Chapter 24 - It's Gonna Make Sense

50 2 2
                                    

"Hello? Nikki? Are you still there?"

Sambit ng boses sa kabilang linya ng telepono.

Hindi pa rin ako makapagsalita at makasagot dito. Gusto kong makasiguro na tama ang iniisip ko sa kung kanino ang boses na iyon.

"Nikki please? Can we talk?"

Muling tanong nito.

"Who's this?"

Pagkumpirma ko habang pabilis ng pabilis ang tibok ng aking puso.

'Don't say you're Migs! Don't say you're Migs!' paulit-ulit na pagkakaila ko.

"It's M-Migs..."

Muntik ko nang mabitiwan ang aking phone nang marinig ko ang sagot ng kausap ko sa kabilang linya. Hindi ito matanggap ng isip ko. Namawis ang aking mga kamay at parang may bumara sa aking lalamunan at hindi ako makapagsalita.

"Are you with Kurt?"

Dagdag nito.

Napatingin ako kay Kurt. Maligalig ang mukha nito habang nagmamaneho. Pawang may palagay ito sa kung sino ang aking kausap sa kabilang linya.

Huminga ako ng malalim at kumuha ng lakas ng loob.

"Yes, what do you want?"

Matigas na sagot ko dito.

"Let's talk, please?"

"What about?"

"About us..."

Tumaas ang aking kilay at sumakit ang aking dibdib sa galit. Gusto ko itong sigawan. Gusto ko itong awayin.

'Pagkatapos mo akong ipagpalit sa iba ngayon ay sasabihin mong 'us'?!' gusto kong isigaw dito.

"There's no more us."

Malamig na sagot ko.

"Please?"

Pakiusap nito.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong nagkaroon ng kagustuhan na pumayag na kausapin ito. Biglang nais kong alamin kung bakit nito nagawang iwan ako. Kung bakit ginawa nitong saktan ako sa kabila ng matagal naming pinagsamahan. Kahit na alam kong masakit ay nais ko pa rin itong malaman.

"Okay, 5 minutes."

"Can we talk in person, please?"

'Ayoko' ang mabilis na pumasok sa aking isipan. Hindi pa ako handa para makitang muli ang lalaking dumurog ng aking puso. Hindi ko pa kayang makaharap itong muli pagkatapos ng mga nangyari sa amin. Ngunit sa kabilang banda ay mayroong parte ng puso ko na nananabik na makita itong muli.

"I'll pick you up after your classes?"

Napahinga ako ng malalim. Napayuko at pinatong ang ulo ko sa kabila kong kamay. Gusto kong i-untog ang ulo ko sa salamin ng sasakyan. Litong-lito ako sa mga nangyayari.

"I-I'll see you later, Bey-Nikki..."

Nauutal na sambit nito saka ibinaba ang telepono.

Napapikit na lamang ako habang nakayuko. Parang gusto kong masuka na hindi ko alam kung dahil sa biyahe o dahil ba sa kaba.

"Are you okay?"

Tanong ni Kurt na dumadagdag pa sa pagkalito ko.

Hindi ko ito sinagot. Ayoko nang mag-isip. I'm going crazy.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon