HIS POV (Listen to If Ever You're In My Arms Again)
'yong makita ko siyang nahihirapan 'yong nagpapahirap sa akin. Hindi ko maiwasang hindi umiyak dahil sa sitwasyon ni Emily. Ramdam kong pagod na siya. Ramdam kong ayaw na niya pero dahil ayaw pa naming mawala siya e kinakaya niya pa.
Nababasa ko sa mga mata niya na nahihirapan na siya. Nakaukit ang salitang 'pagod na' at gusto na nga ng permanenteng pahinga. Hindi ko alam kung ano bang dapat kong piliin.
Ang hayaan ko siyang mamaalam dahil pagod na siya?
O ang hindi niya pamamaalam ngunit habang nandito pa at buhay si Emily ay naghihirap naman siya?
Puwede ba kaming magpalit ng pwesto? Ako nalang yung nasa sitwasyon niya. Emily doesn't deserve this kind of hard situation. Hindi ko na kayang makita pa siyang umiiyak tuwing gabi ngunit pagdating ng umaga ay ngingiti ulit kahit pilit.
Gusto kong humingi ng tawad sa kan'ya dahil ilang beses ko siyang sinigawan at itinaboy palayo simula noong magkakilala kami. Dapat pala noong simula palang ay pinahalagahan ko na agad siya.
Hindi 'yong sa ganitong paraan ko pa kailangang iparamdam sa kan'ya na importante siya sa akin.
Sorry, Emily. I'm really sorry. If I could only give you the life you've been wishing.
Kahit buhay ko na ang kapalit basta makita lang kita ulit na nakangiti ng walang itinatagong pighati.
Napakaraming bagay ang pinagsisisihan ko. Sobrang gago ko kasi pinapalayo ko 'yung tanging babaeng gustong manatili sa akin sa panahong ayaw sa akin ng buong mundo.
Sorry, Emily.
Sorry for pushing you away everytime that you'll prove to me that you'll always stay no matter how many times I hurt you emotionally.
Gusto kong ibalik 'yong oras. Gusto kong humiling sa kan'ya na ibalik kami sa umpisa. Gusto kong bumalik sa panahon na kakakilala ko palang kay Emily o kung puwede... doon nalang sa panahon na hindi ako makikilala ni Emily.
Sinisisi ko nanaman ang sarili ko kung bakit nagkaganito siya. Alam kong kasalanan ko kung bakit siya nakahiga rito sa hospital. Kung hindi lang sana ako naging maarte noon edi sana masaya pa rin si Emily ngayon at hindi hahantong sa sitwasyon na gan'to.
Gusto kong umiyak nang umiyak. Hindi ko maintindihan 'yong nararamdaman ko ngayon. Gustong tumulo ng luha ko pero wala namang lumalabas. Siguro nga manhid na ako. Ikaw ba naman gabi gabi kung umiyak, hindi ka pa mamamanhid?
Wala ng luhang gustong lumandas. Lahat natuyo na dahil sa sobrang sakit ng pakiramdam ko ngayon. Puwede bang pakibagalan ang oras? Gustong gusto ko pang makasama si Emily. Hindi pa sapat ang ilang mga buwan na magkasama kami.
"No! Ayoko! Ayoko! Ayoko n'yan!"
Napapikit ako dahil narinig ko ang sigaw ni Emily. Lagi na niyang tinatanggihan lahat ng gamot na ipinapainom sa kan'ya.
I couldn't convince her also.
Napasilip ako sa kan'ya at nakitang umiiyak na si Tita. Hindi ko na gustong makita si Emily sa gan'tong sitwasyon.
It kills me inside whenever I'm seeing her in a situation like this.
Pumasok ako ng kuwarto at bago pa man siya makapagsalita ay may itinurok sa kan'ya ang Doctor. Dahan dahan akong lumapit sa kan'ya sabay yakap sa kan'ya nang mahigpit.
"There isn't really anything left we can do. The heavy treatments are not working and she doesn't want them anymore because it makes her sick even more." Napapikit ako mula sa aking narinig. Lumabas ang Doktor at kasabay noon ay ang pagluhod ko.
BINABASA MO ANG
Best Part
Teen Fiction3 years ago. He was so happy with his life. He had everything. Halos wala na siyang hinihiling pang iba. 3 years ago, isa siya sa kilalang pinakatalentado at pinakamasayang lalaki na makikita mo. Until 3 years ago, he believed that he lost everythi...