Nagising ang naglalakbay kong diwa nang isara ni Migs ang pinto ng sasakyan. Agad na lumakad ito papunta sa driver seat ngunit bago pa ito makapasok ay madali at palihim kong pinunasan ang namamawis kong mga kamay dahil sa kaba at saka ko inayos ang aking buhok at kasuotan.
Hindi ko alam kung bakit may pakiramdam ako na dapat akong mag-ayos at magpaganda sa harap nito. Marahil ay gusto kong ipamukha dito na nagkamali ito nang iwan ako nito at ipagpalit sa iba.
Mabilis kong isinuot ang seatbelt dahil bigla kong naalala na nakasanayan na ni Migs na siya ang nagsusuot ng seatbelt ko noon. Baka maalala niya ito at biglang isuot ang seatbelt sa akin at lalo pang maging awkward ang sitwasyon namin.
Pag-upo nito ay tumingin ito sa akin. Pakiramdam ko ay tinitignan nito kung naisuot ko na ang seatbelt kaya't nagpanggap ako na hindi ko ito nakitang tumingin at patuloy lang akong tumitig sa labas ng sasakyan.
"Thank you for this chance, Babe... I-I meant N-Nikki..."
Sambit nito na mabilis rin nitong binawi.
Hindi ko alam kung anung mararamdaman ko nang tawagin muli akong 'Babe' ni Migs. Ito ang term of endearment namin noong kami pa. Hindi ko akalain na kung gaano ito napakasarap pakinggan noon ganoon din ito kasarap sa tenga ngayon. Ang tanging kaibahan lang ngayon ay may halo na itong kirot sa aking puso.
"Please don't call me that anymore. If we're going then let's go and get this over with."
Pagsusuplada ko habang nakatingin dito ang mga nagngangalit kong mga mata dahil sa sobrang pagkabigla. Hindi nito dapat ginagawa sa akin ito. Wala itong karapatan na paglaruan ang aking nararamdaman.
"I'm sorry..."
Sambit nito sa malulungkot nitong mga mata at saka pinaandar ang sasakyan.
Hindi na nito nagawa pang magpatugtog dahil wala pang sampung minuto ay nakarating na kami sa aming pupuntahan.
Nalaglag ang puso ko nang malaman kung saan ako dinala ni Migs. Hindi ako makapaniwala na nasa Bay kami ngayon kung saan pinapangarap ko noong dalhin ako nito dito para sa isang dinner cruise.
"Shall we?"
Paanyaya nito pagkatapos nitong lumabas ng sasakyan at pagbuksan ako ng pinto.
Nakangiti na itong iniabot ang kamay sa akin ngunit ipinagwalang-bahala ko lamang ito at saka ako nagkusang lumabas ng sasakyan.
"Why here?"
Malamig na pag-uusisa ko.
"This is one of the nearest and nicest places from the university and I remember, you've always wanted to go, 'di ba?"
Pahayag nito habang mukhang excited na subukan ang cruise.
"Not anymore..."
Pagkakaila ko dito kahit ibinubulong ng puso ko na sabihing 'Oo.'
Nawala ang excitement sa mukha nito saka muling nagtanong na pawang nagsusumamo.
"Don't you wanna give it a try?"
Hindi ko alam kung bakit sa tuwing pawang nakikiusap na ito ay nadudurog rin ang puso ko sa guilt. Hindi tama na na-gi-guilty ako. Dapat ay nagagalit ako dito. Dapat ay isinusumpa ko ito. Dapat ay sinampal ko na ito dahil sa ginawa nito sa akin. Ngunit hindi ko kaya. Sa kabila nito ay hindi ko magawa. Ni hindi ko ito kayang tanggihan.
Hindi ako sumagot sa tanong nito ngunit dumiretso ako sa terminal ng cruise.
Isang espesyal na dining area sa loob ng cruise ship ang pinuntahan namin kung saan dalawa lang kaming naroon ni Migs at ang waiter na hinain lamang ang pagkain at saka rin umalis.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Fiksi RemajaFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...