"Nikki? Nikki? Honey?"
Ang nagpagising ng aking lumulutang na diwa. Kasabay nito ang mga katok ni Mommy sa pinto ng aking kuwarto.
"Mom?"
Ang sagot ko after I cleared my throat para hindi nito mahalata ang boses ko, ang boses ng umiiyak.
"Anak, it's almost time for dinner. Hindi ka na nag-lunch, come on..."
Lalo pang umagos ang luha sa aking mga mata.
'I've got the best Mom.' sabi ko sarili.
Naiintindihan nito ang pinagdadaanan ko at kailanman ay hindi nito pinaramdam na may mali sa akin o kung nagkamali man ako ng minahal.
"Will do, Mom... I just need to do something."
Sagot ko.
"Okay. Hurry up..."
Ilang sandali ang aking pinalipas para makasiguro na wala na si Mommy sa labas ng aking kuwarto. Saka ako lumabas ng pinto at dumiretso sa labas ng bahay ng walang nakakakita.
Hindi ko ramdam ang lamig ng simoy ng hangin kahit pa mabilis na nabasa ang buo kong katawan dahil sa lakas ng ulan.
Matagal rin akong di nakapaligo sa ulan. Huling beses ay nasa grade school pa ako na pagkatapos ay sinipon, inubo, at nilagnat ako ng sobra. Sigurado ako na hindi na muling mangyayari iyon dahil nasa college naman na ako ngayon at hindi na rin bata.
Ii-iyak ko na lahat. Habang nasa ulan at wala nitong makakakita, walang makakapansin. Katulad ng isang kanta ayoko ring makita ng iba kung gaano ako nasasaktan - lalo na kung si Migs.
I'll never let you see
The way my broken heart is hurting me
I've got my pride and I know how to hide
All my sorrow and pain
I'll do my crying in the rain...Hindi ko alam kung bakit ang mga luha ko ay parang ulan, tuloy-tuloy ang pagbuhos at tila hindi nauubos.
"Maubos ka na please! Ang sakit sakit na!"
Sabi ko sa sarili.
Hindi lang mga mata at puso ang masakit, pati kaluluwa.
Hindi ko pansin ang pag-upo at pagsandal ko sa gate ng bahay. Para akong sanggol na nakatiklop at yakap-yakap ang aking mga tuhod at binti.
Maya-maya pa'y nagsimula na akong manginig sa lamig. Patuloy sa pag-iyak ay hindi ko namalayan ang paulit-ulit kong pagtawag kay Mommy.
"Mom, help... Help me... Mom..."
Totoo siguro talaga ang Mother's instinct dahil in an instant ay nasa tabi ko na si Mommy to my rescue. Mabilis na dinala ako nito sa loob ng bahay. Niyakap ko ito ng mahigpit at hindi ko na napigil ang muling pag-agos ng aking mga luha.
"Kakayanin mo yan, anak. Darating ang araw na maaalala mo itong araw na ito at mangingiti ka na lang. Kung kailangan mong umiyak, umiyak ka. But remember, walang nangyayari sa pag iyak. If you need help, Mom is always here for you."
Bulong ng Mommy habang yakap din ako nito ng mahigpit.
Sana dumating agad yung araw na iyon. Yung araw na masasabi o makakanta ko na ang part na ito ng kantang ito.
Someday when my crying stops
I'm gonna wear a smile and walk in the sun
I may be a fool but till then darling you'll never see me complain
I'll do my crying in the rain...Ngunit ngayon sa tingin ko ay malayong-malayo pa bago ako dumating sa puntong iyon.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...