Chapter 17 - First Time

76 4 5
                                    

Habang yakap ako ni Kurt ay nararamdaman ko kung gaano ito nasasaktan. Bukod pa rito ay ramdam ko ang pagmamahal nito sa babaeng tinutukoy ni Trixie. Dahil dito ay hindi ko maiwasang isipin ang babaeng iyon.

'Maganda kaya talaga siya? Sabi ni Trixie ang sabi daw ni Kurt pretty siya. Mas maganda kaya siya kaysa sa akin? And she makes him laugh, huh? Mas napapatawa ko kaya si Kurt!' sa isip-isip ko.

Then I realized, bakit ganoon ako mag-isip. Dapat nga ay masaya ako para sa best friend ko dahil finally may love life na ito. Subalit habang pinipilit kong tanggalin ang mga naglalaro sa isipan ko kasabay nito ay ang unti-unti namang pagkirot ng puso ko. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang nararamdaman ko. Ayoko mang aminin, ang kirot na iyon ay ang kirot ng pagseselos.

Marahil ay dahilan ito ng friendship namin ni Kurt. Marahil ay nasanay ako na ako lang ang 'girl friend' ni Kurt. For the longest time ako lang ang babae sa buhay nito.

"Are you going to tell me what happened?"

Tanong ko habang tinatanggal ang pagkakayakap namin ni Kurt subalit lalong humigpit ang yakap nito sa akin.

Nang mga sandaling iyon ay napapikit na lamang ako at niyakap ko na rin ng mahigpit si Kurt. Hindi ko malaman ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon. Para akong nanlalambot sa yakap ni Kurt at ang alam ko lang ay ayokong matapos ang mga sandaling iyon.

Halos sampung minutong nakayakap lang kami sa isa't-isa ni Kurt hanggang sa tinanggal na nito ang higpit ng kapit nito at nagsimula itong haplusin ang mga buhok ko. Ilang sandali pa ay inaayos na nito ang buhok ko at inilalagay ito sa likod ng aking mga tenga. Ayokong bigyan ito ng malisya kaya't sinubukan kong tanungin muli ito tungkol sa kalagayan nito.

"So, are you going to introduce me to your girl friend?"

Hindi ito sumagot at saka ko naramdaman ang paglalapit nito ng kaniyang kaliwang pisngi sa aking pisngi na halos dumampi na ang mga labi nito sa aking balat. Unti-unti na akong kinabahan kasabay ng unti-unti ring pagbilis ng tibok ng aking puso.

Maya-maya ay kumalas na ito sa pagkakayakap kaya't tinanggal ko na rin ang pagkakayakap ko dito. Tinitigan nito ang aking mukha na pawang may kislap at hapdi sa mga mata nito at saka hinawak ng dalawang kamay nito ang aking mukha.

Lalong bumilis ang tibok ng aking puso nang dahan-dahan nito inilalapit ang mukha nito sa akin. Hindi ko alam ang gagawin at para bang ayaw rin naman gumalaw ng anu mang parte ng aking katawan mula sa aking kinauupuan.

Habang nakatitig ito sa aking mga mata ay marahan nitong itinapat ang mga labi nito malapit sa aking mga labi. Dahil sa hindi ako kumilos ay tuluyan nitong inilapat ang mga labi nito sa akin at saka nagsimulang halikan ako nito. I don't know what came over me dahil sa malalambot na labi ni Kurt ay napapikit na lamang ako at unti-unti na akong tumugon sa mga halik nito.

Hindi ko alam ang nararamdaman ko ng mga sandaling iyon, parang kinukuryente ang buo kong katawan katulad na katulad ng sa kantang 'First time' ni Robin Beck.

First time first love oh what feeling is this
Electricity flows with the very first kiss
Like a break in the clouds and the first ray of sun
I can feel it inside something new has begun
And it's taking control of my body and mind
It begins when I heard I love you
For the very first time...

Parang hindi na matatapos ang mga sandaling iyon. Hindi ko din alam kung bakit ayoko rin itong matapos.

"I love you..."

Sambit ni Kurt habang patuloy nito akong hinahalikan. Napahinto ako sa sinabi nito saka napalayo dito. I realized na mali ang ginagawa namin. Mag best friends kami at best friend niya ang Ex-boyfriend kong si Migs.

"I need to go..."

Paalam ko dito habang umiiwas ng tingin dahil sa hiya.

Muling nag-iba ang mukha ni Kurt. Para itong pinagbagsakan ng langit at lupa.

"Why? Is it because of Brad?"

Tanong nito na may halong pangungutya.

"What?!"

Gulat na sagot ko at saka ako tumayo at tumungo palabas ng pinto ng kuwarto.

"Kayo na ba?!"

Pasigaw na tanong ni Kurt.

"No! Is that what you want to hear?!"

Pagalit na rin na sagot ko.

"Then why Nikki?! Make me understand! It wasn't just me kissing there, was I?!"

Pagsusumamo nito.

"We're best friends, Kurt!"

Sagot ko.

"Bullshit!"

Hiyaw nito saka binato ang unan sa sahig.

"And you're best friends with Migs!"

Pagpapaliwanag ko habang lumalapit ito papunta sa kinatatayuan ko.

"Siya pa rin ba ha, Nikki?!"

Tanong nito na hindi ko masagot dahil hindi ko rin alam ang sagot dito.

Biglang hinawak ako nito sa magkabilang balikat at saka ako nito yinugyog ng paulit-ulit.

"Wake up Nikki! Pinagpalit ka na ni Migs sa iba! Hindi ka na niya babalikan! Huwag ka nang umasa!"

Hindi ko alam kung nasaktan ako dahil sa mga sinabi nito o nasaktan ako dahil totoo ang mga sinabi nito.

"I hate you!"

Sigaw ko saka ko ito sinampal at lumabas ng kuwarto.

Nabigla ako sa ginawa ko kay Kurt sa kabilang banda ay pakiramdam ko ay tama lang ang ginawa ko.

Iniwan ko si Kurt sa loob ng kuwarto na nakayuko at hawak ang pisngi nito. Paglabas ko ng kuwarto ay biglang lumuha ang aking mga mata ngunit agad ay pinunas ko ito. Hindi ko alam kung naluha ako dahil sa pagsampal ko kay Kurt o dahil hindi ako hinabol nito.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon