HER POV (Play When I Met You)
"Ma, I have one favor. P'wede po ba sa tuwing pupunta kayo ni Papa rito... ngumiti lang kayo at maging masaya? Huwag kayong maging malungkot ng dahil sa'kin... o sa sitwasyon ko?" sambit ko habang nakatingin sa mata ni Mama. Bakas ang lungkot habang nakatitig din siya sa akin
"Emily, alam mo namang hindi namin maiiwasan 'yon, 'di ba? Anak ka namin, natural lang na masaktan kami dahil sa sitwasyon na nangyayari sa'yo." She caressed my cheeks. 'yong tingin ni Mama tila nagpapahiwatig na pagod na siya.
Gusto ko kasi na maging masaya lang sila habang nandito pa ako. Mamamatay na nga lang ako, iiwan ko pa silang malungkot. I just want them to be greatful while I'm still alive.
"Ma, alam naman natin na... malapit na akong mawala 'di ba? Hindi naman siguro masama kung 'yong mga nalalabi kong panahon, e dapat... mga masasayang alaala?"
"Emily," pagbabanta pa ni Papa.
I sighed and smiled at them.
"We can't control our own ending, Pa. If it's already your time... it's your time. All you have to do is to be ready in your death. Accept it like you're more than willing because it'll be your permanent rest." Hinawakan ni Mama ang kamay ko sabay tingin kay Papa.
Ang makita ko palang silang naghihirap sa sitwasyon ko ngayon, nasasaktan na ako. Paano pa kaya kapag dumating 'yong panahon na tuluyan nang sumuko ang katawan ko?
I can't die knowing my parents will die, emotionally.
"Please, Ma? Pa?" Dahan dahang tumango si Mama kahit na alam kong labag 'yon sa kan'yang kalooban. Sinuklian ko na lamang sila ng ngiti.
"Emily, p-promise me.... you'll fight. Ipangako mo sa amin ng Papa mo 'nak na... na lalaban ka, okay?" I nodded my head.
"I promise to try." but I can't fulfill. I'm not sure if my body can survive.
"We love you, Emily." They both kissed my forehead.
Nanatili kaming tahimik hanggang sa napagdesisyunan ni Papa na lumabas. I know he's hurt. Alam kong pinipilit nalang ulit maging matatag ni Papa sa kabila ng lahat ng naranasan at nararanasan namin.
"Uuwi muna kami ni Papa, Emily... okay?" Tumango na lamang ako. Narinig ko ang tunog ng pagsarado ng pinto kung kaya't napatitig na lamang ako sa kisame.
Ayoko talaga sa hospital. Nabuburyong ako. Nakakulong ako sa apat na sulok ng puting kuwarto. Wala akong makausap. Halos bintana, kisame at mesa lang ang nakikita ko.
"Ang tagal naman kasi pumunta ni Travis."
Akmang tatayo na sana ako nang biglang bumukas ang pintuan. Natanaw ko si Papa na may dalang mirasol. Ang pinakapaborito kong bulaklak.
"Thank you, Pa." Napangiti ako habang iniaabot sa akin ni Papa ang mirasol. Father really knows what I love.
"Emily, sorry for my mistakes. Sorry for not being able to fulfill my duty as your father."
"Dad..." Ngumiti lamang siya at sinenyasan ako na tumahimik. I just stared at him while he's standing infront of me.
"Let me speak first, Emily." I nodded my head.
"Pasens'ya na kung... palagi akong wala sa bahay, sana naiintindihan mo na laging may trabaho si Papa. I'm sorry for not being able to join you in dinner, help you with your stuffs... dance with you or bond with you. I'm sorry if I tied myself in working. I-I just realized that I gave a lot of attention in my job without knowing my daughter needs me more."
BINABASA MO ANG
Best Part
Teen Fiction3 years ago. He was so happy with his life. He had everything. Halos wala na siyang hinihiling pang iba. 3 years ago, isa siya sa kilalang pinakatalentado at pinakamasayang lalaki na makikita mo. Until 3 years ago, he believed that he lost everythi...