend ever in the whole wide world! I love you Elmo" sabi pa niya bago tinapos ang pag uusap nila ng nobyo.
"Hindi mapakali noh? Hahaha grabe talaga si papi... Tinawagan ako ng halos twenty-five times, kaloka! Iba talaga ang tama nun sayo noh. Well, pareho naman kayong swerte sa isa't-isa eh." sabi pa ni Rhoy na halatang masaya din para sa kaibigan.