Muling natahimik kami ni Kurt.
Ilang sandali pa ay unti-unti na itong bumitaw sa pagkakahawak sa aking kamay.
Dahil sa nasisilaw ako sa nakatutok na araw diretso sa aking mukha ay pinihit ko ito paharap kay Kurt. Sa paglingon ko ay nakita ko ang nakapikit na mata ni Kurt at ang mukha nitong natatamaan rin ng sikat ng araw. Marahil ay napuyat ito para sa araw na ito kaya ito nakatulog ng ganoon kapayapa.
Dahan-dahan akong lumapit kay Kurt para pagmasdan ang mukha nito. Dahil nakapaling ito paharap sa akin ay kitang-kita ko ang kabuuan ng mukha nito.
Muling sumikip ang aking dibdib.
Ngayon ko lamang natitigan ng mabuti ang mukha ni Kurt. Ngayon ko lang napansin na mahaba pala ang pilik-mata nito at sa kaputian nito ay mamula-mula pala ang mga pisngi at labi nito.
Bigla kong naalala ang mga labing iyon. Iyon ang mga labi na dumampi sa aking mga labi noong makalawa.
Napapikit ako dahil sa lalong pagbilis ng tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung bakit pero hinawak ko ang kamay nito na nauna nang bumitaw sa kamay ko.
'Bakit nga ba hindi naging kami ni Kurt?' sa isip-isip ko.
Biglang naalala ko kung bakit. Dahil puro pang-aasar at pang-iinis ang ginagawa nito sa akin na hindi ko makitaan ng kahit anung sign na meron itong nararamdaman para sa akin. Samantalang kabaliktaran naman nito si Migs. Si Migs ang tagapagtanggol ko sa pang-aasar ni Kurt at very open ito sa feelings nito kaya't madali akong nahulog dito.
Hindi ko alam ang pumasok sa isip ko nang bulungan ko si Kurt.
"Mahal mo ba talaga ako?"
Saka muling pinagmasdan ang mukha nito. Huminga ako ng malalim.
"...Then maybe we could give it a try?"
Pagpapatuloy ko saka ko hinigpitan ang pagkakahawak ko sa kamay nito.
Sa mga sandaling iyon ay hindi ko na naisip sina Brad at si Migs. Hindi ko na naisip na best friend ni Kurt si Migs. Sa mga sandaling iyon ay si Kurt na lamang ang mahalaga sa akin. Sa mga sandaling iyon ay mas matimbang si Kurt at ang nararamdaman nito para sa akin.
Muli akong umayos sa pagkakahiga at pawang nakahinga ako ng maluwag at nabunutan ng tinik. Kinuha ko ang aking phone para i-text si Kurt.
U look evn mor charming wen u sleep. It hurts...
<Message Sent>Napangiti ako noong sinisend ang text na iyon. Subalit marahil nakasilent ang phone nito o nasa loob ng sasakyan kaya't hindi ko ito narinig na tumunog.
Halos 8 in the morning na at tulog pa rin si Kurt. Ayoko itong gisingin dahil sa napakasarap na tulog nito.
Habang pinagmamasdan ko ang alon ng dagat ay biglang tumunog ang aking phone para sa isang text.
From: Not Brad
Hi. Cn we meet? Pls?Sumingkit ang mga mata ko nang mabasa ko ang text na iyon.
'Aba! Buhay pa pala 'tong text mate ko na ayaw magpakilala?! At ngayon gusto pang makipagkita!' Sa isip-isip ko.
Hindi ko ito sinagot ngunit maya-maya'y tumatawag na ito.
Not Brad
Calling...Mula sa pagkakahiga ay napaupo ako at agad na kinancel ang tawag dahil sa ayokong maabala nito si Kurt.
"Sorry nakatulog ako. Who's that?"
Tanong ni Kurt na nagising pa rin dahil sa tawag na iyon saka ito umupo na rin mula sa pagkakahiga.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...