chapter five

472 7 0
                                    

Hindi agad ako nakatulog kagabi pagkatapos ng pag uusap namin ni Kuya jeff ai Jeff pala.Napapangiti pa rin ako hanggang ngayon sa iisiping hindi na ako magku-kuya sa kanya.Pero kahit walang sapat na tulog,ang ganda pa rin ng gising ko.Pati sa school good mood din ako.Lahat naninibago sa ngiti ko.Hindi naman kasi ako yung klasi ng tao na pala kaibigan talaga.Kinakausap ko lang yung mga kakilala ko,tahimik lang din akong tao.Kahit si Cathy na kausap ko ngayon sa phone ay naninibago sa saya ko.

"ano ba talagang nangyari ha,at kahit andito ako sa maynila ramdam ko yang kasiyahan mo?"..pangingulit nito.Syempre hindi pa ako handang magkwento sa kanya,bukod sa tiyuhin niya na ang involve,takot din naman akong mapahiya dahil baka asyumera lang ako.

"Wala nga,maganda lang ang gising ko!'sabi ko habang nakangiti.Alam kong hindi bumenta ang rason ko kay Cathy,may ugali pa naman ang bruhang to na hindi tumitigil hanggat hindi nalalaman ang totoo.
Kaya mas ginusto kong putulin agad ang tawag kasi baka madulas pa ako.!Kaibigan ko ang lukaret na yun kaya alam kong pag may malaman ito,malalaman din ng buong baryo!

Uwian na kaya andito ako ngayon nag aabang ng masasakyang jeep pauwi.Papara na sana ako ng jeep nang mapansin ko ang pick up ni Jeff.Wow talagang sinasanay ko ang sarili kong hindi na magkuya sa kanya!Napailing na lang ako sa iniisip.
Huminto ito sa harap ko.Palinga linga ako sa paligid kasi baka hindi naman ako ang sadya at talagang asyumera lang ako pero nang buksan niya ang bintana ng passenger seat at tawagin ako ay napatunayan kong ako talaga ang sadya niya.Agad naman akong sumakay para hindi masyadong makakuha ng atensyon ng mga tao.Hindi naman na bago sa kanila na magkasama kami ni Jeff kasi sanay na sila dati pa lalo na nung andito pa si Cathy.Ngayon lang talaga na kami lang dalawa palagi sa loob ng sasakyan.

"may pinuntahan lang ako diyan sa malapit kaya naisipan ko nang dumaan sa school niyo,buti na lang nakita kita agad"...basag nito sa katahimikan.

"salamat—-"nahihiya kong sabi.Tiningnan nya lang din ako.

"Gusto mong magkape muna bago kita ihatid?"aya nito.

Napaangat ako ng tingin sa kanya,nagkatitigan kami saglit bago ako tumango tango.Alam kong awkward din ito sa kanya kasi pareho lang naman kaming hindi sanay sa presinsya ng isat isa.
Humento kami sa isang Caffe na medyo malapit lang naman sa school namin.Tinanong niya ako kung anong gusto ko pero siya na ang pinapili ko.Nanliit din ako sa sarili ko nang mapansin kong pagpasok namin dito sa loob,kami agad ang tinitingnan,lalo na siya na kahit simple lang ang damit gwapo pa rin tingnan,hindi katulad ko na nakasuot pa ng uniporme.Siguro inakala lang nang mga tao na kasama ko ang kapatid ko.Pagkatapos niyang umorder ay umupo na siya dito sa table namin.Magkaharap kaming dalawa.Hindi ako makatingin sa kanya lalo na't alam kong tinitingnan niya ako.

"ok ka lang?hindi ka ba komportable sa lugar na'to?"..tanong nito.Siguro napansin nito ang awkwardness ko.

"Hindi.....ayos lang ku—-ya?"alanganin kong sabi.Tumikhim ito.

"Jeff na lang diba?"

"sorry,,,hindi pa kasi ako sanay.."nahihiya kong sabi habang nakayuko.Inangat niya ang mukha ko kaya nagkatinginan kami.

"alam kong bago sayo to lahat,gusto ko lang na maging maayos na ang pakikitungo natin sa isat isa.."sabi nito habang mariin pa ring nakatitig sakin.

"Maayos naman na tayo diba?"sagot ko.

"gusto kong mapalapit sayo."hirit nito.Hindi ako nakasagot.

"Matagal na kitang kilala pero malayo pa rin tayo sa isat isa,panahon na siguro para makilala mo naman ako."dagdag pa nito.

"kilala na kita diba———"

"Hindi pa,kasi kung kilala mo na talaga ako,alam mo na kung ano ang nararamdaman ko para sayo.." putol nito sa sasabihin ko.

"anong ibig mong sabihin?" kinakabahan man ay nagtanong pa rin ako.

Magsasalita pa sana siya ulit pero dumating na order namin kaya pareho na kaming tumahimik na lang.Hindi ko na rin alam kung paano pa ulit magtanong sa kanya kaya nagbyahe na lang kami pauwi na ngayon na hindi ko pa rin naiintindihan ang mga sinabi niya kanina.

Pagdating namin sa bahay ay nagpasalamat na ako sa kanya sa paghatid niya.Nagkatitigan pa kami saglit bago niya binuksan ang lock ng sasakyan.Pababa na sana ako nang hinawakan niya ako sa siko.

"I will call you later..."wika nito.

Tumango na lang ako at Nginitian siya bago tuluyang bumaba at pumasok sa loob ng bahay.Ang bunso ko lang kapatid ang naabotan ko sa sala,pangiti ngiti pa ito sa akin na parang ewan,inirapan ko na lang.Umakyat na ako sa kwarto at nagbihis ng pangbahay.Hindi na ako makapag antay sa tawag si Jeff mamaya!!!!
Aligaga ako buong gabi,hindi mapalagay.Kunting tunog lang ng phone ko kinakabahan na agad ako.Napansin pa ni papa na may inaantay akong tawag dahil kahit saan ako magpunta at kahit anong ginagawa ko,hawak hawak ko ang phone ko!Mabuti na lang nakahanap ako ng rason na inaantay ko ang tawag ni Cathy kasi nag iwan ng mensahe kanina na may sasabihin sakin.Ayaw ko sana talagang magsinungaling pero mas lalong ayaw ko namang malaman nila na si Jeff ang inaantay kong tumawag.Alam kong magtataka sila pag nalaman nila kasi hindi naman talaga kami dati nag uusap ni Jeff.Ayaw kong masira ang magandang pagtingin nila kay Jeff nang dahil lang sa akin.

Alas nuebe na nang gabi nang mag ring ulit ang telepono ko.Nang makita kong si Jeff ito ay agad na akong nagpaalam sa kanila na papasok na akong kwarto.

"sorry natagalan ako sa pagtawag,ngayon lang kasi ako nagapos sa ginagawa ko.."bungad nitong sabi.

"ganun ba?gabi na ah,naghapunan ka na ba?.."pag alala kong tanong.Kung ngayon lang siya nakauwi,ibig sabihin hindi pa siya nakakain at mas inuna pang tumawag sa akin.!

"pagkatapos nito,kakain ako...anong ginagawa mo?..tanong nito sa malambing na boses.Or talaga lang sigurong kinikilig ako kaya kahit boses niya naging malambing na sa pandinig ko.!!!Ang landi mo Kristina!!!kastigo ko sa sarili ko.

Medyo mahaba haba rin ang pag uusap naming dalawa.Mga kahit anong topic lang,kung anong maisip.Masarap pala siyang kausap kaya hindi na namin namalayan ang oras,kung hindi ko lang naalalang hindi pa siya naghahapunan ay hindi pa naming maisipang magpaalam sa isat isa.Ang laki ng ngiti ko sa mukha hanggang sa dalawin na nga ng antok....

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon