Chapter 32 - Stay

99 2 5
                                    

Migs, stay!

Isang kakaibang panaginip ang aking namalas habang hindi ko namalayan ang pagkakaidlip ko sa balikat ni Kurt.

Kakatwa ang panaginip na iyon dahil doon ay si Kurt ang tinatawag kong Migs. Naglalakad ito palayo sa akin at tila nagpapaalam at hindi na kailanman magbabalik pa kaya't pinipigilan ko itong umalis.

Napatingin ako agad kay Kurt. Nang sandaling makita ko ito ay agad na napawi ang pag-aalala ko na naramdaman mula sa panaginip na iyon. Buong akala ko ay totoong nagpaalam na ito sa akin.

Nakatitig lamang si Kurt sa akin at naroon muli ang mga hapdi sa mga mata nito na katulad ng nakita ko dito noong umaga sa resort.

Nararamdaman ko na narinig nito ang sinabi ko at alam ko na inaakala nito na tungkol kay Migs ang panaginip ko.

"Sorry, I fell asleep."

Paliwanag ko dito. Hindi ito sumagot at umiwas na lamang ng tingin. Dahil magkalapit kami nito ay ramdam ko na bahagyang nanginginig ang katawan nito na tila nagpipigil.

"Uhm, Kurt..."

Gusto kong tanungin kung may nararamdaman itong masama o kung may problema ba ito na nais ibahagi ngunit hindi ko na ito natuloy dahil agad itong naghanda nang makarating na kami sa port.

Habang patungo kami sa aming mga sasakyan ay hindi ko na napigilan ang tanungin ito.

"Hey, are you okay? Simula nang dumating ka sa resort, you have that look on your face."

Napahinto ito sandali bago sumagot.

"Can we talk?"

Tanong nito.

Noon din ay bumilis ang tibok ng aking puso sa kaba. Hindi ko alam kung bakit sa tono ng pagkakatanong nito ay sumasakit ang dibdib ko.

"O-Okay."

Nauutal kong pagsang-ayon.

Kinuha ni Kurt ang aking kamay at dinala ako nito sa malapit na breakwater at doon kami naupo. Mabuti na lamang at medyo makulilim ang panahon kaya't hindi gaanong maalinsangan.

Muli kaming natahimik habang parehong nakatanaw sa lawak ng karagatan.

"Do you know where I first saw you?"

Hindi ko inaasahang tanong nito habang nakatingin pa rin sa malayo.

Napaisip ako sandali. Hinalungkat ko ang mga alaala ko tungkol kay Kurt at saka sumagot.

"Sa favorite spot ko sa school yard? You were behind the tree? Tapos 'tinaas mo yung headphones ko para lang makapagpakilala?"

Pabirong sagot ko na hindi nakuhang tawanan o kahit man lang ngitian ni Kurt.

"Freshmen enrollment..."

Panimula nito.

Muli akong napaisip, ngayon ay sa malalim na parte na ng aking memorya ako naghalungkat. Ngunit wala, wala akong maalala.

"...you we're in line at Window 6."

Tumalon ang puso ko na malaman na pati window number kung saan ako nakapila ay naaalala nito.

'Ganon ba ako ka-snob o ka-aloof noon? Bakit hindi ko maalala si Kurt?' pakiwari ko.

"Do you still remember who's in front of you?"

'How would I know? Ang daming tao noon.' sabi ko sa sarili.

"Sabagay, why would you even remember someone na hiniraman mo lang ng pen?"

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon