Written In The Stars (1.2)

989 19 0
                                    

Matapos ang mga nangyari sa pagitan ni Ben at Julie naging madalang na ang pagkikita nila. Naging madalas naman ang pagtext at tawag ni Elmo sa kanya, hindi naman nila napag usapan ang tungkol sa kanila, naging kontento na lang basta makapag usap sila halos araw-araw.

Sinubukan niyang intindihin ang kasintahan ngunit naramdaman na niya malamig na pagtrato nito sa kanya.

Hanggang isang araw nabalitaan na lang niya na namatay ang papa ni Ben. Nang nalaman niya ito tinawagan niya ang kasintahan ngunit hindi nito sinasagot ang mga tawag niya. Kaya nag desisyon siyang puntahan ito sa condo.

Papunta na siya sa unit  ng kasintahan nang may nakasalubong siyang babae na kakalabas lang sa unit nito.

Kumatok siya sa pinto. Naka apat na katok siya bago nito binuksan ang pinto.

"Babe, I'm sorry for your loss."

"What are you doing here?"

"Ben, girlfriend mo ako---"

"Handa ka na bang gampanan ang pagka girlfriend mo?! Halika dito!"

Hinablot siya nito papasok sa unit niya.

"Ben ano ba! I came here para damayan ka!" itinulak niya ito.

"Eh di umalis ka na! Wala ka namang silbi eh! Nakita mo yung magandang babae nakasalubong mo? Siya lang naman ang babaeng pumupuno ng mga pagkukulang mo! If you want to break up with me, go ahead! i don't care!" hindi na napigilan ni Julie ang lahat na galit na tinatago, sinampal niya ang binata.

" How dare  you! Magmula ngayon ayoko nang makita ang pagmumukha mo! Wala kang kasing sama! Nagsisisi akong naging boyfriend at nakilala kita!"

" FYI sobra din ang pagsisisi ko na niligawan pa kita, sinayang mo lang ang oras ko, wala akong napala sayo!"

" Ikaw ang pinaka walang kwentang lalaking nakilala ko!"

" Anong sinabi mo?! Ikaw ang walang kwenta! Simpleng sex lang hindi mo pa maibigay!"

Habang nasisigawan sina Ben at Julie, siya namang paglabas ni Elmo sa elevator. Napatigil siya ng marinig ang pamilyar na boses na nakipagsigawan at umiiyak, hindi siya sure kung kilala nga ba niya ang babae dahil nakatalikod ito. Hanggang lumabas ang lalaki.

'Shit! It's Julie!'

"Napaka wala mong kwenta kung yan lang ang basehan mo sa relasyon! Ni hindi mo kayang respetohin ang mga magulang ko! Walang modo! Walang hiya ka!"

"They don't deserve any of my respect, dahil alam kong ayaw nila sa akin!"

"Oo ayaw nila sayo at nang mga kaibigan ko dahil sa bulok mong ugali!"

Ayaw ni Elmo na makialam, dahil wala namang siyang karapatan panghimasok sa buhay ni Julie. Nasa building siya ng condo ni Ben para puntahan ang high school friend niya.

Akma na sana siyang aalis pero nakita niya ang pagdapo ng kamay ni Ben sa pisngi ni Julie. Nagpupuyos siya sa galit dahil sa nakita kaya tumakbo siyang inatake ng suntok ang mukha ni Ben.

"Your asshole Benjamin Alves!!!"

Tinamaan sa baba si Ben, at nang makarecover ito sa lakas  na suntok ni Elmo nagpalitan na sila ng suntok, ilang beses na tinamaan ni Elmo si Ben at dalawang beses namang tinamaan si Elmo. Putok ang labi ni Ben at may konting cut din sa lips si Elmo. Nagsisigaw na si Julie at nataranta nang nakita niyang dumugo ang labi ni Elmo.

"Elmo, Elmo! Tama na please tama na."

Niyakap niya sa likod si Elmo para pigilin ito.

"Fuck You Magalona!"

JuliElmo Short StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon