PART 14

1.4K 73 0
                                    

HER POV

HINDI NAGING MADALI.

Hindi madaling magtiis sa ugali niya.

The more months had passed, the more he became blunt.

Kung dati cold lang siya, ngayon sobrang cold na.

Kung dati rude lang siya, ngayon sobrang rude na niya.

He changed. A lot.

Ang bilis ng panahon. Isang taon na pala simula nang makilala ko si Travis.

Ang lalaking sobrang gulo ng pagkatao.

Ang lalaking sobrang gulo ng buhay at ang lalaking sa tingin ko ay magpapagulo ng buhay ko.

Hindi ako sumasablay sa pagpunta sa bahay niya. I always went to his house to make him feel that I'm there for him. It's been a year but it felt like days.

He's still the ill-mannered guy. Sa tuwing pupunta ako sa kanila, Minsan, hindi siya nagsasalita. Minsan naman ay pinapaalis ako at sinasabing ayaw niya akong makita. Madalas? Hindi niya ako pinapansin na para bang hindi niya ako kilala.

Pero sa tuwing pinapaalis, pinapalayo at inaayawan niya ako ay nginingitian ko na lamang siya. Alam kong naiinis na siya sa akin pero hinding hindi niya ako mapapaalis nang basta basta. Every time that he pushes me away, it urges me to stay. Kahit na ilang beses niya akong paalisin sa buhay niya, mananatili ako. Mananatili ako hangga't sa kaya ko.

Alam kong isa akong pambihirang babae na biglaan na lamang dumating sa buhay ni Travis. We don't know each other. We're both stranges from each other but that won't stop me from helping him. Sabi nga nila, mas masarap makipag-usap sa isang estranghero.

But every time Gwyn ask me why am I helping him... I still don't know why am I doing this.

I met him for a reason. Maybe He let me meet him... for me to help him stand up, again. Para tulungan siya sa kung anuman ang pinagdadaanan niya. Para ipaalala kay Travis na kahit pakiramdam niya na iniwan siya ng mundo, may tao pa rin na gustong manatili sa kanya. To remind him that do not focus to the people who left, focus to who stayed.

Kanina pa ako nakatitig sa kuwarto ni Travis dahil ilang araw na siyang hindi lumalabas. Last few months, he became quiet. He never let me see him. Ayaw niyang iniistorbo siya sa kuwarto niya at ayaw niyang lumabas.

"Travis..." I sighed.

Agad akong napalingon sa pintuan nang makitang bumukas ulit ito. I saw James carrying a box of pizza. He walked towards me, gave me his sweet smile.

"Emily, kinakausap ka na ba niya?" Napailing agad ako. I smiled to convince him that I'm fine.

"Nope... but it's fine. Besides, it's his decision to ignore my presence. Ayos lang naman sa'kin kung pansinin niya ako o hindi, ang importante... nandito lang ako lalo na 'pag kailangan niya ako." Naupo si James at tinitigan ang pintuan ng kuwarto ni Travis.

"Bumalik nanaman siya sa umpisa." I was confused. Napatingin ako sa kan'ya.

"What do you mean?"

"Bumalik nanaman siya sa unang taon, Emily. Sa tuwing lilipas kasi ang isang taon, parang bumabalik sa kanya yung mga alaala noon." Kaya pala nagkagano'n nalang nang biglaan si Travis.

"Naalala ko pa noong unang taon na nagkagan'yan siya... ni hindi niya ako tinatapunan ng tingin. Hindi niya ako pinapansin sa tuwing narito ako... at mas lalong pinapaalis niya ako... tuwing nakikita kong nagkakagano'n si Travis, nalulungkot ako nang sobra... kasi hindi naman siya gan'yan."

Best PartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon