chapter three

526 5 0
                                    

Ilang araw ding nanatili si papa sa hospital bago pinayagan ng doctor na lumabas.Ngayon nga ay kakarating lang namin dito sa bahay,inaalalayan ko pa si papa na makaupo sa sofa bago ako pumasok dito sa loob ng kwarto ko.Plano kong magpahinga na muna ngayon kasi bukas balik pasok na naman sa eskwela.
Kung tatanungin niyo kung tumawag ba ulit yung numero sa akin,pwes hindi na ulit nagparamdam kaya mas minabuti kong isipin na hindi si kuya Jeff yun at napagtripan lang ako ng magaling kong kaibigan.
Marami akong lesson na nakaligtaan kaya naging busy talaga ako sa sumunod na araw.Plano din naming gumawa ng project sa bahay ng kaklasi ko mamayang gabi kaya nagmamadali ako ngayon para maagang makauwi at makapag paalam ng maayos sa bahay.Simula kasi ng makauwi si papa galing hospital ay hindi na muna siya nagpupuntang baranggay,pahinga na lang muna talaga siya,minsan lang pag talagang kailangan talaga ng perma or permiso niya tsaka na siya pinupuntahan sa bahay.Balita ko din na tumutulong din si Kuya Jeff doon habang wala pa itong pinagkaka abalahan ngayon.Minsan nga narinig ko sa kapatid ko na pumupunta daw si Kuya Jeff sa bahay habang nasa eskwela ako,may pinag uusapan daw sila ni papa.Dati pa man kasi alam kong malaki ang tiwala ni papa kay Kuya Jeff kasi bukod sa magkakilala na sila nuon pa man,talaga namang mapapagkatiwalaan itong tao.Ako lang naman ang todo iwas dito kasi talagang mabigat ang loob ko sa kanya dati.Oo dati na lang iyon,kasi simula nang tulungan niya ako nung na hospital si papa parang unti unting naging magaan ang loob ko sa kanya.Yung dating kahit anino nya ayaw kong makita,ngayon naman parang gustong gusto ko na magkasalubong ang landas namin.
Pinayagan naman ako nila mama na gumawa ng project namin sa bahay ng kaklasi ko basta wag lang daw akong magpagabi masyado.Sana nga mabilis lang kaming matapos kasi medyo malayo pa naman tong bahay ng kaklasi ko.
Hindi dininig ng diyos ang dasal ko na maaga kaming makatapos kasi mahigit apat na oras din kami bago na finalize talaga ang lahat.
Ngayon,kanya kanya na kaming antay ng masasakyan para makauwi.Malas namang namatay pa baterya ng telepono ko kanina pa kaya hindi ako makatawag sa bahay,alam kong nag aalala na ang mga iyon sa akin.Nakasakay na iyong iba at ako na lang mag isa ang naiwan,iba kasi ang daan patungonsa bahay namin kumpara doon sa mga kasama ko na pare pareho lang.Palagi naman may dumadaan na jeep dito kaya hindi ako nawawalan ng pag asa na makasakay.Nilalamig na din ako dahil sa soot kong plain t shirt at jeans,nawala sa isipan kong magdala ng jacket!Niyayakap ko na lang ang sarili ko maibsan man lang ang lamig.Minamalas ka pa namang bigla na lang bumuhos ang malakas na ulan.Sumilong ako sa gilid habang nag aabang pa rin ng masasakyan.Medyo basa na ako ng kunti dahil sa lakas ng hangin.
.Mahigit isang oras na akong nag antay dito wala pa ring sasakyan na dumadaan.Siguro dahil sa ulan kaya wala nang nakaisip pang bumiyahe lalo nat gabi na din naman.Naiiyak na ako sa lamig at takot.
Nakahinga ako ng maluwag ng may nakita akong sasakyan na papalapit kaya kahit malayo pa,sumulong ako sa ulan at sinalubong ang sasakyan para masigurong makita ako nito.
Parang naestatwa ako ng makita ko kung sino ang taong nagmamadaling bumaba ng sasakyan at puntahan ako.
"are you out of your mind?!"galit nitong wika sabay hila sakin pasakay sa sasakyan.Tiimbagang itong nakatingin sakin habang pinupunasan ko ang mukha kong puno ng tubig ulan.May kinuha ito sa may likuran at inabot sa akin.
"Suotin mo yan,nilalamig ka na!"sabi nito.Isang itim na jacket ang binigay niya sakin.Alam kong kanya ito,sa amoy pa lang ng jacket naaamoy ko na ang pabango niya.
"salamat"wika ko sa nanginginig na boses.Napabuntong hininga ito.
"Nag aalala na ang mga magulang mo sayo,gabing gabi na hindi ka pa nakakauwi.Sa susunod matuto ka namang tumawag kung nasaan ka na or ipaalam mo kung ano nang nagyari sayo!"galit nitong sabi.
"im sorry" sabi ko habang nakayuko.Naiiyak ako,ewan ko ba.Ngayong nakikita ko sa kanya na nag aalala siya sakin ng sobra naging emosyonal ako.Napabuntong hininga ulit ito.
"im sorry too...nag aalala lang din ako kaya nasigawan kita."paliwanang nito.Nagkatitigan kami.Ibang iba na siya sa taong kinaiinisan ko dati.Yung taong ayaw na ayaw kong makita at makasama dati.Ngayon nakikita ko sa kanya ang pag aalala sa kin ng sobra.Ang saya sa puso.Hindi ko alam kung bakit masaya ako na malaman na nag aalala siya sakin.Dati hindi naman importante sa akin kahit ano tungkol sa kanya.Bigla na lang nag iba ngayon,Naguguluhan ako bigla sa kung ano itong nararamdaman ko para sa kanya.

"are you okay?" nagtataka nitong tanong.Hindi ko namalayang napatagal na pala ang pagtitig ko sa kanya kaya umiwas na ako.
Katahimikan ulit ang namayani saming dalawa ngayon,seryoso siyang nagmamaneho habang ako naman nakatingin lang sa daan.Mahina na lang din ang ulan at nakatulong talaga ang jacket niya para hindi na ako masyado pang ginawin.Malapit na kami sa bahay nang magsalita siya ulit.
"Kapag ganitong may lakad ka sa gabi,magsabi ka sakin para masamahan at mahatid kita."sabi niya.
"ha?"naguguluhan kong tanong.Alam kong mali na masyado akong ginabi ngayon at pinag alala ko ang mga magulang ko pero hindi naman niya obligasyon na ihatid at problemahin pa ako.Nakita niya siguro na hindi ko nakuha kung anong punto niya kaya itinigil niya muna saglit ang sasakyan sa tabi ng kalsada.Hinarap niya at tinitigan sa mata.
"Look...alam kong naninibago ka sakin kasi hindi naman tayo malapit sa isat isa.Ayaw ko lang na mapahamak ka dahil importante ka kay Cathy kaya importante ka na rin sakin"mahaba nitong paliwanag.Hindi ko pa rin makuha ang rason niya kasi ngayon lang talaga siya naging ganito sakin sa tinagal tagal naming magkaibigan ng pamangkin niya.
"ok fine,i admit nag aalala ako sayo.Nang pumunta ako sa bahay niyo kanina dahil may hinatid ako sa papa mo,narinig kong hindi ka pa nga raw umuuwi,gabing gabi na at umuulan pa,kaya nagpresinta akong sundoin ka."dagdag pa nito.Siguro nga nag aalala lang talaga ito sa akin at nagmamagandang loob lang kasi kaibigan ako ng pamangkin niya.Hindi ko alam kung bakit medyo nalungkot ako sa rason niya pero nagpapasalamat pa rin naman ako atleast its a good start na mag iba na yung pakikitungo namin sa isat isa.
"Ok,naiintindihan ko...salamat Kuya Jeff."pilit ngiting sabi ko sa kanya.

Nagbihis agad ako pagdating ko ng bahay at si Kuya Jeff naman ay kinausap saglit ni papa,nagpasalamat yata dahil sa pagsundo sa akin.Nakahiga na ako ngayon sa kama habang nagmumuni muni.Hindi ko na namalayan na nakaidlip na pala ako.

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon