Chapter 14 - Brand New Day

109 5 3
                                    

It's 7 o' clock in the morning. Hindi ko alam pero kahit kaunting oras lang ang tulog ko ay nakangiti akong gumising.

Excited ako sa araw na ito. Katulad ng kanta ni Joshua Radin.

When I woke the world was new
I never had to ask
It's a brand new day
The sun is shining
It's a brand new day
For the first time in such a long long time
I know, I'll be ok...

Yes, I feel exactly the same. For the first time in a long time I know that I'm going to be okay. Saka ako nagdasal na sana ay magtuloy-tuloy ito.

My class starts at 9 o' clock so nagready na akong pumasok. Mommy needs to be in the office by 8 o' clock today so kailangan kong mag-taxi ngayong umaga kaya't noong ready na ako ay nagpatawag na ako ng taxi sa guard house.

Maya-maya ay dumating na ang taxi kaya naman ay lumabas na ako ng bahay at ni-lock ang gate. Habang nilolock ko ang gate ay may isang pulang 2-door sports car ang dumating at nagpark sa likod ng taxi. Binaba ng driver nito ang bintana ng sasakyan at tumambad ang guwapong mukha ni Brad. Hindi ito ang sasakyan na madalas niyang dinadala kaya naman hindi ko agad ito nakilala.

Kumikislap ang mga ngiti ni Brad kaya muling sumikip ang dibdib ko sa nakakatunaw na ngiti niyang iyon.

"Good morning, Miss! Do you need a ride?"

Pabirong tanong nito.

Sobrang kaba ang nararamdaman ko ng mga sandaling ito at hindi ako makapagsalita. Hindi rin ako makagalaw sa aking kinatatayuan.

Bumaba si Brad ng sasakyan at binuksan ang pinto ng passenger seat. Tumingin ito sa akin na pawang inaaya na akong sumakay sa sasakyan nito.

"Miss, sasakay ka ba o ano?"

Malakas na sabi ng taxi driver mula sa sasakyan nito.

"Ay sorry Manong, hindi na po. Pasensiya sa abala."

Paumanhin ko dito.

"Kung minamalas ka nga naman o!"

Sambit nito habang umiiling-iling.

Kinabahan ako nang lumapit si Brad sa taxi driver. Akala ko ay kung anung gagawin nito sa driver ngunit inabutan lang nito ng isang five-hundred peso bill ang driver.

"Here, keep the change!"

Sambit ni Brad.

"Uy, thank you, Boss!"

Pasasalamat ng driver saka nito pinaandar ang taxi ng mabilis.

"You didn't have to do that."

Sabi ko kay Brad nang maiwan na kaming dalawa.

"Don't mention it. Let's go?"

Paanyaya muli nito.

Ngiti lang ang isinagot ko dito at saka nito hinawakan ang aking kanang kamay at inalalayan para makasakay sa sasakyan nito.

Malambot at makinis ang kamay ni Brad. Sana ay hindi niya pansin ang mamasa-masa kong kamay dulot ng sobrang kaba.

Pagkasara nito ng pintuan ng sasakyan ng passenger seat ay mabilis itong bumalik sa driver seat. Habang inilalagay ko ang aking seat belt ay inagaw niya ito sa akin at siya mismo ang naglagay nito. Kinilig ako dito ngunit hindi ko iyon pinakita.

'Sobrang gentleman talaga ni Brad.' Sa isip-isip ko. Parang sa pelikula ko lamang nakikita ang mga ganoong eksena. Mayroon pa palang ganoong lalaki.

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon