Chapter 33 - Hero

57 3 2
                                    

Kasabay ng pag-alis ni Kurt ay ang pagdating ng isang malakas na ulan. Sa sobrang lakas nito ay halos hindi na maaninag ang daan sa highway na aking dinaraanan. Dahil dito ay pansamantalang nagsitabihan ang mga sasakyan sa shoulder lane upang panandaliang magpatila ng ulan. Isa ako sa mga naghintay at nagpatila doon.

Kasabay ng ulan ay ang nakakatakot na gumuguhit na mga kidlat. Dahil dito ay pansamantalang pinatay ko rin ang makina ng sasakyan.

Sa malalaking patak ng ulan at sa nakakagulat na kulog at kidlat, I felt so scared and alone. Ngayon lang nag sink in sa akin na mag-isa lang ako. Ang lungkot pala.

Dahil dito ay agad na kinuha ko ang aking phone para buksan na ito at para i-text na rin si Mommy.

Pagkabukas na pagkabukas ko ng phone ay agad na nagsipasukan ang mga text messages na marahil ay naipon dahil sa ilang araw nitong pagkaka-off.

6 New Messages

Ang bilang ng mga text messages na galing kay Mommy, kay Brad, kay Migs, at kay Kurt.

Una kong tinignan ang mga messages ko galing kay Mommy.

From: Mommy
ru on ur way?

Otw Mom. Rain s jz hard.
<Message Sent>

Mabilis na reply ko dito at saka sumunod na tinignan ang mga texts ni Brad.

From: Brad
evrytin ok? hvnt heard fr u

From: Brad
ddnt cu in class 2day u ok? :(

From: Brad
lemme knw f wer still on 4 megans party

Pagkabasa ko ng huling message nito ay agad akong nagtext back dito para kahit paano ay magpaliwanag.

Hey, so sorry 4 d l8 reply, needd 2 do sumthin rily impt. Yup, ru goin 2 pck me up?
<Message Sent>

Agad rin na nag-reply si Brad na pawang ang huling sentence lang ng text ko ang nabasa nito.

From: Brad
gr8 cu at 8 :*

Kinabahan akong muli nang dahil sa kissing smiley na iyon ni Brad. Naisip ko na dapat talaga naming magkita at mag-usap para maliwanagan kung anu ba talaga ang future naming dalawa.

Lalo pa akong kinabahan noong nasa harapan ko na ang message box para kay Migs na unconsciously ay pinuntahan ng aking mga daliri.

Isa lang ang text nito ngunit halos mahulog ako sa kinauupuan ko nang mabasa ko ang mensahe noon.

From: Migs
Do u still love me? Coz I still do.

Hindi ko alam kung magrereply ba ako dito o hindi. Hindi ko alam ngunit mas nakakaramdam ako ngayon ng galit sa halip na kilig.

Hindi ako sumagot kay Migs dahil hindi ko alam kung ano ang isasagot dito. Agad na lumipat ako sa message box ni Kurt.

Hindi ko alam kung bakit ang bigat ng pakiramdam ko habang binubuksan ang text nito na ngayon lamang nito ipinadala.

From: Kurt
Im just here

Katulad ng nakasulat sa planner nito ang text na iyon.

Nang mabasa ko ang text ni Kurt ay hindi ko na napigilan ang aking mga luha na kanina pa gustong umagos mula sa aking mga mata. Pakiramdam ko ay namatayan ako. Pakiramdam ko ay iniwan akong muli katulad ng ginawang pag-iwan sa akin ni Migs noon.

'Bakit ganito ang nararamdaman ko? Bakit nasasaktan ako ng ganito?' nalilitong tanong ko sa sarili.

Gusto kong i-text si Kurt ngunit hindi ko alam kung ano ang dapat sabihin. Gusto kong makita itong muli para mapalagay ang puso at isip ko na malaman na hindi talaga tuluyang mawawala ito sa akin.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon