HIS POV
Nagising ako na masakit ang ulo. The moment I tried to stand up, I felt dizzy. Napaupo ulit ako sa kama ko habang nakapikit.
"Ano nga ulit ginawa ko kagabi? Fuck!" Parang pinipilipit at pinipiga 'yong ulo ko.
"You awake now?" tanong ni James habang dala dala ang isang mangkok ng sabaw.
"Obviously." I rolled my eyes. Kung tulog ako edi sana hindi nakabukas mata ko.
Common sense, people. Common sense.
"Wala kang naaalala kagabi?" Pumikit ulit ako at sinubukang alalahanin lahat ng nangyari.
"Fuck! My fucking head fucking hurts, argh!" Humiga ulit ako at pumikit.
"Thank Emily later. She took care of you last night." I quickly opened my eyes and glared at him.
"What?" Tangina.
Ang lakas ng pakiramdam ko na ang dami kong nasabi sa kanya.
"Yes, bud. She cleaned you off and changed your clothes. Siya rin pala nagpunas ng suka mo."
"What the fucking fuck. At ngayon, may utang na loob na ako sa babaeng 'yon?"
"I have to go now, susunduin ko pa si Gwyn." sambit niya habang pinaglalaruan sa daliri niya ang susi ng kan'yang sasakyan.
I tried to stand up but I ended up sitting again.
"Putangina naman," I whispered.
"Ayan... iinom-inom pa, hindi naman pala kaya." I suddenly heard a voice. Napatingin ako sa pintuan.
"This isn't Emily. Pinapasabi niya pala na baka ma-late na siya makapunta rito."
"Pakealam ko?"
"She doesn't have to update me about her life. Wala naman akong pake."
Napatingin ako kay Travily dahil ilang araw na 'tong malamya at hindi mas'yado kumakain. I sighed. Mukhang may sakit pa talaga 'yong aso ko.
"What happened to you?" I opened her dog house, carried her out. She lost weight. Damn it.
Ibinalik ko ulit siya sa loob ng kulungan at naghubad ng damit. After I took a bath, I stared at myself in the mirror. Buti nalang hindi halata 'yong vitiligo ko. My white-skin saved me.
I wore my hoodie and mask. I carried Travily as I went out of the house. Akmang bubuksan ko na sana ang pintuan nang kusa itong magbukas.
Emily welcomed me with her beautiful smile.
"Okay ka na?" The moment she asked that.
I suddenly remembered what happened last night.
Putangina nakakahiya.
"Ba't ka nandito?"
"Wow, parang nanibago ka pa talaga... malamang tatambay." Nangunot ang noo ko sa itsura niya. Sinukat ko ang braso niya gamit ng kamay ko. She also lost weight.
"I bought medicines for you... and I'll cook something... para naman mawala hang-over mo."
"Whatever." Hindi ko na siya pinansin at nagtuloy-tuloy sa paglalakad.
Ang buong akala ko'y titigilan na niya ako ngunit doon ako nagkakamali. She followed me. I raised my eyebrow when I heard her sighed and sighed.
"Kanina pa siya hinihingal e halos hindi pa kami nakakalayo sa bahay?" bulong ko sa sarili ko atsaka nilingon siya.
BINABASA MO ANG
Best Part
Teen Fiction3 years ago. He was so happy with his life. He had everything. Halos wala na siyang hinihiling pang iba. 3 years ago, isa siya sa kilalang pinakatalentado at pinakamasayang lalaki na makikita mo. Until 3 years ago, he believed that he lost everythi...