Chapter 5 - One Last Cry

158 4 0
                                    

This day was a blur. Wala yata akong natutunan ngayong araw na ito. All I remember is that Brad talked to me in class. Weird because he isn't usually friendly. I was even shocked na alam niya ang pangalan ko. Weird and out of the ordinary kaya siguro tumatak sa isip ko. Plus, Brad is a school hottie. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. I must admit, crush ko siya before but not anymore. Not after Migs and I started dating.

Aside from the 'Brad thing' wala na akong matandaang magandang nangyari sa buhay ko today. Just like the past days, past weeks, past months.

So here I am inside my car. Nakahawak ang mga kamay sa manibela at nakapatong ang ulo sa mga ito. Hindi ko alam kung saan ako pupunta.

'Uuwi ba ako ng bahay? I'm sure iiyak lang ako doon at baka mastress ko pa si Mommy. Shopping? Nope, I'm not my usual shopaholic self anymore since Migs left.' kausap ko ang sarili.

Habang nakasubsob ang mukha ko sa manibela at nag-iisip kung saan ako pupunta, biglang nakarinig ako ng tatlong katok sa salamin ng bintana ng aking sasakyan. Paglingon ko ay naroon si Kurt nakatayo at sumisenyas kaya ibinaba ko ang salamin ng bintana.

"Are you okay?"

Tanong ni Kurt.

"I'm okay, Kurt. I'm about to go home."

Medyo cold na sagot ko. May tampo pa rin ako kay Kurt.

"Are you sure? You don't seem fine."

"I'm alright. I'll see you tomorrow."

"C'mon, ihahatid na kita. Tara!"

Pagpupumilit ni Kurt.

"I said I'm okay, okay??"

This time ay medyo irritated na ang sagot ko kay Kurt. Nakita ko na nag-iba ang itsura ng mukha nito kaya't bigla akong nakonsensya.

"I'm sorry, I'll talk to you tomorrow, Kurt."

Hindi ko na hinintay ang sasabihin pa ni Kurt at tuluyan ko na muling sinubsob ang aking ulo sa manibela.

"Are you okay?"

Ang sambit muli ni Kurt.

"I said I'm okay! Hindi ka ba..."

Hindi ko na natapos ang iba ko pang sasabihin dahil nagulat ako na hindi na pala si Kurt ang nasa labas ng sasakyan kundi si Brad.

"Oh, I'm sorry I was just passing through. Sorry I didn't mean to..."

Pagpapaliwanag ni Brad na pinutol ko.

"I'm sorry! I'm sorry! I thought you were someone else."

Paghingi ko ng paumanhin habang palinga-linga ito na tinitignan kung may iba bang tao sa paligid.

"Oh, so are you going to be okay?"

"Yes. I'm so sorry about..."

"No, don't apologize. It's cool! So, I'll see you in class tomorrow?"

Tanong ni Brad na 'Yes' lang ang naisagot ko. Namesmerize yata ako sa mga ngiti nito kasama ng mapupungay nitong mga mata. For a moment there nakalimutan ko ang sakit na nararamdaman ko para kay Migs.

Nang nakalayo na si Brad ay naiwan ako sa parking lot na hindi pa rin alam kung saan pupunta.

'Bahala na nga kung saan man ako dalhin ng sasakyan ko.' sabi ko sa sarili.

Saka ko tinapakan ang gas pedal paalis ng parking lot.

Habang nagmamaneho ay natanaw ko ang restaurant kung saan ang first date namin ni Migs. Itinabi ko ang sasakyan at huminto ako sa harap nito. Ewan ko kung talaga nga bang masokista ako o nagpapaka-tanga lang.

Sobrang saya ko noong araw na iyon. Parang bawat minuto na kasama ko si Migs ay langit sa aking puso. Kung gaano kami kasaya nagsimula, ganoon naman kasakit kami nagtapos.

Nagsimula muling umagos ang aking mga luha. Hindi ko na kayang alalahanin ang nakaraan.

"Tama na!"

Sigaw ko.

Pinaandar ko ng mabilis ang sasakyan upang makaalis agad sa lugar na iyon. Sa patuloy na pag-agos ng aking mga luha ay hindi ko pansin na ganoon na pala kabilis ang takbo ko.

"Tama na! Hindi ko na kaya! Ang sakit na! Ayoko na please..."

Paulit-ulit kong sinasabi habang umiiyak at nagmamaneho.

Dahil medyo hysterical na ako at medyo blurred na rin ang paningin ko ay hindi ko na rin napansin na halos nasakop ko na ang opposite lane. Hanggang pagdating sa blind turn ay isang truck ang biglang sumulpot sa kabilang lane kasama ng maliwanag nitong headlights at saka bumusina ng malakas. Dali-dali'y kinabig ko ang manibela pakanan at dahil masyado akong mabilis ay nawalan ako ng control sa sasakyan. Dumire-diretso ako sa damuhan. Buti na lamang at damuhan ang paligid ng daan at hindi bangin o dagat.

Napakalakas ng kabog ng dibdib ko dahil sa takot. Then I realized that life is too short para umiyak, malungkot, at sayangin ang oras para sa mga bagay na kailanma'y hindi na magiging sa akin.

"Ang tanga tanga mo, Nikki! Ang tanga tanga mo!"

Paulit-ulit kong sinasabi sa aking sarili habang hinahampas ang manibela ng sasakyan.

"Last mo na 'to. This is the last time na iiyakan mo si Migs. Ilabas mo na lahat then move on!"

Habang sinasabi ko ang mga ito sa aking sarili ay saka naman tumugtog sa radyo ang kanta ni Bryan McKnight na 'One last cry.'

'Wow, ang galing ng timing.' sa isip-isip ko.

While the sun shines on you
I need some love to rain on me
Still I sit all alone
Wishing all my feelings was gone
Gotta get over you
Nothing for me to do
But have one last cry
One last cry
Before I leave it all behind
I gotta put you out of my mind
For the very last time
Stop living a lie
I guess I'm down to my last cry...

Kasabay ng pagtatapos ng kanta ay pinahid ko na din ang aking mga luha.

"Tama na 'to."

Ang sabi ko sa aking sarili. Tama na ang pag-iyak, pagmumukmok, at pagse-self pity.

"Goodbye, Migs..."

Music & MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon