Pinagbuksan ako ng pinto ng sasakyan ni Migs. Parang katulad lang kami ng dati.
Sa parking spot na ito gusto palaging nagpapark ni Migs dahil maluwag daw ito kumpara sa ibang spots. At dahil sa maluwag ito ay mapagbubuksan daw ako nito ng pinto ng sasakyan na gusto nitong palaging ginagawa.
Dahil dito ay lalong nanariwa ang mga alaala namin noon ni Migs. Ang sakit sa dibdib habang nanunumbalik ang mga pangyayari sa amin noon.
"And I'm Miguel Sandro Tan. Nice to meet you Nikki Bernadeth Aragon!"
Sambit ng isang lalaking noon ko pa lamang nakita sa campus.
Matangkad din ito, kasing tangkad ng lalaking katabi nito na si Kurt. Maputi rin ito ngunit mas maputi si Kurt dito ng kaunti. Matangos ang ilong at mas matipuno ang pangangatawan nito kaysa kay Kurt. Masarap ang mga ngiti nito na sinamahan pa ng mga dimples nito sa pisngi.
"Just Nikki."
Pagtatama ko dito.
Hindi ko alam ngunit may naramdaman akong saya nang magpakilala ito. Ibang-iba sa naramdaman ko noong si Kurt ang nagpapakilala.
"Just Migs. You want to join us? Dinner?"
Kaakit-akit na paanyaya nito kaya naman ay napapayag akong sumama dito na mag dinner.
Ginamit namin ang sasakyan ni Migs papunta sa isang fast food chain na malapit lamang sa campus. Pinaupo ako ng mga ito sa passenger seat.
Habang tahimik na nasa likod si Kurt ay madali naman kaming nagkagaanan ng loob ni Migs. Nagtaka ako kung bakit biglang natigil sa pangungulit sa akin si Kurt.
"Bro, are you okay?"
Tanong ni Migs na mukhang napansin din ang pagiging tahimik nito.
"Don't mind me, gutom lang ako."
Paiwas na sagot nito saka komportableng nahiga sa likod na upuan ng sasakyan.
Nagkatinginan kami ni Migs at saka ito kumindat at ngumiti na pawang nagsasabi na huwag ko na lamang pansinin si Kurt and at the same time pawang nagpapacute na rin ito sa akin.
Sinagot ko lamang ito ng maliit na ngiti at tingin na nagsasabing 'Don't worry, I'm okay.'
Madali kaming nagkapalagayan ng mga loob dahil sa may mga pagkakatulad kami ng mga hilig. Katulad na lamang ng hilig namin ni Kurt sa musika. Iyon ang bonding naming dalawa. Samantalang pareho naman kami ni Migs na outgoing kaya't palagi kaming wala sa bahay at kung saan-saan nakakapunta. At ang bonding naman naming tatlo ay kumain sa labas.
Iyon ang nagbigay daan para maging matatalik kaming magkakaibigan nina Migs at Kurt.
Facebook Chat with Kurt/Migs
Nikki: hey guys can I have a ride tomorrow? i've got car problem :(
Migs: oh no, i don't have classes tomorrow and i have an important appointment :(
Kurt: lakad ka nalang :P
Nikki: i hate you kurt >:(
Migs: kurt...
Kurt: jk :P
Nikki: sige, i'll ask mom nalang :(
Kurt: emote ang bata :P
Migs: bro, can you pick her up?
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...