It has been five days.
Wala pa ring Brad na nagpaparamdam. Pati sa mga classes na magkaklase kami ay wala rin siya. Kahit text ay wala rin.
Wala rin si Kurt, his Dad is still in the hospital pero we are very thankful that he is on his way to recovery. Minsan ay dumaraan ako sa hospital after school.
Dahil sa nag-aalala pa rin si Mommy na mag drive ako, siya pa din ang naghahatid sa akin sa school habang sa uwian since hindi na ako gaanong natatakot mag cab ay nagta-taxi na lang ako pauwi.
My class has just been dismissed at meron akong free time na two hours bago ang next o last class ko. Dahil mag-isa ako lately, tuwing break time I stay either inside the Library to read or I hang out here sa school yard habang nakaupo sa ilalim ng puno with my headphones and my music. Marami ring nagpapalipas ng oras dito dahil siguro mahangin at malilim dito. Katulad nalang ngayon, maraming nakatambay sa paligid karamihan ay nagbabasa samantalang ang mga couples ay walang sawa sa paglalambingan. Isa na itong nasa aking harapan, ilang hakbang mula sa aking kinauupuan ay mayroong mag boyfriend na nakaupo at magka-akbay, ang sweet nito sa isa't-isa. Dahil dito ay naalala ko kami ni Migs. Ganoon din namin kamahal ang isa't-isa noon.
Napabuntong-hininga na lang ako at saka ako pumikit para hindi ko na lamang makita ang mga yuon.
Habang nakapikit at ninanamnam ang mga kantang pinapakinggan ko, naramdaman kong nag vibrate ang aking phone na nangangahulugang may nareceive itong text. Kinuha ko ang aking phone para tignan kung sino ang umiistorbo sa aking katahimikan.
From: Not Brad
HiPagkabasa ko ng text ay biglang nagulo ang tahimik kong pag-iisip. 'Eto na naman ang 'fake Brad,' nabuhay. Text ng text pero ayaw naman magpakilala.' sa isip-isip ko.
Hindi ako nag reply dito dahil ayoko na sanang patulan ngunit muli ay nagtext ito.
From: Not Brad
R u still mad?Pagkakitang-pagkakita ko sa text na iyon ay naparanoid na naman ako. 'Bakit ganon ang tanong niya? Bakit may 'still'? Ibig sabihin ba ay kilala ko ito at galit ako dito?' Sobrang kinabahan ako na kahit na medyo maalinsangan ang panahon ay biglang nilamig ang buo kong katawan.
Ayoko mag-assume pero habang katext ko ang 'fake Brad' na ito naiisip kong baka si Migs ito. Sa katunayan, pinapanalangin kong si Migs nga ito.
Wat do u mean?
<Message Sent>Text ko dito na nireplyan nito agad.
From: Not Brad
Bcoz of last tym. I nvr got d chance 2 txtbck. Sorry. :(Medyo disappointed ako sa reply nito kaya hindi ko na ito nireplyan. Malamang masyado lang akong assuming. Wala ring dahilan kung bakit kailangan pa akong i-text ni Migs.
Nakaramdam din yata ang 'fake Brad' na ayoko na itong ka-text kaya't hindi na rin ito nagtext.
After my break ay dumiretso na ako sa aking klase. Natapos ito ng mga 5 o' clock na at minabuti kong dumiretso na ng uwi.
Palabas ng university ay nadaraanan ko ang spot where Brad & I supposed to meet. Sometimes I wonder, 'What if I made it on-time that day and was able to meet him there. May pagbabago kaya sa akin or sa amin ngayon? Nandito kaya siya at kasama ko ngayon?' Isa ito sa mga bagay na hindi ko na mababago kaya dapat tanggapin ko nalang.
Hindi ko alam kung bakit parang may nagtulak sa akin na huminto sa spot na yun at tumigil doon ng mas matagal than usual. Maya-maya pa ay isang pamilyar na sasakyan ang huminto sa harap ko habang nakatayo ako doon at malayo ang tingin. Nanlamig ang buo kong katawan at parang matutumba ako sa panghihina nang ibaba ng driver ang bintana ng sasakyan nito.
"Hi. Are you waiting for someone?"
Tanong ng driver ng sasakyan na si Brad.
Parang Déjà vu. Parang noong unang araw lang na inaya ako ni Brad na sumabay sa sasakyan nito.
Speechless ako. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Sa kabila noon, hindi ko alam kung bakit masayang-masaya akong makita si Brad ng mga sandaling iyon.
"Are you okay, Miss?"
Pabirong tanong nito.
"Yes."
Ang tangi kong naisagot dito.
"Yes, you are waiting for someone? Or yes, you are okay?"
Patuloy na pagbibiro nito.
"Ah, yes I'm okay?"
Sagot ko na noo'y halatang nakikipagbiruan na ako kay Brad.
"You're not sure?"
Muling panunukso ni Brad.
"Come on, I'll take you home."
Dagdag nito.
"Oh no, no, no, I'm fine. Somebody will pick me up."
Kunwaring pagtanggi ko saka ako ngumiti at napangiti na rin ito.
Lutang ako ng mga sandaling iyon. Hindi ko na naalala na dapat ay naiinis ako dito dahil pinag-alala ako nito ng ilang araw dahil sa hindi nito pag-te-text. Ang alam ko lang ay nandito na muli siya at alam kong maayos kaming dalawa. Itinatanggi man ng aking puso, sa isip ko ay alam kong na-miss ko si Brad. Hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman pero habang tinitignan ko si Brad, nakakalimutan ko ang sakit sa puso ko, nakakalimutan ko si Migs.
Pinapasaya ni Brad ang puso ko but at the same time natatakot ito. He gives me something that makes me happy yet makes me scared. Parang kanta ni James Morrison.
You give me something
That makes me scared alright
This could be nothing
But I'm willing to give it a try
Please give me something
Because someday I might call you from my heartBut it might be a second too late
And the words that I could never say
Are gonna come out anyway...Na-trauma yata ako sa ginawa sa akin ni Migs pero alam ko naman na iba-iba ang mga lalaki. Kaya't 'Yes, I'm willing to give it a try.' ang tangi kong nasabi sa aking sarili.
BINABASA MO ANG
Music & Me
Teen FictionFind out how Nikki, a music lover, connects every chapter of her life to songs and how these songs help her get over heartaches caused by Migs, her ex-boyfriend, and find new love in the forms of Brad, a school hottie, and Kurt, her best friend. Who...