HIS POV
Hindi ko alam kung anong nakain ni Emily at gano'n nalang siya kasugid na pumunta rito araw araw sa bahay ko. Sa tuwing nakikita ko siya, naiinis ako. Ayokong nandito siya dahil lang sa naaawa siya sa akin.
Everytime that she'll tell me some details about her life, it haunts my conscience. Para bang obligasyon ko na ring ikuwento sa kaniya lahat ng nangyari sa buhay ko... na alam kong hinding hindi mangyayari.
Sa tuwing tititigan ko siya, alam kong isang araw magsasawa't iiwanan niya rin ako. Mapapagod din siya sa akin at mawawalan ng gana kagaya ng ginawa ng ibang taong umalis na sa buhay ko.
Malapit ng mag-isang taon.
Isang taon na niya akong binubwesit.
Isang taon na niya akong pinangangaralan na parang bata.
Isang taon na siyang nananatili sa buhay ko.
Isang taon na simula nang makilala ko ang isang Emily Van Wyk.
Apat na taon na rin simula noong mawala sila sa akin.
Apat na taon na rin pala simula noong magbago ako.
Apat na taon na rin pala simula nang iwan nila ako isa isa.
Ang tagal na rin pala pero 'yong sakit nandito pa.
Gusto kong makalimot pero hindi ko magawa. Sa tuwing naaalala ko lahat mas lalo lang akong naiinis sa sarili ko. Sinisisi ko pa rin 'yong sarili ko kung bakit ako iniwan, sinaktan at niloko.
Ito 'yong nakakainis sa akin. 'yong tipong imbes na sila sisihin ko, I kept on blaming myself kung bakit sila nawala but the reality is, hindi naman ako nagkulang, sumobra lang.
Hindi naman talaga ako ganito dati. Halos aktibo ako sa lahat ng bagay. Masayahin at makwela akong tao. I don't really know what sadness is because I'm a "happy-go-lucky" type of person. Sadyang may mga bagay lang na nangyari na naging dahilan ng pagbabago ko.
Ilang taon na pero masakit pa rin. Ang hirap kalimutan ng mga alaalang paulit-ulit kong naiisip. Gusto ko nang makalimot pero 'yong puso ko, ayaw pa.
Napatingin ako sa bintana at nakita si Gwyn na kasama si Emily. Nangunot ang noo ko dahil sobrang daming dala ni Emily. Malamang, dito nanaman siya matutulog.
"Ikaw kasi... sinabihan na kita! Huwag ka magpapakapagod nang sobra sobra. Tignan mo... kung ano ano tuloy napapanaginipan mo." Anong nangyari sa babaeng 'yon?
Dapat makinig ako. Ayokong magtanong sa kan'ya dahil baka akalain niya may pake ako pero mali 'to. Eavesdropping. Nevermind. Kailangan kong marinig.
"Oo na... panaginip lang naman siguro 'yon. Sobrang pagod ko kasi... tapos 'di pa ako kumain tapos diretso tulog agad... kaya siguro nagkaroon ako ng panaginip na 'yon."
"Alagaan mo kasi sarili mo, huwag puro Travis. Kapag ba nagkasakit ka, aalagaan ka n'yan ni Travis? 'di ba hindi? Itataya ko buong mansyon ni Lester. Wala ngang pakealam sa'yo 'yong tao tapos ikaw todo alaga... daig mo pa nanay niya." Sobrang prangka talaga nitong shota ni James. Walang preno 'yong bibig.
"Pero... totoo naman." sambit ko. Wala naman kasi akong pakealam kay Emily. Ewan ko kung ba't siya gan'yan sa akin.
Natanaw ko si Emily na papalapit na sa pintuan ko kung kaya't tumakbo na ako papasok sa kuwarto ko. Hindi niya dapat malaman na araw araw ko siyang inaabangan kahit wala akong pake sa kan'ya.
Wala naman akong gusto sa kan'ya, gustong gusto ko lang siya asarin at bwesitin. Mukha siyang rabbit na galit na galit na may rabies.
"Travis!" Hindi ako sumagot. Narinig ko na lamang na nagpapatugtog nanaman siya. Nangunot ang noo ko.
BINABASA MO ANG
Best Part
Teen Fiction3 years ago. He was so happy with his life. He had everything. Halos wala na siyang hinihiling pang iba. 3 years ago, isa siya sa kilalang pinakatalentado at pinakamasayang lalaki na makikita mo. Until 3 years ago, he believed that he lost everythi...