Kinabukasan mag aalas onse ng umaga nagising si Julie, si Elmo tulog pa rin.
Dahil alam niya ang ugali ni Elmo, tulog is lifer dito at dahil nga anong oras na din itong natulog kagabi, plus lasing na lasing ito.
Kaya pagbangon niya, lumabas siya ng veranda at umupo sa harap ng maliit na mesa doon nagbrowse kung anong pagkain ang orderin para sa binata na mainam sa hangover nito, dahil kung hindi niya gagawin ito sure siyang mamayang alas kuwatro ng hapon o sa gabi pa ito makakakain. Nag aalala siya sa kalusogan nito, kung pwede lang na puntahan ito ginawa na niya. Wala pa mang linaw ang lahat sa kanila, hindi pa sila nakapag usap ng masinsinan gusto pa rin niyang tulungan ito, may pinagsamahan din naman sila kahit papano. And if it's God's will na magkabalikan sila at somehow alam niyang may malaking lugar pa rin sa puso niya ang binata.
Nag order siya ng ramen, paborito ito ng binata at mainam ito sa may hangover kailangan ng mainit na sabaw ang tiyan nito, pinaresan niya ng savory shrimp, broccoli beef at asian grilled chicken. Pati rice dinamihan na rin niya, steamed white rice at fried rice na ang inorder niya para makakain ito ng maayos, feeling niya puro canned goods at noodles lang kinakain nito. Pinadeliver niya ito around one in the afternoon para maobliga itong gumising.For the first time bago mag alas dose ng tanghali gising na si Elmo at for the first time din matapos ang halos isang buwan nakatikim din siya ng kape uli. And for the first time din ngumiti siya. Napangiti siya ng maalala niya ang nangyari bago siya nakatulog kagabi, alam niyang lasing siya pero hindi pa rin maalis sa isip niya na totoo ang nangyari kagabi, nakausap niya si Julie. Kaya ngayon nag iisip na siyang linisin ang unit niya, first time din uli na gagawin niya ito.
'Ugh. Everything feels right. .. I'd better fix what i have to fix, Julie is waiting man.' napailing siya at ngumiti uli. Pumunta ng kusina naghanap ng isang garbage bag, bumalik ng living room at pinulot ang mga nakakalat sa sahig. Sa dami ng bubog ng bote buti nalang hindi nagkasugat ang talampakan niya.
Matapos ang halos isang oras, malinis na ang living room niya. Nakaramdam na siya ng gutom kaya dali-dali siyang pumunta ng banyo at naligo.
Pagkatapos ng ilang minuto nakaboxers siyang lumabas ng banyo at gamit ang tuwalya na nagpupunas ng buhok niya nang may narinig siyang tunog ng buzzer.
Lumabas siya ng kwarto niya, sumilip sa pephole, binuksan ang pintuan na may pagtataka."Good afternoon po sir. Food Panda delivery for Mr. Elmo Magalona."
"Ha? But i never--"
"Hindi ko po alam kung kanino po galing, initials lang po nakalagay eh. J. SJ po."
"Oh... Thanks pare. Just in time. Gutom na ako. Thanks. Oh wait, i'll get a tip for you." bumalik muna siya sa kwarto at kumuha ng two hundred pesos para sa delivery boy. Matapos magpasalamat, umalis na kaagad ito.
'Julie oh Julie, here we go again... Thank you Lord! I really pray, You' ll gonna give her back to me. Promise, i'll be a better man. I will not give her any reason to leave again. Please give us this chance. I'll fix everything that needed to be fix. I really want ours to last this time, Lord please naman oh. Give me a chance to be with Julie again.' panalangin ni Elmo habang nilalantakan niya ang pagkain na pinadeliver ni Julie.
Matapos niyang kumain kinuha niya ang cellphone, napahugot siya ng malalim na hininga ng makitang drain bat na ito, hinanap niya ang isap pa niyang cellphone ngunit drain bat pa rin ito.
"What a joke?!" hinanap ang charger at dinala sa living ro at doon siya nagcharge. Gusto niya sanang tawagan si Julie.
Naalala niya bigla na hindi pa siya nakapaglinis ng kwarto, kaya pumasok siya uli ng kwarto. Tinangal ang bedsheets at mga pillow case. Matapos ang kalahating oras napalitan na niya ang bedsheets at pillow cases, pati sahig makinang na.'Oh Julie, you still have this unexplainable effect on me. God, i miss her.'
Humiga ng kama niya, at hindi niya namalayan na nakatulog na sya.
