Halos wala akong tulog sa kakaisip sa sinabi ni Brad. Mabuti na lang at 11 o' clock pa ang pasok ko sa school.
Paggising ko ay kinuha kong agad ang aking phone na nasa ilalim ng unan. First time in a long time na excited akong tignan kung mayroon akong text messages.
Hindi na ako nakapag-reply kay Brad last night. Wala na rin itong dagdag pang text. Hindi na rin nag text ang 'fake Brad.' Pati si Kurt hindi pa rin nag-te-text.
Never pa ginawa sa akin ito ni Kurt kaya ako na ang nag text dito.
Hey! Ur bad! Di mo ko sinundo tas no calls nor txt?! Hmp! :(
<Message Sent>Ilang saglit lang ay nagtext na si Kurt.
From: Kurt
Hey Niks, ws abt 2 txt u. Sorry we rushd Dad yest 2 d hosp. I hd 2 mk arrangements myself coz Mom s a bit unstable ryt nw. Tapos my fone ws dead nw lng ako nkacharge. Sorry. Bawi ako.Nag-alala ako para kay Kurt. Nakonsensiya din ako. Habang nag-iisip ako ng masama towards him, mayroon pala siyang pinagdaraanan. Worse, wala akong alam at wala ako doon para damayan siya.
Mabilis na tinawagan ko si Kurt right after mabasa ko ang text nito.
"Kurt? Hello??"
Ang sabi ko nang sagutin ni Kurt ang kaniyang phone.
"Hello Niks?"
Sagot ni Kurt sa kabilang linya.
"Which hospital si Tito?"
Tanong ko kay Kurt.
"St. Bridget Medical Center but Niks, no need na. May pasok ka di ba?"
"I'm on my way."
Ang tanging sagot ko kay Kurt at saka ko binaba ang phone.
Mabilis akong naligo at nagbihis.
Dahil umalis si Mommy ng maaga at hindi siya sumasagot ng phone at hindi ko din alam kung saan niya tinago ang susi ng sasakyan ko ay kinailangan kong magpatawag ng cab sa guard house. No choice ako kung hindi mag taxi.
Maya-maya pa ay dumating na ang puting taxi sa tapat ng bahay kaya mabilis akong lumabas at naglock ng pinto at gate.
Buong biyahe akong kinakabahan. Hindi ko alam kung dahil ba sa nakasakay ako sa taxi with a stranger o dahil kay Kurt.
Nilabas ko ang aking phone para sana i-text kay Kurt ang plate number ng taxi subalit dahil sa kanina pa pala ito low-batt, bago ko pa man masend ang text ay namatay na ito.
Binuksan ko ang aking bag at hinanap ang aking power bank ngunit wala ito pati na rin ang aking charger.
"Hay naku! Bakit ngayon pa!"
Disappointed kong sabi. Napalakas rin ang pagkakasabi ko kaya napatingin si Manong driver.
"Miss, okay ka lang?"
Biglang tanong ni Manong driver mula sa rear view mirror.
"Okay lang po Kuya, may nawawala lang po sa bag ko."
Paliwanag ko.
"Hindi naman pambayad ang nawawala mo 'no, Miss?"
Pabirong sabi ni Manong driver.
Bahagyang natawa ako sa sinabing iyon ni Manong driver at kahit paano ay nabawasan ang kaba ko.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa hospital. Binaba ako ni Manong driver sa taxi drop-off at saka ko ito binayaran.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...