chapter twenty-five

375 7 0
                                    

Unang araw na naman ng pasokan,maaga pa lang ang ingay na ni Luna sa dami ng kwento niya!Tawang tawa na lang ako kasi kahit yata paghahalikan nila ng nobyo niya gusto pang ikwento sa akin...!!Nakakaloka!!!!
Rinig ko ding usap usapan ng mga kasamahan ko na may bisita nga raw ang boss namin na isang bigtime!Halos maglupasay sa kilig ang mga kasamahan kong babae.Pareho naman kami ni Luna na walang ideya kung sino ang bisita!

Subsob ako sa trabaho kaya hindi ko na napansin ang oras.Tanghalian na pala kaya niligpit ko muna ang ginagawa ko at sumunod na kay Luna sa canteen.Nagkasabay pa kami ng isa kong kasamahang lalaki pasakay sa elevator,pareho din kasing sa canteen ang punta namin.Medyo palabiro din ito kaya kahit na hindi naman ako palakaibigan sa kanila ay hindi pa rin nito mapigilan na magbiro sa akin.Natatawa naman ako sa kanya,hindi dahil sa biro niya kung hindi dahil sa mukha niya!!!
Pareho kaming nagtatawanan nang bumukas ang elevator.Pagkalabas namin ay siya ding pagbukas ng elevator sa kabila!Ang mas hindi ko inaasahan ay nakita kong si Jeff ang iniluwa nito kasama ang boss namin.Nagkatinginan kaming dalawa.Nawala ang ngiti sa mukha ko!Hindi ko alam kung ano ang ipapakita kong emosyon sa kanya.Napansin ko ring napatingin siya sa katabi kong kasama na hanggang ngayon tumatawa pa rin at hindi naramdaman ang tensyon sa paligid.
Tumiim ang anyo nito.Naputol lang ang titig niya sa akin ng kausapin siya ulit ng boss namin.Nagbigay galang naman kami sa kanila bago nagpatuloy papuntang canteen.Nangangatog ang tuhod ko habang naglalakad!
Hindi ko alam kung bakit palagi na kaming pinagtatagpo ngayon!
Oo,dati pa man hinahanda ko na ang sarili ko sa posibilidad na pagkikita namin ulit pero ngayon na nangyayari na nga,nararamdam ko pa rin ang kaba!!!!
Lutang ako habag kumakain ng lunch!Narinig ko din na si Jeff pala ang tinutukoy nila kaninang bisita ng boss namin.
Ayun din sa narinig ko,ang firm nila Jeff ang kinukuha ng boss ko na magrenovate ng kompanya namin!Matagal nang naka plano ang renovation ngunit palaging hindi natutuloy,at ngayon nga ay tuloy na tuloy na nga raw!Kung binibiro ka ba naman ng tadhana,,sa dinami daming architectural firm dito sa maynila bakit kay Jeff pa?!!!!

Bumalik na kami sa trabaho pagkatapos naming managhalian!Parang hindi ko nga maramdaman ang kinain ko dahil sa mga nangyayari!!

Uwian na at kakatawag lang ni Ruel sa akin na nasa labas siya at ihahatid daw niya ako sa apartment.Itong taong ito talaga,!palibhasa alam kasi nito na kapag ganyang nasa labas na siya wala na akong magagawa para hindian siya!

Hindi ko rin naman maasahan si Luna kasi may nobyo itong sumusundo sa kanya!

Pagkalabas ko pa lang sa lobby ay nakita ko na agad ang nakangiting Ruel na naghihintay sa akin.Agad itong lumapit sa akin!Ngumiti na lang din ako sa kanya kasi ang kulit talaga!!!!

Papunta na kami sa Parking area nang huminto saglit si Ruel para batiin ang taong nakasalubong namin..Walang iba kung hindi si Jeff!!!
Bakit ko ba nakalimutang nandito pala siya!!at alam kong magkakilala silang dalawa!!!

Nagbatian silang dalawa at napansin ni Ruel na nakatingin sa akin si Jeff kaya ipinakilala din kami sa isat isa..!!!!Nagkunwari akong hindi siya kilala!!

"by the way....Kris meet Ruel,may ari siya ng firm na kinuha ng kompanya namin!
Ruel,,meet kris my friend!!""pagpapakilala nito sa aming dalawa.Ang awkward talaga ng sitwasyon.!

"we know each other..."sabi ni Jeff habang nakatingin sa akin..
Pareho kami ni Ruel na nagulat!!!

sana naman hindi niya sabihin kung paano kami nagkakilala!!!!!!

"Kami din ang kinuha ng boss niya para mag ayos dito kaya nakilala ko siya!!!"titig na titig nitong sabi sa akin.
Nakahinga naman ako ng maluwag!!Wala naman akong plano na ilihim kay Ruel,ayaw ko lang talaga nang maraming tanong pa!!!!!!

"ohhhhhh ok,,good to hear that pare....congrats!!!!""wika ni Ruel.

Mabuti na lang at hindi na humaba pa ang usapan nilang dalawa kasi ilang na ilang na ako sa mga tingin ni Jeff sa akin.Mabuti na lang at hindi pansin ni Ruel kasi magtataka talaga ito...

Habang nasa byahe na kami pauwi ay bukang bibig pa rin ni Ruel si Jeff.Sabi niya belib na belib daw siya kay Jeff kasi nga nakapag patayo daw ito ng kilalang architectural firm sa sarili nitong sipag at tiyaga!Tatlong taon pa lang daw ang firm nito pero sikat na sikat na!!!!

Nakikinig lang ako sa mga sinasabi niya kahit mismong sarili ko curious na rin malaman ang tungkol kay Jeff.Ayaw kong magtanong nang kahit ano kasi ayaw kong makahalata siya..!!!

Kaya nang makarating na ako sa apartment at nagpapahinga na ay naisipan kong gumawa ulit ng account sa social media!!
Ilang taon na ba simula nang huli akong gumamit nito?Bukod sa dati pa man wala na akong hilig nito,,iniiwasan ko rin talaga ang gumamit kasi ayaw ko nang makabalita pa nang tungkol sa kaniya!
Pero ngayon,,hindi naman ako mapapalagay kapag hindi ako makikibalita!!!Wala naman sigurong masama!!!
Hinanap ko agad ang pangalan niya...

Jeffrey Llano.......

Agad namn itong lumabas!!!!Ang ginawa niyang profile ay iyong karga karga niya ang bata habang nasa Enchanted Kingdom sila..
Nakikita kong masayang masaya sila!!Tama nga siguro ang hinala ko na anak niya ang batang iyon!!
Malungkot akong napangiti.

Bisabasa ko rin ang info niya at nalaman kong Three yeras na nga ang Firm nila! Bago pa lang ito pero marami na daw malalaking kompanya ang kumukuha sa kanila!!Nagpunta din ito ng ibang bansa mahigit dalawang taon!!!
Wala masyadong personal na impormasyon tungkol sa kanya siguro pinili nitong maging pribado,puro kasi mga achievements lang ang nababasa ko..!
Masaya naman ako para sa kanya,,ang layo na nang narating niya!!Atleast man lang hindi nasayang ang pakikipaghiwalay ko sa kanya!
Naisip ko rin na hindi mangyayari ito sa kanya kung hanggang ngayon ay kami pa rin!Siguro nandun pa rin kami sa probinsya namin at hindi pa natutupad ang mga pangarap namin...!!
Hinanap ko rin ang pangalan ng dati kong kaibigan.Pagkatapos niyang dalhin sa ibang bansa ay wala na rin akong balita sa kanya.

Catherine Llano Sta.Maria

Ang ganda pa rin niya!!Sa katunayan mas gumanda pa siya ngayon!Nasa ibang bansa pa rin pala ito ngayon at isa nang modelo!!Wow...nakaka proud!!!!!
Masaya rin ako para sa kaibigan ko at hinihiling ko na lang na sana kung magkita man kaming dalawa ay mapatawad rin niya ako..!!

Right love at the wrong time(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon