HIS POV ( Play I Wanted You by Ina)
7. Watch the city lights
"7 months." sambit niya na ikinakunot ng aking noo. Tinaklob ko na ang hoodie ko sa kan'ya at hinatak siya palabas. She's cute but too stubborn. I'm really a bit lucky because I can tolerate her in my own ways.
"Alam mo, Travis... dapat one hundred weird things to do with Emily 'yang to do list natin e." reklamo niya habang nakapamaywang na parang batang nakanguso na hindi nabilhan ng laruan.
"O, bakit hindi natin gawing one hundred?"
Bigla siyang natahimik. Napabuntong hininga na lamang ako sabay hawak sa magkabila niyang pisngi. I know that she'll make it. I trust Emily. Alam kong kakayanin niya lahat ng bagay. I knew her as a strong woman that doesn't give up at all despite of chaos that's chasing her.
"We can still do weird things because you still have many days, weeks, months and years with me... hear me, Emily?" She just smiled at me.
"But what if---"
I really hate it whenever she's having a doubt. Wala ba siyang tiwala sa akin? O sa sarili niya? Napapikit na lamang ako bago ko putulin ang sinasabi niya.
"No more what ifs, let's make it happen. Trust me the way I trust you."
Ipinasakay ko na siya sa likod ko. This woman loves piggy back ride. I don't know why palibhasa baboy na pusang rabbit na may rabies. Ayoko rin siyang napapagod. Pansin kong wala pang ten minutes nang paglalakad ay hinihingal na agad na siya.
"Put me down now, Travis... kaya kong maglakad, hindi ako lumpo!" sigaw niya ngunit napailing na lamang ako kahit sa totoo lang ay nabibigatan na ako sa kan'ya.
"Madam, just let me do this, okay? Ako ang señorito."
"Payat ka na nga, baka isang sinok ka nalang n'yan, Goosen," Ibinaba ko siya at hinarap.
"Wow, at least hindi---" She raised her eyebrow. Napahilamos na lamang ako sa aking mukha.
"Fuck! Why am I not allowed to piss you off! Bakit ako... hindi p'wedeng asarin ka?!" Nagkibit balikat lamang siya.
"Kapag inaasar mo 'ko, ayos lang pero kapag ikaw aasarin ko... hindi! Unfair! At the end, ikaw na nangunang mampikon tapos kapag ginantihan ka naman ikaw mapipikon... wala rin, ikaw pa rin susuyuin kahit na ikaw nag-umpisa, psh! Unfait, Emily! Unfair!" She just laughed at me while looking at my frustrated face.
"When boys are wrong, they're wrong. When girls are wrong, girls are still right."
"Whatever."
Habang naglalakad kami ni Emily ay hindi ko maiwasang hindi mapatigil din sa bawat street vendors. Sa tuwing makakakita kasi siya ng pagkain, binibili niya. I can't stop her. Pipigilan ko palang siya, wala na. Nakabili na siya. Mauuwi lang sa pagtatalo kahit na ubos na 'yong pagkain na bawal sa kan'ya pero binili niya.
Minsan, kapag walang barya uutang daw siya sa akin pero hindi na babayaran tapos kapag ako naman ang nangutang halos daig pa bumbay sa kakasingil. Girls are so unfair.
"Ang sarap noon, Travis!"
"Lahat naman masarap para sa'yo, Emily e." Napatingin siya sa akin habang nakataas ang kilay.
BINABASA MO ANG
Best Part
Teen Fiction3 years ago. He was so happy with his life. He had everything. Halos wala na siyang hinihiling pang iba. 3 years ago, isa siya sa kilalang pinakatalentado at pinakamasayang lalaki na makikita mo. Until 3 years ago, he believed that he lost everythi...