chapter one

836 11 0
                                    

Bata pa lang ako,alam ko na sa sarili kong gusto kong maging guro pagkalaki ko.Bukod sa mahilig ako sa mga bata,gusto ko ding dito ako mismo sa lugar namin magturo kasi talagang kulang kami sa guro.
Magaling ako sa numero kaya gusto sana nila mama at papa maging engeneer or architect ako kaso sa pagtuturo talaga ang gusto ko kaya suportado na lang nila ako.Unang taon ko sa kolehiyo ngayon kaya alam kong marami pa akong mapagdadaanan.
Sa baryo namin,tuwing Hunyo may selebrasyon na kapistahan ng aming patron.Kapitan ang Papa ko sa aming baryo kaya isa ito sa maraming ginagawa sa buwan na ito.Tumutulong din naman kami lalo na si mama kaya nga halos dito na sila sa bahay nag pulong pulong.
Excited din ako sa kasiyahan kasi pag ganitong buwan,umuuwi dito ang kaibigan ko na si Cathy na nag aaral sa syudad para makipagsaya.
Minsan na lang kami magkita kaya pareho kaming masaya pag ganitong buwan na.
Ang balita niya,kasama daw niyang uuwi ang pinsan nya at plano daw niyang ipakilala sa akin.Wala naman akong interes para sa mga ganoong bagay sa ngayon kasi gusto ko munang mag aral muna.Ewan ko ba kay Cathy at ang hilig hilig makipag boyfriend,siguro dahil din sa syudad na siya naninirahan kaya sanay na siya sa ganun.Naalala ko pa dati nung high school pa kami,nag aaral kami dun sa bahay nila.Nakagalitan kami ng tito niya kasi narinig niya kaming nag usap tungkol dun sa crush kong ka klasi namin dati.Tinutukso ako palagi ni Cathy dun,siguro naingayan sa amin kaya ayun nakagalitan pa kami. Naalala ko yung tito na Cathy na si Kuya Jeff,anim na taon ang tanda nito sa amin.Habang high school kami ito naman ay graduating na sa kolehiyo.Mabigat talaga ang pakiramdam ko sa Tito nya,kaya minsan tinatanong ko muna si Cathy kung wala ba doon ang tito niya bago ako pumupunta sa kanila.Masyado kasing strikto at ni hindi mo makitaan nang pag ngiti.Pero ayun sa mga kwento ni Cathy,ang dami daw may crush dun sa lalaking yun,sabagay gwapo naman talaga siya,matangkad,katamtaman ang katawan at mdyo kulot ang buhok.Tika bakit ko ba naiisip yung taong iyon?Sabay buntong hininga ko.

Ngayon ang araw ng kapyestahan kaya masayang masaya ang mga tao sa lugar namin.Lahat halos may ginagawa.Ako naman tumutulong dito sa bahay kay mama kasi may mga iilan ding nakiki fiesta.Mamaya naman ay balak kong pumunta sa bahay nila Cathy para makapag bonding naman kami.Tumawag kasi siya kanina na ako na lang daw ang dumaan sa kanila kasi mas malapit dun ang gym kaysa dito.Plano kasi naming manood ng basketball game mamaya.Dati pa hilig na talaga naming manood ng mga liga lalo na yung kaibigan ko.yun ang napakaingay sa lahat.

"KRISTINA!!!!""hiyaw nito na parang baliw sabay takbo papunta sakin.Nasa bukana pa lang ako ng bahay nila kaya halos lahat ng bisita nila napatingin samin.Napakaingay talaga ng babaeng ito nakakahiya.Iniikotan lang ako ng mata kapag sinasaway ko siyang wag mag ingay.Sabagay hindi siya si Cathy kung tahimik lang siya.
Umakyat pa muna kami saglit sa bahay nila para magpaalam at bumati sa mga magulang niya bago umalis.
"ok sigi suportahan mo yung tiyuhin mo dun,maglalaro yun diba?"tanong ng mama ni Cathy na si Ante Marlyn.
"marami nang susupodta dun ma,sa kalaban ako pupusta"sagot naman nitong kaibigan ko.
Maglalaro pala ang tito Jeff niya,dati ko pang naririnig na magaling daw talaga itong maglaro kaso hindi ko pa talaga ito nakitang maglaro.Sabagay iniiwasan ko nga diba?.Habang naglalakad kami papuntang gym ay tinatanong ko pa si Cathy kung bakit hindi niya sinabing maglalaro ang tito niya,ang sabi lang niya baka daw hindi ako tumuloy.Alam kasi nitong hindi ako masyadong komportable sa tiyuhin nya.Ilang buwan na rin naman ng huli kaming nagkita ni kuya Jeff.Nung Graduation yata namin ni Cathy,binati niya ako or mas tamang sabihing napasali lang ako sa mga binati niya.
Pagkadating namin sa gym ay punuan na,maraming tao ang nanonood.Mabuti na lang at magaling dumiskarte itong kaibigan kong lukaret at nagamit pa niya ang kanyang ganda para makaupo kami sa may harapan.
Tahimik lang akong nanonood habang ang mga tao dito sigaw ng sigaw,lalo na itong katabi ko na tinotoo talaga ang sinabi kanina na sa kalaban kakampi.Tawang tawa na lang ako sa kalokohan ng kaibigan ko.Alam ko naman kasing iniinis nya lang ang tito niya at mga kaibigan nito.Minsan nga nahuhuli kong napapatingin dito sa banda namin si kuya Jeff pag nakakapuntos ito.Aminado naman akong talagang magaling siya,sa katunayan nga maganda ang labanan nila,magaling din kasi ang kalaban.Taga dito talaga sa baryo namin ang mga naglalaro samantalang puro mga dayo naman ang kasama ni Kuya jeff,siguro mga kaibigan niya.
Pinilit pa ako ni Cathy na mag cheer din sa kalaban at kung minamalas ka nga naman timing pang pagsigaw ko tumahimik na ang lahat.Hiyang hiya ako sa nangyari at wala akong ibang sinisisi kundi itong nasa katabi ko na kung umakto parang wala siyang ginawang masama.Napatayo ako bigla nang bigla na lang natumba yung lalaking nakapuntos kanina,natulak yata ni Kuya Jeff.Itinigil muna ang laro at inayos ang magkabilang kampo bago inumpisahan ulit.
"uh-oh....i smell something!!"sabi ni Cathy na hindi ko naman masyadong marinig dahil sa ingay.
Nagpatuloy ang laro at nanalo nga ang team nila kuya Jeff.Hinila ako ni Cathy palapit sa mga nagsasayang nanalong team kaya wala akong magawa kundi sumunod.
"congrats sa magaling kong tito!"bati nito kay Kuya Jeff na wala man lang ka reaction ang mukha habang nakatingin sa amin or tamang sabihing nakatingin sa akin?
"ang daya mo Cathy sa kalaban ka kumakampi,dapat sa amin ka nag che cheer para gaganahan kaming maglaro kanina"biro ng kasamahan ni kuya na hindi ko naman kilala.
"Taga dito ako kaya dito ang kakampi ko,diba Kris?sabi nito sabay siko sa akin.
"ha?ah ei...."utak utal kong sabi.Sinali pa ako ng bruha eh dahil lang naman sa kanya kaya ako nag cheer sa kalaban..hmmmp!!
"Hayaan mong doon sila sa kabila kumampi Leo,hindi natin kailangan ang suporta nila!Tayo na sa bahay!!"seryosong sabi ni kuya Jeff sabay tayo at aakmang paalis na.Wait lang bakit parang na guguilty ako?Alam kong narinig niya ang pagsigaw ko sa kalaban kanina,pero bakit dinibdib nya?Hindi naman kami close!pero bakit parang ang bigat sa pakiramdam.Nagpaalam ako saglit kay Cathy at hinahol si Kuya Jeff,mabuti na lang marami talagang tao kaya hindi siya nakaalis agad.
"kuya Jeff wait lang!"tawag ko sa kanya.Hindi niya siguro narinig kaya patuloy pa rin ito sa paglalakad,patuloy din ako sa paghahabol,may nababangga pa ako sa pagmamadali.Tinawag ko siya ulit nang tuluyan na kaming nakalabas sa gym.Pero ang mokong hindi pa rin tumigigil sa paglalakad,hindi na ako naniniwalang hindi niya naririrnig kasi hindi na masyadong maingay dito at kaunti na lang tao.Hingal na hingal ako ng maabotan ko siya.
"bakit mo ba kasi ako sinusundan?"inip nitong tanong sakin.
"Gusto ko lang sanang humingi ng sorry tungkol sa nangyari kanina."wika ko kahit medyo hinihingal pa.Habaan mo pa pasensya mo kris,ikaw itong may kailangan...
"ok!!"bored nitong sagot sabay akmang aalis na.Yun lang yun?Hingal na hingal ako sa kakahabol sa kanya tapos ok lang sagot niya?nakakapang init ng ulo!!
"Teka nga lang kuya Jeff may problema ba tayo?"hindi ko na mapigilang magtanong.
"Kuya Jeff""panggagaya nito sabay tawa."tsk..""iiling iling pa.Mas lalo akong naiirita.Hindi ko talaga alam ang problema niya sa akin at ganyan siya makitungo.Hindi naman siguro ayaw niya ako na kaibigan ng pamangkin niya kasi mabuti naman akong tao,wala naman akong pwedeng maituro kay Cathy na masama kaya wala talaga akong maisip na rason.
"sabihin mo naman kuya kung may problema ka sakin kasi kaibigan ko si Cathy at para alam ko rin kung may nagawa ba akong mali sayo!"dagdag ko pa.
Tumingin ito sakin ng matiim at napatiimbagang.
"mas magandang mananatili tayong ganito ang turingan sa isat isa kaysa sa hindi ako makapagpigil pa."sabi nito na hindi hinihiwalay ang tingin sakin.Matagal kaming nagkatitigan hanggat kusa na itong umalis palayo.Nagugulohan ako,wala akong maintindihan sa sinasabi niya.Naiwan akong tulala habang inaalisa ang lahat..

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon