PART 12

1.3K 66 3
                                    

HER POV

"Mother superior, 'pag ba may nakita kang isang tao na... na nalulungkot. As in, 'yong, sobrang lungkot. Anong gagawin mo?" Napatingin sa akin si Mother habang nagdidilig siya ng halaman.

"Bakit mo naman naitanong 'yan, Emily?" Siguro si Mother ang pinakamakakatulong sa akin. Huminga muna ako nang malalim bago nagsalita.

"E, kasi po... may nakilala ako sa hospital. Isa po siyang lalaki na... na depressed. Palagi po siyang nagtatangkang magpakamatay... tapos... tapos lagi niyang tinutulak palayo 'yong mga taong may pake sa kan'ya kumbaga, ano po... ayaw niya sa tao. Ayaw niyang kinakausap siya... ayaw niyang nilalapitan siya at ayaw niyang may mga taong naaawa sa kan'ya." I suddenly remembered Travis. I badly want to help him. Naaawa na ako sa kalagayan niya.

Hinawakan ni Mother Superior ang kamay ko at ipinaupo ako sa isang bench. Tumigil muna siya sa pagdidilig at lumapit sa akin.

"The reality is you can't fix someone... but you can stay while he's busy fixing himself. It's not your obligation to fix a broken person, it's his decision if he wants to fix himself so he can be complete for you." Hinawakan niya ang kamay ko.

"Pero... naaawa na po ako sa kan'ya. Tatlong taon na rin po kasi simula noong magkulong siya sa bahay niya, hindi lumalabas at higit sa lahat galit sa tao. H-Hindi po ba't tungkulin ng isang tao ang tumulong sa iba?"

"Tama ka, Emily. Pero, hindi sa lahat ng oras tutulong ka ng ibang tao. Dapat ay tulungan mo rin ang sarili mo. Naiintindihan mo ba ako, Emily?" Tumango ako. Nakukuha ko ang punto ni Mother pero hindi ako makumbinsi nito na iwan si Travis.

"Sa paraan ng pagkukuwento mo... Emily, mukhang gustong gusto mong tulungan ang lalaking 'yon, a?" Napatayo ako at tumango habang nakangiti.

"Bakit naman?"

"I want to see the old version of him, There's something... inside of me that wants to know him even more. Sa tingin ko, Mother... mabait siyang tao. Sad'yang nababalot lang siya ng poot, galit, lungkot at sakit ngayon... kaya nga mas gusto ko pa siyang tulungan."

"Anak, hindi mo matutulungan ang isang taong ayaw magpatulong."

"Alam ko po..." I sighed.

I know Travis doesn't need me.

I know he wants me to stay away from him but I just can't.

"Sa tingin mo, bakit kayo nagkakilala?" Napatingin ako sa langit.

"Bakit nga ba? Hindi naman siguro nagkataon lang?"

"Pinagtagpo kayo ng tadhana... dahil nakikita niya na ikaw ang makakatulong sa taong 'yon, Emily. Huwag mong sukuan ang lalaking 'yon."

"Wala naman akong balak. Mas lalo ko pa ngang gustong manatili sa buhay niya dahil alam kong kailangan niya ng makakasama sa ngayon."

"Ang buhay ng isang tao ay parang bulaklak... may mga araw na masisinigan ka ng araw na sumisimbolo sa mga magagandang bagay... at may mga araw na puro ulan na sumisimbolo naman sa mga problema." Tumayo si Mother at lumapit sa isang bulaklak. Itinuro niya ako.

"Pero ikaw? Bilang bulaklak, dapat tanggapin mo lahat... dahil hindi magiging maganda ang tubo ng isang bulaklak kung puro araw lang at walang ulan."

"Sasabihin ko po 'yan kay Travis, Mother."

"Travis ang pangalan niya?"

"Opo, Travis Goosen." Napatango si Mother habang pinagpapatuloy ang pagdidilig ng bulaklak.

"Sige na po, uuwi na ako... Mother. Pakipaalam nalang po ako sa mga bata. Baka kasi ma-traffic pa ako e."

Nagpaalam na ako kay Mother at dumiretso na sa sakayan ng bus. Siksikan at ang init init kahit mayroong aircon. Hindi ako makahinga nang maayos.

Best PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon